Seducing Dave

618 Words
Ana POV Friday night, tinawagan ako ni Dave para i-remind ako sa family get together ng mga Mondragon. Ewan ko ba dito Kay Dave, as if Naman kapamilya nila ako. Pero alam ko naman na baka si Tita Via Ang may kagustuhan nito. Lalo na at mina- match nya kami ni Dave sa isa't Isa. Nagpaalam ako Kay mama na Hindi ako makakauwi ng weekend dahil nga isasama ako ni Dave sa kanila. Syempre ano pa nga bang aasahan ko, for sure papayag si mudrakels dahil bet din nya maging manugang si Dave. Haisst! Kung natuturuan lang talaga Ang puso! Kinabukasan ay sinundo ako ni Dave sa condo ko, actually half an hour ko na syang hinihintay, kanina pa ako ready, parang Hindi Naman ako masyadong excited no? Ayaw ko Lang Kasi na minamadali ako, saka mas gusto ko Yung nakakapag ayos ako ng maigi. Wait! ano ba Yung sinabi ko? bakit parang feeling ko meet the clan ito, Wala Naman kaming relasyon ni Dave. Kung sabagay, knowing tita Via, for sure ay ipapangalandakan nya na Dave and I are soon to be couple. Sakto nagdoor bell na si Dave, pagbukas ko ng pinto ay nagulat ata sya sa akin, mukha syang tanga sa hitsura nya. Para syang nakakita ng white lady. Na- conscious tuloy ako sa ayos ko Kaya tinanong ko sya... "huy anong mali sa ayos ko? "s**t, my loves, you're such a goddess" "lechugas ka Dave, malapit na Kong bumilog sa kakakain Kaya wag mo na Kong bolahin. " humagalpak sa tawa Ang loko-loko at sabay humalik sa pisngi ko. Sanay Naman na ako sa kanya sa paraan ng pagbati nya. Simula nung naging close kami ay hinahalikan nya ako sa pisngi pag nagkikita kami. It's fine with me Kasi ganun din Naman sya sa mommy nya. Buti nga sya sa pisngi lang, samantalang Yung kuya nya halos magdugo na Yung labi ko bago pakawalan. Haay! kumusta na Kaya yun? Naisip ko tuloy si Gabriel, mabuti buti na nga di ko sya naiisip bakit bigla na naman syang sumagi sa isip ko. Feeling ko magkikita kami mamaya Kasi kapamilya naman sya di ba? Ako nga tong kapuso pero invited eh! Chaar! Actually nung sinabi sa akin ni Dave Yung tungkol sa family gathering nila ay Hindi sumagi sa isip ko na magkikita kami Kaya agad akong pumayag, then naalala ko na kapatid nga pala sya ni Gabriel, hay naku! bakit ba Kasi magkaiba sila ng apelyido, gulo din ng buhay ng dalawang yun eh! Kaloka! We're heading to Paranaque now and Dave is driving, I caught him while staring at me sometimes. I smile a bit and without looking at him I said.., "eyes on the road '" Napangiti sya, ng biglang nag red Ang stoplight Kaya Napatitig sya ulit sa akin. Gumanti din ako ng titig sa kanya at sa pinaka seductive na boses ay tinawag ko sya... "Dave... Hindi sya nakasagot bigla dahil sa paraan ng pagkakatitig ko sa Kanya ay para bang naaakit ko na talaga sya, hinawakan ko sya sa pisngi at hinaplos ko ito, at Hindi ko na pinatagal Kaya sinabi ko.... Daaaave, wag mo akong titigan na para bang gusto mo akong utangan! Sa pagkabigla nya ay napabunghalit sya ng tawa, hanggang sa mag go na Ang stop light at nagdrive na ulit sya, Hindi mawala Wala Ang ngiti nya. Ako naman ay patuloy na natatawa pa din. Ang saya lang namin habang nasa sasakyan. Ito Yung gusto ko Kay Dave, Wala akong inhibition sa kanya. Para bang Hindi ako naiilang. Nasasabi ko Kung ano Yung gusto Kong sabihin to the point na kahit magbiruan kami even green jokes pa ay Wala lang sa amin yun. We're like soulmates.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD