Sentimental Fool

424 Words
Gabriel POV Naging busy ako sa company lately dahil nagkaroon ng mga changes sa Board of Directors. Nabili ng company ko Ang Isa sa biggest competitor namin Kaya sunod sunod Ang meetings ko in and out of the country. Hindi kami masyadong nakakapag usap ni Ana dahil katulad ko ay may mga inaasikaso din sya sa negosyo nya. Niintindihan ko Naman ito Kaya Hindi ko muna sya kinukulit masyado. Ang bilis ng 2 months na nagdaan, Hindi na kami nakakapag date na dalawa. Namiss nya Kaya ako? sa totoo lang pwede ko Naman sya puntahan sa condo nya para Makita sya at makasama kahit saglit. Magkalapit Lang naman Ang condo namin. Pero ayokong gawin yun dahil gusto Kong malaman Kung pareho ba kami ng nararamdaman. Sa totoo lang ay sa kanya ko Lang naranasan lahat ng firsts. First time mabasted, first time na kiss without s*x, first time Kong manligaw. Fuck! ano bang ginawa ng babaeng yun sa akin. Sa loob ng 2 months ay unti unting dumalang Ang communication namin. Para sa akin ay makakatulong to para malaman ko Kung totoo na ba Ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa totoo lang ay gustong gusto ko na si Ana, handa ko na nga sya paglaanan ng Oras ko bilang girlfriend. kahit natatakot ako Kung Kaya ko ba ang commitment. Pero may isang bahagi ng puso ko na umaasa na muli kaming magtatagpo ng landas ni baby girl. Ang pinangakuan ko na syang magiging Reyna ko at ako Ang kanyang hari. Kumusta na Kaya sya ngayon? Kung bakit ba Kasi Hindi na kami nagkita ulit after namin maghiwalay. Hindi na sya nagbakasyon sa probinsya namin matapos nun. Every summer vacation ay hinihintay ko sya pero Hindi na talaga sya nagpakita sa akin. Hanggang sa pumunta na ko ng States ay Hindi ko na sya nakita. Hindi Kaya naalala ko Lang si baby girl Kay Ana? bukod sa pareho sila ng name ay pareho din sila ng mata. Bakit Kasi di ko natanong Kung anong full name nya. Basta Ana lang Ang alam ko. Sa dami ng Ana sa mundo saan ko sya hahanapin. At Kung sya si Ana Marie, bakit di nya ko kilala? Alam nya Naman Ang pangalan ko. Sana lang ay mahanap ko na Ang totoong Ana ng buhay ko, pag nakita ko sya ay makakalimutan ko na Ang isang Ana Marie Gonzales, at sa kanya ko ibubuhos Ang buong pagmamahal na Kaya Kong ibigay. Sya lang dapat Kong mahalin, sa kanya ako nangako at gusto Kong tuparin Ang pangako na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD