Lumipad patungong Dubai si Ana para humalili sa kanyang kaibigan na syang nagma-manage ng branch nila doon. Kinailangan nilang magpalitan dahil nagkasakit Ang ama ng kanyang kaibigan kaya't napilitan itong umuwi sa Pilipinas. Nagpaalam Naman si Ana Kay Gabriel na matatagalan sya sa Dubai dahil sa mga Hindi inaasahang pangyayari. Nalungkot Ang binata sa balitang ito pero Wala Naman syang magagawa dahil unang una ay Wala naman silang relasyon. Naisip na lang ni Gabriel na mukhang pinaglalayo talaga sila ng tadhana.
Samantala, nalaman Naman ni Dave na paalis si Ana at magsstay ng matagal tagal sa Dubai. Wala din naman naging Kaso sa binata dahil ayon dito ay pwede syang dalawin nito doon kapag pupunta sya sa company nila doon. Si Dave Kasi Ang President ng shipping lines na pag aari ng Lolo nito sa mother side.
Lumipas Ang ilang buwan at nagamay na ni Ana Ang pagtira sa Dubai. Napagkasunduan nilang magkaibigan na sya na lang muna doon dahil kailangan pa ng Kaibigan na masubaybayan Ang paggaling ng ama nito. Kaya naman Ang isang taon na pag stay nya ay naging halos dalawang taon. Sa loob ng almost 2 years ay nadadalaw Naman sya ni Dave sa Dubai. Katulad pa din ng dati, makulit ito at sadyang iniinis sya lagi, tuwang tuwa ito kapag naaasar sya.
Samantala, sa nakalipas na mga araw at buwan ay di na nagparamdam si Gabriel. Tila nakalimutan na sya nito. Tanggap na Rin Naman nya na baka Hindi talaga ito Seryoso sa kanya noon. Pero nanghihinayang sya sa possible sanang nangyari Kung sakaling sinagot nya ito. Maari kayang may asawa na sya ngayon,?
Excited si Ana na makabalik na sa Pilipinas, after 1yr and 6 months ay malalanghap na nya ulit Ang polluted air ng Metro Manila. Iniisip nya na konting panahon na lang pala ay 30 yrs old na sya. Pero bakit parang may kulang sa buhay nya. Bakit kahit natatamasa nya Ang kaginhawahan ng buhay ay parang Hindi pa din sya masaya. May kulang pa din pero Hindi nya alam Kung ano.