The Great Pretender

718 Words
Matapos ang meet and greet ni Gabriel sa ilang VIP guests ng reunion ay nilapitan nya ulit si Ana at tumabi ito sa kanyang upuan. Hindi magkamayaw Ang ilang nanduon sa event dahil Hindi sila makapaniwala na nakikita nila in person Ang isang sikat na bachelor sa bansa. Sya lang Naman Ang Isa sa mga sought after bachelor dahil bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Napasama din sya sa Ten Outstanding Men in the Country. In short, sikat sya Hindi lang sa mga kababaihan kundi pati na Rin sa business world. Wala namang idea si Ana Kung bakit ganun na lang Ang paghanga ng mga ito sa pretender boyfriend nya. Ang alam nya lang Naman ay ito Ang nakabangga nya two weeks ago sa isang parking lot ng restaurant sa Tagaytay. How are you, sweetie? - Gabriel Doing good, how are you? , tipid na sagot ni Ana. Much better, si Gabriel why, nagkasakit ka ba? - Ana na! I'm just a bit tired for the whole week but now that I'm with you I feel great. -Gabriel Pinangatawanan ni Gabriel Ang pagiging boyfriend nya Kay Ana hanggang sa matapos at magpaalam sila sa reunion. Nagdecide si Ana na wag ng mag stay doon dahil medyo tipsy na Ang ilang kababaihan at tila panay Ang paglapit ng mga ito Kay Gabriel kahit Ang alam ng mga ito ay sya Ang girlfriend. Let's go, uwi na tayo- Ana Are you sure? it's fine with me if you want to stay, I can be your boyfriend / bodyguard. - Gabriel Wag na, baka ma-aswang ka ng mga manananggal dito! - Ana manananggal? - Gabriel Manananggal ng brief! sabay hagalpak ni Ana. So, my girlfriend sounds jealous huh! - Gabriel, and then he chuckled Na, just a bit nervous, baka pag nagtagal Tayo dito Hindi ka na makauwi ng buo dahil paghahati hatian ka ng mga babae dito. - si Ana habang nakangiti na bumubulong Kay Gabriel. Napatawa si Gabriel at Hindi mawala Wala Ang ngiti nito sa labi sa tinuran ni Ana. Hindi sya makapaniwala na may sense of humor pala Ang babaeng kaharap nya. Bilang pasasalamat ay inimbita ni Ana na pumasok muna sa condo unit nya si Gabriel para makapag kape. Alas onse na ng Gabi ng makarating sila sa condo ng dalaga. Magaan ang pakiramdam ni Ana sa pakikipag usap nya sa binata, Hindi Rin nya inisip na baka may gawin itong masama sa kanya. Feeling nya ay matagal nya na itong kilala. Kung ano ano lang Ang napag usapan nila. Maging si Gabriel ay Hindi Rin maitanggi Ang saya. Matapos ang isang Oras ay nagpaalam na si Gabriel sa dalaga para makapag pahinga na sya. Napatitig ng matagal si Gabriel sa mukha ni Ana, hanggang bumaba Ang tingin nito sa mga labi ng dalaga. Napakagat labi si Ana dahil Nate- tense sya sa tingin na pinupukol ng binata sa kanya. Don't bite your lips sweetie, baka ako kumagat dyan - Gabriel w- what? - si Ana, na napakagat ulit sa labi nya dahil sa pagka tense. At sa isang iglap ay naramdaman ni Ana Ang paglapat ng labi ni Gabriel sa kanya. Biglang lumakas Ang t***k ng puso ni Ana at Hindi nya alam Ang gagawin nya. Kanina lang ng hinalikan sya ng binata sa harap ng mga tao sa venue ay nagulat sya dahil ito Ang first kiss nya. At ngayon ay para syang nahihibang sa paraan ng paghalik nito. Napaka banayad ng halik nito pero may panggigigil. Walang magawa Ang dalaga kundi tumugon sa halik ng binata. Hanggang sa naging mapusok na Ang bawat pag angkin nito sa mga labi nya. He encircled his arms around her waist and she put her arms around his nape. Napalalim na Ang halikan ng dalawa at habol na Ang kanilang paghinga. Napaungol ng di sinasadya si Ana. hmmmm! nakapikit Ang mga Mata nilang dalawa, tanda na ayaw putulin Ang sarap ng halik na pinagsasaluhan nila. Nang biglang nag ring Ang cellphone ni Ana ay tila sya nabuhusan ng malamig na tubig. Nagkatitigan silang dalawa at napangiti si Gabriel. Si Macky Ang nasa kabilang linya, tinatanong Kung kumusta sya sa reunion at Kung anong nangyari sa kanila ni Gabriel. Hindi sya makasagot ng maayos kaya't pinutol nya Ang linya at sinabing tatawagan na lang Ang kaibigan kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD