The family secret

542 Words
Hindi mawala sa isip ni Ana Kung paano naging magkapatid si Gabriel at si Dave. At Kung bakit di ito nababanggit ng Ina nila sa tuwing nagkukwento tungkol Kay Dave. At Ang pinagtataka nya ay kung bakit magkaiba Ang apelyido ng dalawa. Nasa ganung pag iisip si Ana ng lapitan sya ni Dave. Napagpasyahan nila na magkita sa isang coffee shop after ng meeting nya. Sakto din Naman na malapit lang ito office ng binata. "Bakit naka kunot noo ka dyan my loves? sige ka, baka Hindi ka pa nakakapag asawa eh mukha ka ng may apo dahil sa wrinkles. " "may iniisip lang ako Dave" "wag mo na ko isipin my loves, nandito na ko sa harap mo", pabirong sabi ng binata sabay kindat sa kanya. Habang umiinom ng kape ay Hindi napigilan ni Ana na magtanong Kay Dave "Paano nga pala kayo naging magkapatid ni Gabriel eh magkaiba kayo ng apelyido" Napakunot noo si Dave "you mean kami ni kuya Lorenzo? "yeah, sorry nasanay Kasi akong Gabriel Ang tawag sa kanya, yun din Kasi Ang alam kong name nya" I'll tell you a secret, but it's not so secret anymore, nakangiting sabi ni Dave. THIRD PERSON POV Si Sylvia Mondragon ay panganay na anak ng mag-asawang Celeste at David, Isa sa may malaking lupain sa Quezon province, habang sa kabilang bayan Naman ay mayroong rancho na pag mamay-ari ni Don Lorenzo Valdez. Nang mamatay Ang kabiyak ng Don ay naiwan sa kanyang pangangalaga Ang dalawang anak. Hindi na muli pang nag asawa Ang Don dahil sa labis na pagmamahal nito sa asawa. Naging magkaibigan Ang pamilya Mondragon at Valdez. Sa pagiging malapit ng dalawang pamilya ay ipinasya ng mga ama nila na ipakasal Ang kanilang panganay na anak. Si Sylvia Mondragon at Gabriel Valdez. Hindi naging madali sa mga anak nila Ang kasunduan sapagkat may katipan si Sylvia ng mga panahon na yun. Gayun pa man, naikasal Ang dalawa at Ang panganay na anak nila ay si Gabriel Lorenzo Mondragon Valdez. Naging masaya Ang pagsasama ng mag asawa, subalit dumating Ang noo'y katipan ni Sylvia isang araw at pinilit nitong makipagkita ang babae sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Sylvia ay pinasundan sya ng asawa. Pinaghinalaan sya nito na kalaguyo Ang dating kasintahan at di umano ay iniiputan sya sa ulo ng asawa. Makalipas Ang isang buwan ay nalaman na buntis si Sylvia, sa Galit ni Gabriel ay pinalayas nya si Sylvia dahil ayaw nyang tanggapin Ang magiging anak nito sa labas. Umuwi si Sylvia sa mga Mondragon habang naiwan Ang anak na si Gabriel Lorenzo sa ama. Nang ipanganak Ang bata ay pinangalanan itong Gabriel Dave Mondragon. Dahil ayaw kilalanin ni Gabriel na anak nya Ang bata kaya't Mondragon Ang gamit nitong apelyido. Makalipas Ang sampung taon ay nakipagbalikan si Gabriel sa asawa nitong si Slyvia. Nalaman na din ng lalaki na sya Ang tunay na ama ng bunsong anak. Gusto na din nitong ipabago Ang pangalan ng bata at isunod sa apelyido nito na Valdez. Ngunit ng sumunod na araw ay naaksidente si Gabriel habang papunta itong Manila. Dahil sa pagkawala ng asawa, at dahil sa eskwelahan ay nakasanayan nang gamitin Ang Pangalan ng bata na Gabriel Dave Mondragon kaya't Hindi na itong nagawang ipabago ni Sylvia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD