One Saturday afternoon...
Pumunta si Gabriel sa isang park malapit sa kanyang condo. Kapag ganitong hapon na at Hindi masyadong mainit ay naiisip nya minsan na magpunta dito para magpahangin. Wala Naman Kasi syang time para umuwi ng Quezon para magbakasyon. Lalo na at sunod sunod Ang acquisition nila ngayon ng mga company na nagbebenta ng shares sa company nila.
Kapag ganitong napapag Isa sya ay Hindi nya maiwasan na maisip si Ana. Lalo na nung nakita nya itong kasama ng kapatid sa isang restaurant. Ano Kaya Ang relasyon ng dalawa? Hindi lubos maisip ni Gabriel na sa kapatid nyang si Dave pa pala ito mapupunta. Parang may selos syang nararamdaman sa isipin na ito. Pero Hindi pa naman nya nakakausap ang kapatid tungkol dito. Sa ngayon ay ayaw nya munang magbigay ng conclusion. Umaasa sya na Walang namamagitan sa dalawa.
Samantala, habang naka upo si Gabriel sa isang bench ay namataan nya Ang isang pamilyar na bulto. Nilapitan nya ito at Hindi nga sya nagkamali. Ang Isa pang babae na nagpapagulo sa Sistema nya. Nakaupo ito sa Kung saan malapit Ang mga batang nagpapalipad ng saranggola. Nilingon sya nito at ngumiti ng tipid...
You're here! , bulalas ni Anabelle
Hi! ...can I seat beside you? , si Gabriel
"yeah sure! "
"how are you Ana? "
"medyo malungkot, pero ayos lang ako"
"why? what's wrong?"
"medyo nalulungkot Kasi ako kapag nakakakita ako ng mga batang nagsasaranggola, may naaalala lang ako. "
anong naaalala mo Ana?
"I remember my childhood days, may nakilala Kasi ako noon during our summer vacation, we used to fly a kite. I called him Kuya, and I'm his baby girl. but after that vacation we never get to see each other again."
Tila natigilan si Gabriel sa naririnig nya Kay Anabelle. Hindi sya makapaniwala na nasa harap nya na Ang babaeng matagal nya ng hinahanap. Unti-unti ay humarap si Anabelle Kay Gabriel...
"naalala mo na ba kuya Gabby?"
"Ana!...baby girl? "
Sa wakas ay nasabi din nya, natulala si Gabriel. Sumilay Ang tipid na ngiti sa labi ni Anabelle.
Sa excitement na naramdaman ay napatayo si Gabriel at kinuha Ang kamay ng dalaga Kaya napatayo na din ito. Niyakap nya ng mahigpit si Anabelle at gumanti Rin ito ng yakap sa binata.
Walang pagsidlan Ang kaligayahan na nararamdaman ni Gabriel sa mga Oras na yun. Tila ba nagliwanag Ang kanyang buhay dahil sa pagdating mg babaeng matagal na nyang pinapangarap.
Nagbalik tanaw silang dalawa sa nakaraan habang magkaakbay at patuloy na nakatingin sa paglubog ng araw. Nakumpirma ni Gabriel na ito nga si Ana na kanyang baby girl dahil sa mga kwento nito. Lahat ng sinasabi ni Anabelle sa kanya ay syang totoong nangyari noon.