No Label

494 Words
Ana Marie POV After ng gabing hinalikan ako ni Gabriel ay naisip Kong e-stalk sya sa mga social media accounts nya. Hindi ako aware na ganun pala sya kasikat dahil madalas ay nasa society page sya at kasama Ang mga sikat na model o di Kaya ay artista. Napaisip ako, Hindi pwede maging kami. Ayokong mapasama sa collection nya. Habang maaga pa ay dapat ko nang supilin Ang sarili ko. Alam Kong unti-unti nakong nahuhulog sa kanya. Pero ayokong maging luhaan sa huli. Kung ano man Ang pinapakita nya sa akin ay kapareho lang din yun sa mga babae na nakakasama nya. Gusto ko ng boyfriend na ako lang din Ang girlfriend. After that night ay Lagi na kaming nagkikita ni Gabriel, we're exclusively dating. At sinabi din nya na gusto nya ako. Pag hinahatid nya ako sa condo ay nagpapaka gentleman sya. Pero Hindi pa din nawawala Ang pagiging pilyo nya minsan. I like his company, maybe because napapatawa nya ako sa mga jokes nya. Gusto nya maging girlfriend ako pero sabi ko sa kanya mas okay siguro Kung maging friends na lang muna kami. Natatakot Kasi akong sumugal sa kanya. We're friends pero bakit kami nagkikiss? meron bang friends na naglalaplapan? naguluhan na din ako. Marupok din siguro ako pero ayokong umabot sa sukdulan Ang karupukan ko. Tama na muna Ang passionate kiss sa amin. We've been dating for 3 months now, and Wala akong Plano na i-level up Kung ano man Ang meron kami. At mukhang nalimutan na din nyang tanungin ako Kung ano Ang status namin. It's fine with me for as long as Hindi ko pa isinusuko Ang Bataan. Gabriel POV Nang gabing nahalikan ko si Ana ay desidido na akong sya Ang gusto Kong maging girlfriend. Ready na ako para isuko Ang kalayaan ko at isang babae na lang Ang pagtutuunan ko ng pansin. Hindi ko alam sa sarili ko pero parang may something kami in the past. Bakit parang nahihypnotized ako sa mga Mata nya tuwing tumititig ako dito. Nang ipinagtapat ko sa kanya na gusto Ko syang maging girlfriend ay sinabi nyang mas okay na muna kaming magkaibigan. Parang mas lalo akong na-challenge sa kanya. Sya lang talaga Ang babaeng parang Walang amor sa akin. Pero Hindi ako susuko, makukuha ko din sya. Hindi ako ganito sa iba. Hindi ako nanliligaw dahil Kaya Kong kunin Ang babae sa isang kindat lang. Akala ko noong Gabi na nagpanggap ako na boyfriend nya ko ay okay na kami, totoo nga Ang sinabi ng mga kaibigan ko, Hindi ko Basta Basta makukuha Ang gusto ko sa kanya. At alam Kong ako din Ang first kiss nya dahil naramdaman ko ito ng unang hinalikan ko sya. At dahil pumapayag Naman sya na magpahalik sa akin Kaya nag improve na sya sa paraan ng paghalik, nakakasabay na sya sa tuwing aangkinin ko Ang mga labi nya. Nabibitin nga lang ako minsan Kaya Hindi ko maiwasan na may mga babae akong naikakama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD