Chapter One: Man In Shining Car
"Sera!" Rinig na rinig ang pagsigaw ni Mama ng pangalan ko mula sa ibaba.
"Opo, Mama!" Pasigaw kong tugon dito. Nagmamadali kong iniligpit ang mga papeles na kakaylanganin sa pag-aapply ng trabaho. Sinigurado ko na wala akong nakalimutan at nang masiguro iyon ay bumaba na ako. I immediately smelled the scent of what my mother is cooking. I bet she's frying eggs and bacons again, which are my favorites by the way.
Nakangiti akong pumasok sa kusina. Natagpuan ko si Mama na nasa harap ng kalan habang nagluluto. Napangisi ako nang sumagi sa isip ko ang isang napakagandang plano. Dahan-dahan akong lumapit papunta sa likod nito, siniguradong wala akong ingay na gagawin habang ginagawa ito.
I always attempt to scare her and I just hope that this time, I would finally accomplish this childish mission of mine.
Ngunit bago ko pa man siya gulatin ay nagsalita ito na ikinabigla ko. How did she knoe again!?
"Nakung bata ka, alam ko na 'yang gagawin mo," she scolded me. I pouted in disappointment at myself, niyakap ko siya mula sa likuran at sinandal ang ulo ko sa likod niya.
"Paano niyo na naman po nalaman?" Malungkot na tanong ko.
"Sera, palagi mo 'yang ginagawa sa akin, nasanay na ako sa ugali mong 'yan." She answered while laughing.
"Hindi po ako susuko, balang araw ay magugulat din kita, Mama. Just wait and see." Humiwalay ako sa kaniya, pumunta ko sa hapag at naupo sa upuan. Habang hinihintay ko ang pagkain na maluto ay ginalaw ko na muna ang cellphone ko para naman malibang ako
Ngayong araw ay mag-aaplly ako sa isang kumpanya. Ang target k oay ang DS company which stands for Dwyer Site. Isa ito sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas na pagmamay-ari ni Hunter Dwyer. He's hiring a personal assistant, hindi na naman bago iyon dahil halos araw-araw rin itong nagpapalit ng PA. Rumors said that his former PAs were w*****g around him which is the reason why he fires them immediately.
Not that I'm bragging or anything, but I'm proud to say that I am not a w***e. NBSB ako't wala pang planong magkaboyfriend. Ang first priority ko ay ang parents ko, wala akong panahon para maglandi at maghanap ng jowa. May itsura ako, maganda ang eduacational background, nakapagtapos sa pag-aaral, masipag at marami ring mga pangarap sa buhay. I could totally pass as a perfect PA for him, saan pa ba siya makakahanap ng babaeng katulad ko? I'm the one he's looking for so I'm confident that I will totally fit in for the job.
Kung tutuusin hindi ko naman talaga gustong magtrabaho para kay Mr. Dwyer. He got the looks, actually he's handsome but he's also well-known for his ruthless personality. He fires people that easily, he is also a heartbreaker. Nasaksihan ko na ang lahat ng mga iyon kaya malakas ang loob kong pagsabihan ito ng masasama. I once worked in his company, but that was years ago. Isa ako sa mga nasesante niyang empleyado, kami ng team ko dahil lang hindi niya gusto ang presentation na ginawa namin.
Anong silbi ng kagwapuhan niya kung wala siyang puso? Oo nga't gwapo siya. Siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. He's rich and good-looking, nakaka-in-love ang kagwapuhan niya pero nakakaturn-off naman ang ugali niya.
But I badly need a job that fits me and has a good salary. I deserve having a formal job to support my family. Magandang oportunidad ito, hindi dapat ako maging mapili. Sana nga lang ay matanggap ako.
"What's up, everyone!" Papa, with a very witty personality, entered the room with his hands in the air.
"Good morning, Papa!" I greeted him with a huge smile.
"Good morning, Sera, ngayon ka ba mag a-apply?" Tanong niya habang dunadampot ang diyaryo sa lamesa.
"Yes po, Pa. I'm actually really nervous." Tinapik-tapik ko ang dibdib ko sakaling maibsan ang kabang nararamdaman ko.
"Huwag kang kabahan, ikaw pa ba?." Ginulo niya ang buhok ko nang madaanan niya ako. Tumungo siya kay Mama, niyakao nito mula sa likuran at hinalikan sa pisnge habang binabati ng magandang umaga.
"Ano ka ba, mahal! Nagluluto pa ako oh!" Natatawang saad ni Mama.
"Go get a room, you guys!" Kunwaring nandidiring sabi ko. Ang totoo ay sanay na ako sa pagiging sweet nila, ang swerte ko nga sa mga magulang ko dahil sweet sila sa isa't isa at pati na rin sa akin. They never fail to make me feel loved.
"Ikaw kasing bata ka, hindi ka lang nakakahanap ng lalaking pakakasalan mo kaya ka ganiyan. 26 years old ka na, Sera, pero wala ka pa ring boyfriend. Tumatanda na kami ng Papa mo, baka wala kaming maabutan na apo! "
"Ang advance yatang mag-isip, Mama! Apo agad? Wala pa nga po akong boyfriend. Huwag naman po sana tayong magmadali! 50 years old palang naman po kayo."
"Aba!" Iniwan niya ang niluluto, humarap siya sa akin at pumamewang. "46 years old pa lang ako, no! "
"46 years old ka pa lang, Ma?" I teased.
Sinamaan niya ako ng tingin, mahinang tumawa si Papa sa pagtatalo naming dalawa.
"Tama ang Mama mo, Sera. Tumatanda na kami, kaylangan mo ng mag-asawa para mabigyan mo kami ng apo." Imbis na kampihan ako ay tinulungan pa nito si Mama.
"Sige, magtulungan na kayong dalawa. Huwag niyo naman po akong madaliin, manyayari rin po yan balang araw pero huwag muna ngayon."
"Bahala ka, tatanda kang dalaga."
Naiintindihan ko naman sila Mama kung bakit minamadali nila akong mag-asawa at magka-anak. I'm an only child, gusto pa sana nila ng isa pang anak ngunit hindi na nakayanan ni Mama. Pero hindi ko pa kasi prayoridad ang magkajowa. Tulad nga ng sabi ko ay family's first muna.
Pagkatapos magluto ni Mama ay sabay-sabay na kaming kumain sa hapag. After finishing breakfast, nagpaalam na ako sa mga magulang ko bago umalis.
Nakasuot ako ng kulay pink na bestida na nagtatapos sa itaas ng tuhod ko. Sinamahan ko ito ng puting blazer at puting sandles. Medyo mabigat ang bag ko dahil sa maraming laman na kakaylanganin ko para sa pag-aapply ko sa trabaho.
Sinigurado kong dala ko ang helmet ko bago sumakay sa scooter ko at bumiyahe papunta sa DS company, malapit lang naman ang ang kumpanya sa tinitirhan namin. Minalas nga lang ako dahil inabutan ako ng traffic. Napabuntong hininga na lang ako at mahinahon na naghintay kahit na tirik ang araw.
Ang aga aga may traffic? Siguradong maraming mag-aapply. Baka may makauna sa akin, baka may natanggao na sila.
Nakahinga ako ng maluwag nang maging berde na ang traffic light at umusad na ang traffic. I started the engine again before driving, nagulat na lang ako nang may kotseng humarurot sa gilid ko nang mabilis kaya't ako'y sumemplang dahil duon..
What in the world is wrong with that guy!?
Huminto ang kotse pero dahil sa bilis ng takbo nito ay nahinto ito sa malayo. Kinaylangan niya pang iatras ang kotse niya para lang mapantayan kung nasaan ako. Hindi ko na ito hinintay pang lumabas para hingin ang tulong nito. Tumayo ako habang pinapagpagan ang sarili, tinayo ko pagkatapos ang scooter ko at tinignan kung may gasgas ba ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil maliit na gasgas lang ang natamo nito. Importante sa akin ang scooter na ito, pinaghirapan 'tong bilhin sa akin ni Papa! Hindi ko ito palalampasin!
Tinabi ko muna sa gilid ang scooter ko, tinanggal ko ang helmet ko at tinignan din kung meron ba itong gasgas.
Nilingon ko ang kotse na nasa gilid ko. Inayos ko ang stand ng scooter ko bago sugudin ang kotse at hampasin ang hood nito.
Alright, I went too far with the banging.
"Ano bang problema mo? Feeling mo sayo 'tong daan para magmaneho ka nang napakabilis na para bang walang ibang sasakyang nagmamaneho sa daan?" Hindi ko napigilang sumigaw, pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaam sa sidewalk pero masyado akong galit para alalahanin kung anong iisipin ng mga tao sa akin.
Umatras ako nang bumaba dahan-dahan ang bintana na nakasagabal sa naming dalawa. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa loob ng kotseng ito.
My hand flew to slap my mouth in shock, napakurap-kurap pa ako, sinisiguro kung tama ba ang nakikita ko o nababaliw na ako?
Am I hallucinating or am I really seeing Hunter Dwyer in front of me!?
I slightly backed away to look at his Bugatti Veyron. It's not only one of the fastest cars in the world but also one of the most expensive ones. I'm sure that it costs 3.4 million dollars! Imagine having that amount of money in peso!
"Anong sabi mo?" His barritone voice spoke, his eyes looking directly into mine.
So what if he's riding an expensive car? So what if he's Hunter Dwyer? Muntikan niya na akong sagasaan. Aanhin ko ang trabaho kung isang demonyo lang naman pala ang magiging boss ko? Ako ang nasa tama kaya hindi dapat ako matakot.
"Muntikan niyo na akong masagasaan." I tried to stay calm and be polite as possible, I took a deep breath to overcome my frustration and anger. "Nagasgasan ang scooter ko...nasugatan ako... muntikan na akong mamatay! Anong klaseng driver ka, ha!?"
Okay, forget about staying calm and polite.
He raised his eyebrow at me, he stayed quiet while staring deeply into my eyes. His eyes never left mine like like he's searching my soul.
"It's not my fault that you are a slow driver," he finally replied.
Ano pa bang sagot ang inaasahan ko sa isang gago na tulad niya?
"Anong sabi mo!? Nag-iingat lang ako hindi tulad mo—!"
"Do you know who I am?" He cut me off, looking at my appearance from head to toe.
"I know who you are, Mr. Dwyer but right now, wala akkng pakialam kung sino ka. I was planning to apply as your PA pero nagbago na ang isip ko ngayong muntikan mo na akong masagasaan." Nagmamartsa akong bumalik sa scooter ko at sasakay na sana rito nang may humawak sa braso ko.
I pulled my hand away from Mr. Dwyer's hold and glared at him. I folded my arms over my chest and faced him.
"What?" Pagtataray ko sa kaniya.
"You don't even look scary, cut it off." He said with nothing but pure rudeness in his voice. "And I don't like people who disrespects me, but in this case, you have every right to be mad considering I almost did cause an accident. I apologize."
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ko. Binaba ko ang kamay ko sa mga gilid ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya.
I mostly didn't expect he'll apologize. I never heard him apologize to his employee before so that's a shocker. Posible kayang nagbago na siya through this years?
Should I forgive me? He looks sincere and he did apologize, right? Ang turo sa akin ng mga magulang ko ay matutong magpatawad kahit na malaki pa ang kasalanan sa atin ng isang tao.
I sighed and offered him a small smile. "Fine, I forgive you."
He nodded like he already expected that I would forgive him.
"Just please don't repeat the same mistake again. Baka sa susunod ay may masaktan na talaga because of your reckless driving." I waved my hand in dismiss, "sige mauuna na ako." Sumakay ako sa scooter kk habang sinusuot ang helmet.
"Wait," he out his hand on the head of my scooter, "ituloy mo 'yong plano mo." My brows met in confusion.
"Pardon?"
"You're hired. Let's see if you'll fit as my personal assistant."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May kinuha siya sa bulsa niya, nang maglabas siya ng wallet ay mabilis na remehistro sa utak ko ang susunod niyang gagawin.
"To fix your scooter—"
"I don't need it," I shook my head, "maliit lang ang gasgas ng scooter ko kaya hindi ako tatanggap ng pera mo."
"Are you sure?" He sounds like he's in a business meeting, he's outside his workplace and he's still talking like we're in some kind of a business deal. His voice is so strict and powerful.
"Yes, I'm sure." I sighed, being as friendly as possible.
"So, what do you say? Will you accept the job?"
I was speechless for awhile. Of course, I will accept tge job because I'm desperate! I don't know if he's actually serious or not. I'm afraid that he's just f*****g around.
"I'll take your silence as a yes. You're starting now, your work time is 10:00 AM. Better not be late." Sampit niya bago umalis sa harapan ko, bumalik siya sa kaniyang kotse at bumusina bago magmaneho paalis.
What the heck? Is he actually serious?
Napailing ako at tinignan ang relo ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong 9:45 AM na. Napanganga nalang ako at napatingin kung saan naglaho sa kalayuan ang kotse ni Mr. Dwyer.
Shit, I'm going to be late!
Saktong pag start ko sa scooter ko ay bumalik sa pula ang traffic light.
I am having a bad day!