Family Gathering

525 Words
Ana Marie POV: Makalipas Ang isang Oras na byahe ay nakarating kami sa mansion ng mga Mondragon sa Paranaque. Hindi Naman na ako namamangha sa malalaking bahay dahil nung bata pa ako ay sa mansion ng mga grandparents ko kami nakatira. Pero ngayon ay mas pinili na lang namin ni mama na bumukod na sa kanila dahil Wala na si papa at ayaw din ni mama na laging kasama Ang mga kapatid ni papa sa bahay. Kaya nung nag umpisa akong kumita sa negosyo ay bahay agad Ang una Kong bimili para sa amin ni mama. Binilhan ko sya ng lupa sa isang high end subdivision sa Cavite at pinatayo ko Ang dream house ni mama. Nang makababa kami ni Dave sa sasakyan ay dumirecho kami sa napakalawak na garden. Nakita agad kami ni tita Via at agad kaming sinalubong. As usual, tuwang tuwa sya dahil magkasama kami ni Dave. Iginiya kami ni tita Kung saan Ang kasiyahan, nagulat ako dahil Ang akala ko na konting salu-salo lang ay pinabongga ni tita at nagpa-cater pa talaga sya. Sa tantya ko ay aabot kami ng 30 katao sa gathering na iyon. Yung ibang nandun ay nakilala ko na nung nagpunta kami sa Quezon ni mama. At dahil dun ay medyo napalagay na Ang loob ko sa kanila. Mukhang Sosyal Ang pamilya Mondragon Kung tingnan dahil mababakas sa kanila Ang magandang lahi. Pinaghalong Spanish and American Ang mga ninuno nila, dahil sa Filipino Ang nalahian ay talaga namang litaw Ang ganda ng lahi nila. Sabi nga, kapag Ang Filipino nalahian eh sigurado na maganda Ang kalalabasan. Kaya naman Hindi nakakapagtaka na madaming kababaihan Ang nababaliw sa magkapatid na Dave and Gabriel. Nakita ko na din ngayon Ang ibang pinsan nila na sina Mateo, Carlos at Miguel. pare-pareho silang matatangkad at gwapo pero iba iba nga lang sila ng kagwapuhan. Very warm and welcoming Ang pamilya nila tita, parang Walang masamang tinapay sa kanila. Pagdating namin ay kami na lang pala Ang hinihintay nila tita para makapag start na. Gusto Kasi nila na sabay sabay kaming kakain kahit Naman Hindi kami kasya sa isang table. Nagkakasiyahan na sila ng dumating kami. Pagbungad sa amin ng isang kapatid ni tita Via ay bigla itong nagsabi ng... "Oh my! the couple of the year is here! welcome hija! " sabay beso sa akin ni tita Almira. I was caught off guard sa mga sumunod na pangyayari dahil lahat sila ay nakatingin sa amin at kanya kanya ng opinion sa tinuran ni tita Almira. " so kelan Ang kasal" nagkatinginan kami ni Dave habang nakangiti at sya na din mismo Ang bumawi.... "not so fast guys! baka matakot nyo si Ana nyan tapos mag run away bride" natatawang sabi ni Dave. Sa di kalayuan ay nakita ko si Gabriel na papalapit sa amin, kakaiba Ang tingin na ipinupukol nya sa akin. Kaya't nag iba ako ng tingin. Narinig ko si Dave na sinabing kasama ako. No reaction si Gabriel Kaya nailang ako. Hindi ko alam Kung anong naiisip nya ngayon. Hindi ko din Alam Kung anong dapat Kong maramdaman. Bakit parang naguguilty ako? Wala Naman kaming relasyon di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD