Ana Marie POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Si Dave na dating crush ko ay syang anak ni Tita Via, bakit nga ba Hindi ko naisip yun, Mondragon nga pala sya. Pero nasanay Kasi kami na Dave Ang tawag sa kanya, Gab pala Ang nickname nya Kay Tita at sa family nya. Tila naestatwa din si Dave pagkakita nya sa kin. Bigla din akong natulala ng kinabig nya ako at nagbeso sa akin...
how are you Ana? it's been a decade. wow! - Dave
I'm doing good Dave, thanks how are you?
Biglang sumingit si Tita...
magkakilala kayo?
Yes mom, we're highschool batchmates, si Dave habang nakatingin pa Rin sa akin.
oh I see! so maybe Hindi na pala mahirap para sa amin para maging magbalae, am I right Zen? ,si Tita habang nakatingin Kay mama.
Hindi ko na naiintindihan Ang mga sumunod na sinabi nila mama and tita dahil hinila ako ni Dave malapit sa may pool para magkasarilinan kami.
Sinabi din nya na Hindi sya talaga pumunta sa reunion dahil may iniiwasan syang Makita. Biniro ko pa sya na baka ako Yung iniiwasan nya pero Hindi daw. May girlfriend pala sya ng high school kami pero patago Kasi ayaw ng parents ng girl na mag boyfriend Ang anak nila. Hindi na dinetalye ni Dave Kung paano sila naghiwalay pero mukhang Hindi maganda Ang naging break up nila.
Medyo nailang ako sa presensya niya kanina pero habang tumatagal ay okay naman pala sya. Siguro dahil Hindi kami nag uusap dati sa school pero dahil we're both matured enough Kaya civil kami sa isa't Isa ngayon.
After two days we decided to go back to Manila. At syempre ako Ang magdadrive. Pero dahil sa pakiusap ng sister ni tita na mag stay si mama dahil matagal silang Hindi nagkita Kaya nagpaiwan ito. Anyway, dadalaw din pala si mama sa mga kamag anak namin sa kabilang bayan. At dahil Wala akong kasama pabalik ng Manila Kaya sinabihan ni tita si Dave na sya Ang magdrive ng sasakyan ko. Pumayag Naman si Dave dahil may meeting daw sya kinabukasan.
Hindi na ko naiilang na makasama si Dave ng kami lang, siguro ay na-overcome ko na Yung pagka crush ko sa kanya noon. Ackward nga lang dahil nalaman pa nya yun, buti na lang at di nya inoopen Ang topic na yun.
Dumating kami sa condo before 6PM. At dahil maaga pa naman ay nagyaya si Dave na kumain kami sa labas. Since walking distance lang Naman Ang mall sa condo Kaya naisip namin na maglakad na lang.
After ng dinner ay nagpasya na Kong umuwi, akala ko ay sa mansion sa Paranaque uuwi si Dave, pero nalaman ko na magkalapit Lang pala Ang condo namin dito sa Makati. Nagbiro pa sya na mabilis nya lang ako makidnap sa condo ko kapag kailangan nya ng kasama sa lakad nya.