Happiness

541 Words
Mula ng malaman ni Gabriel na si Anabelle ang Ana na matagal na nyang hinahanap at ang babaeng pinangakuan nya ng pag ibig ay walang pagsidlan ang tuwa ng binata. Nang gabing hinatid nya ito sa condo pagkagaling nila sa park ay ginawa na nilang opisyal ang kanilang relasyon. Nag uumapaw sa galak Ang kanilang mga puso. Isang buwan na matapos Ang pangyayaring yun at isang buwan na din na opisyal na silang magkarelasyon. Naging madalang na din si Gabriel sa pagpunta sa bar kasama ng mga kaibigan. At sa tuwing pupunta ito ay madalas na kasama si Anabelle o Kaya Naman ay saglit Lang. Umiiwas na Kasi sya sa mga babae at gusto nya ay si Anabelle na lang Ang pagtuunan ng pansin. Madalas din na nasa condo ni Anabelle Ang binata, araw araw ay pinupuntahan sya nito at Walang araw na Hindi sila nadadarang sa init ng kanilang mga katawan. Sa unang pagniniig nila ay napansin ni Gabriel na tila nahihiya Ang dalaga, halatang Hindi ito sanay sa ganung bagay pero dahil inaaraw-araw nya ito Kaya mabilis itong nakakasabay sa mga kilos nya pagdating sa kama. Hindi nagsisi si Gabriel sa paghihintay nya ng matagal na panahon Kay Ana, ang babaeng para sa kanya ay pag-aalayan nya ng buong buhay nya. Nasa terrace ng condo ni Anabelle si Gabriel at nakatingin sa mga ilaw na nagkikislapan sa kalaliman ng Gabi, niyakap sya ng dalaga mula sa likuran at idinantay Ang pisngi sa malapad nyang likod. Humarap Ang binata at gumanti ng yakap sa dalaga. Kakatapos lang nilang pagsaluhan ang isang mainit na tagpo at tila ba nabubuhay na naman ang pagnanasa ni Gabriel na angkinin ulit ang kasintahan. Walang araw na Hindi nya ipinararamdam sa dalaga Kung gaano sya kasaya na muli nya itong makasama pagkaraan ng ilang taon na nagkahiwalay sila. "Hon, pwede ba dito ka na lang muna matulog? " , paglalambing ng dalaga Kay Gabriel " As much as I want to, pero may early meeting ako bukas hon, but I promise you I will be here earlier than usual." , si Gabriel habang hinahalikan Ang labi ng kasintahan. Hindi na nagpumilit pa Ang dalaga dahil naiintindihan Naman nya si Gabriel. Kinabukasan ay dinalaw ni Anabelle sa opisina Ang binata, dahil sa angking kagandahan ay Hindi maiwasan na mapatingin Ang mga empleyado sa kanya. Surprise visit Ang ginawa ni Anabelle dahil hindi alam ng kasintahan na dadalawin nya ito. Pagkarating ni Anabelle sa floor Kung nasaan Ang CEO's office ay bumungad sa kanya Ang secretary nito. Pagbukas ng pinto ng opisina ni Gabriel ay nagulat pa ito, di nya inaasahan Ang biglang pagbisita ng kasintahan. Tumayo Ang binata at lumapit sa dalaga. Agad nya itong kinintalan ng halik sa labi at tumugon Naman ito sa kanya, hanggang sa lumalim Ang paghahalikan nila Kaya napaungol si Anabelle ng Hindi sinasadya. Ang mga sumunod na pangyayari ay nakapawala na sa katinuan ng dalawa. Mabuti na lang at nai-lock agad ni Gabriel Ang pinto ng opisina nya pagkapasok ni Anabelle. Matapos Ang kalahating oras at nahimasmasan na sila dahil sa paghupa ng init sa katawan, agad na nagbihis sila at magkahawak kamay na umalis sa opisina. Niyaya ni Gabriel na mag-early dinner Ang kasintahan sa isang fine dining restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD