Absence

465 Words
Ana Marie POV Matulin na dumaan Ang mga araw at buwan. Medyo dumalang Ang communication namin ni Gabriel dahil naging busy kami pareho sa mga negosyo namin. It's been 2 months ng huli kaming lumabas. Nagtetext Naman sya sa akin para kumustahin ako at sinasagot ko Naman. Hindi ko din Naman sya masyadong namimiss dahil siguro sa presence ni Dave. Sobrang kulit pala ni Dave, ngayon ko Lang nalaman Ang other side nya na yun dahil nga Hindi Naman kami dati nag uusap. I enjoyed his company, pero Hindi ako nakakaramdam ng romantic feeling sa kanya, it's more of a bestfriend or brotherly love. Dumalang Ang pagtetext namin ni Gabriel, hanggang sa nakita ko na lang sya sa isang society page na may kasamang model. Naisip ko baka nga hindi kami meant to be, at baka Wala lang din syang mapaglibangan ng mga araw na nagdedate kami. Somehow medyo nalungkot ako, Hindi ko Lang Naman Kasi sya sinagot ng araw na magtapat sya na gusto nya ko maging girlfriend dahil inisip ko na masyado pang maaga. At alam ko din na madami syang babae Kaya takot akong sumugal. Ibinaling ko na lang Kay Dave Ang pagkamiss ko Kay Gabriel, inisip ko na baka magustuhan ko pa din Naman sya kahit pano. At dahil nga nirereto kami ng mga nanay namin sa isa't Isa Kaya napapadalas din Ang paglabas labas namin. Isang gabi ay niyaya ako ni Dave magpunta sa Bar, birthday daw ng kaibigan nya at kailangan nya ng date, since Wala Naman akong gagawin ay sumama na lang ako. Anyway, napagkasunduan Naman namin ni Dave na Hindi namin pipilitin Ang isa't Isa, hahayaan na lang namin Kung mai-inlove kami. Narealized ko na parang boy version ko pala si Dave. Halos pareho kami mag isip patungkol sa mga bagay-bagay. Kaya naman nagkakasundo talaga kami. Pero Hindi katulad ni Gabriel na noon ay naglalaplapan kami after nya ko ihatid sa condo, si Dave naman ay behave talaga. Habang nasa loob kami ng bar ay napakadaming babae Ang maya't Maya nagpapansin Kay Dave, Hindi naman Kasi talaga maikakaila na gwapo ito at mayaman pa. Nagulat ako ng may lumapit na babae Kay Dave at hinimas himas Ang kanyang dibdib. Alam ko na, Isa to sa mga babae nya. Walang anu-ano ay tumayo siya at hinila Ang kamay ko... let's go my loves. it's getting late. -Dave Nagpaalam sya sa kaibigan at mabilis kaming lumabas ng bar. Pagpasok namin sa sasakyan nya ay Hindi ko ako nakatiis at tinanong ko sya. my loves? hmmp! paki explain Mr. Mondragon! Napangiti sya umiling na lang. Alam ko naman na yun, Isa sa mga iniiwasan nyang babae. At dahil dun ay naging endearment na ni Dave sa akin Ang my loves. Pero alam ko naman na Wala lang yun sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD