Something About Him

437 Words
Sa nagdaang isang buwan ay naging ordinaryo pa Rin Ang araw ni Ana. Walang bago sa kanya, at tuwing weekend ay nagkikita sila ni Dave. Wala din namang iba sa relasyon nila. Alam din naman nya na may mga babaeng nakaka-date si Dave. Kung minsan ay iniisip nya na Sana si Dave na lang talaga Ang mahalin nya. Sana dumating Ang time na matutunan nya itong mahalin. Masaya sya na isipin na boto Ang mga magulang nila sa isa't Isa. Naisip ni Ana na magiging ideal siguro Ang relationship nila ni Dave kung sakali dahil very open sila sa isa't Isa. Lahat ng mga ginagawa ni Dave ay Hindi sikreto sa kanya. Pati Ang schedule nito minsan sa mga babae ay nasasabi sa kanya pero Wala lang Naman ito sa dalaga. Kung minsan nga ay ginagawa pa sya nitong chaperon sa mommy niya, sinasabi umano ni Dave na sya Ang kasama Kaya Hindi makauwi sa mansion nila kahit Ang totoo Naman ay nasa bar ito at nangha- hunting ng mga chix. Napapitlag si Ana ng marinig Ang ring ng phone nya. Alas otso na ng Gabi at tumatawag pa si Dave... "my loves, busy ka ba? ", si Dave sa kabilang linya "not really, why? saan ka? ", sagot ni Ana "alam mo na, you wanna go with me?" "anong gagawin ko dyan, malamang maging scorer nyo pa ako, tsk" humagalpak ng tawa si Dave at malambing na nagwika.... "nasa condo lang ako ngayon ...don't worry my loves, pag kasal na Tayo Ikaw na lang Ang babae ko, promise" "tigilan mo ko Gabriel Dave Mondragon, parehas Lang kayong takot sa commitment ng kuya mo" Walang kagatol gatol na sabi ni Ana. Tila natigilan Naman si Dave sa kabilang linya Kaya parang binuhusan ng malamig na tubig Ang dalaga dahil sa tinuran nyang iyon. Hindi nya sinasadyang masabi Ang mga iyon. matapos Ang katahimikan nila ay biglang nagsalita si Dave " my loves, may dapat ba Kong malaman tungkol kay kuya Lorenzo? " "hmmm?ah Wala, I mean pareho lang Kasi kayong parang ayaw ng commitment. you know, Yung kuya mo laging nasa society page na Kung sino sino Ang kasama, di ba? " "well, si kuya yun, iba ako may loves. you'll know soon, just remember that I'll always be here for you, if you need someone to talk to. " "thank you Dave" Pagkatapos nilang mag usap ay di agad makatulog si Ana. Hindi nya alam Ang dapat nyang maramdaman. Tila ba may mali, tila ba may kulang sa kanya. Kung Sana lang Hindi nangyari Ang mga nangyari ng nakaraan, Sana ay Hindi nya ito nararamdaman ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD