Gabriel POV
Niyaya ko si Ana, I mean si Anabelle para isama sa family gathering namin na si mommy mismo ang nag ayos. Dahil nagbalik bayan Ang mga relatives namin from States ay malamang nandun din Ang mga pinsan Kong chickboy. Every year ay ginagawa namin ito kasabay ng anniversary ng kasal nila Lolo at Lola, kahit pa Wala na sila ay naging tradisyon na ito nila mommy. Ito daw Kasi Ang way para magkasama sama Ang buong pamilya Mondragon.
Pumayag si Ana sa Alok ko lalo na nung nalaman nya na ipapakilala ko sya sa pamilya ko bilang girlfriend. I think it's about time na may ipakilala na ako sa kanila, lalo na at kinukulit na ako ni mommy na mag asawa na para makapag alaga na daw sya ng apo. Maayos na Sana Ang lahat, excited na din ako na makilala ng pamilya ko si Ana, pero pagdating ko sa condo niya ng Friday night ay nagulat ako na may maletang nakahanda sa may living room. Ipinagtapat sa akin ni Ana na kailangan nya ng bumalik muna sa New York dahil may contrata pa sya na kailangang tapusin. She'll be there for two months. Well two months Lang naman at babalik na sya ulit ng Manila. Naisip ko na sa pagbalik nya ay susurpresahin ko sya, I will propose to her para Hindi na sya ulit umalis at dito na lang sya sa tabi ko. Magpapakasal na kami within this year. Buo na Ang pasya ko dahil alam Kong sya Ang babaeng gusto Kong makasama.
Kinabukasan ay hinatid ko pa si Ana sa airport, she have to catch her flight at around 6am manila time. After ko syang maihatid ay dumirecho na ko sa Mansion namin sa Paranaque. Tuwang -tuwa si mom pagkakita sa akin, lalo na ng Sinabi ko sa kanya na may girlfriend na ko. Hindi lingid sa kaalaman ni mommy Ang tungkol Kay Ana dahil nung mga panahon na pinipilit nya ako na makipag date Kung kani-kaninong anak ng mga Amiga nya ay sinabi ko sa kanya Ang tungkol Kay Ana. Nanghinayang sya dahil Hindi ko naisama Ang girlfriend ko, pero sinabi ko sa kanya na after two months ay makikilala nya ito.
Alas onse ng umaga, nakita Kong dumating si Dave, at may kasama syang babae. Nakatalikod pa Ang babae pero mukhang pamilyar Ang bulto nya sa akin.
Hindi muna ako lumapit at sumandal lang ako sa may poste na malapit sa Lanai. Habang sinalubong ni mom si Dave at niyakap, pati Ang babaeng kasama niya ay mukhang kilalang kilala ni mommy. Nakatalikod pa sila sa pwesto ko, panay Ang asaran ng mga pinsan ko at narinig ko si Tita Almira na sinabing couple of the year sina Dave at Ang babaeng kasama nya. Mukhang mauunahan pa yata ako ni Dave magpakasal, naisip ko.
Napagpasyahan kong lumapit sa kanila, pero nung papalapit na ako ay nagulat ako sa nakita ko, Hindi ko inaasahan na dito kami ulit magkikitang dalawa. Ang babaeng nagpagulo sa isip at sa buong Sistema ko ng ilang buwan. Bigla akong naguluhan, biglang bumilis Ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam bakit ganito ako sa tuwing nakikita ko Ang babaeng ito. Parang bumalik ako sa unang araw na nakita ko sya sa Tagaytay. Iba talaga Ang ganda nya, Yung tipo ng Ganda na Hindi pagsasawaan tingnan. Magkaiba sila ng Ganda ni Ana, kahit magkapareho sila ng nickname. Naalala ko tuloy ng mga panahon na nagde-date kami, at Yung mga panahon na nahahalikan ko sya sa labi, parang na-miss ko bigla Yung malalambot nyang labi.
Pero ng nakita ako ni Dave ay napilitan akong lumapit sa kanila, Hindi ko pinansin si Ana. Hindi ko kasi alam Ang magiging reaction ko, pero f**k! Ang ganda nya talaga. Parang nagselos akong bigla sa kapatid ko.
Sa dining table ay pinilit Kong tumabi Kay Ana, nasa pagitan namin sya ni Dave. Napapansin Kong parang close na sya sa relatives namin, at tila ba kapamilya na talaga sya. Siguro matagal na sila ni Dave Kaya ganito na sila ka-close pati na din si mommy. Pero mukhang may iba sa relasyon nila ni Dave. Hindi ko alam Kung ano, pero Wala Naman nakukwento sa akin Ang kapatid ko.
Medyo naiilang si Ana kapag napapag usapan Ang tungkol sa kanila ng kapatid ko, pero Hindi Naman sya umaalma kapag tinatawag sya si Dave ng "my loves" na ikinaiirita ko talaga pag naririnig ko. Gusto Kong ako lang Ang may endearment sa kanya. s**t! ano ba tong naiisip ko. At nakikita Kong close talaga sila ng kapatid ko,, naninibugho ako ngayon sa nararamdaman ko, nagseselos ako sa mga nakikita Kong ito. Pero alam Kong Hindi dapat dahil may Anabelle na ako, bakit Kasi sa dinami-dami ng babae sa parehong tao pa kami ipinagkanulo ng tadhana ng kapatid ko. Kung Sana lang ay mas nauna sya nitong nakilala ay Hindi dapat ako nahihirapan ngayon lalo na at natagpuan ko na Ang unang Ana na minahal ko.