Two Weeks Later:
Gabriel POV
Mula ng araw na nagkita kami ni Ana sa family gathering namin ay muli na Naman nyang ginulo Ang pag iisip ko. Walang araw na Hindi ko sya maisip, Ang mga ngiti nya, Ang pagsimangot nya at Ang pamumula ng pisngi nya kapag kinikilig sya, at Ang namimiss ko sa lahat ay kung paano sya tumutugon sa mga halik ko noon. Alam ko na may gusto sya sa akin noong mga panahon na nagde-date kami. Nakikita ko yun sa mga Mata nya. Natatakot lang sya dahil akala nya ay Hindi ako Seryoso sa kanya. Sa totoo lang ay mas nao-occupy nya ang isipan ko ngayon, mas madalas ko pa nga sya maisip kesa sa girlfriend Kong si Anabelle.
Noong unang araw na nagtagpo kami ni Ana sa Tagaytay ay feeling ko na-love at first sight talaga ako sa kanya. Ganito din ang nararamdaman ko ng mga panahon na yun. Parang bumabalik na naman ako sa ganung tagpo. Gusto ko syang Makita pero pinipigilan ko Ang sarili ko, gusto ko din marinig Ang boses nya pero ayoko syang tawagan. Baka Hindi ko na makaya Ang pagpipigil ng nararamdaman ko pag ginawa ko yun. Sa ngayon ay gusto Kong uminom lang hanggang sa malasing ako para makalimutan ko sya. A week ago ay nakausap ko si Dave, Wala Naman pala silang relasyon pa ni Ana, ayon sa kanya ay si mommy Ang nag-set sa kanila, at nagkasundo sila ni Ana na Hindi nila pipilitin Ang sarili na magkagusto sa isa't Isa. Nang malaman ko yun ay tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Natuwa ako ng malamang Hindi ko magiging karibal Ang kapatid ko.
Ana Marie POV
Pagkahatid sa akin ni Gabriel nung araw na iyon ay hindi na ako mapakali, parang bumibilis lagi Ang pintig ng puso ko kapag naiisip ko sya. Sana ay Hindi Naman ako magkasakit sa puso nito. Inaamin ko noon pa man na gusto ko na talaga si Gabriel, natatakot lang talaga ako dahil nakikita ko Kung gaano sya kalapit sa mga babae. Well, pareho Naman silang magkapatid, pero syempre Wala Naman akong pake Kay Dave dahil kapatid lang Naman Ang tingin ko sa kanya. Noong mga panahon na unti-unting nalalayo sya sa akin ay nalungkot ako, lalo na nung Wala na talaga kaming communication sa isa't Isa. Feeling ko ay bigla na lang nya akong iniwan sa ere. Buti na lang talaga at naging sigurista ako, my Bataan is still in-tact, no retreat no surrender ito. Sa tanda ko ba Naman na to eh magpapagoyo pa ko sa kanya. Haisst! Ang hirap talaga magkagusto sa gwapo, daming karibal, try ko na lang Kaya Yung kanta ni Andrew E. na " humanap ka ng pangit"? Parang di ko Naman yata Kaya yun.
Pero sa totoo lang ay namimiss ko na talaga si Gabriel, Yung lalaking sweet, maalaga, maginoo pero medyo bastos. Sya talaga yun eh! Sa mga panahon na dine-date nya ako feeling ko sobrang Ganda ko. Kung minsan nagsisisi tuloy ako Kung bakit Hindi ko sya naging boyfriend, parang Tanga Kasi ako, Ang tanda ko na pero nagpapasweet pa din ako. Feeling teenager, bwiset!