"Sera." Inistorbo ako sa pagtulog ng isang malambing na boses. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, ang una kong nakita ay ang piyer dahil nakasandal ang noo ko sa bintana. I turn my head to my other side, my eyes met Mr. Dwyer's and my heart fluttered when I realized how close he is to me.
Nakatulog ako sa biyahe!
Dali-dali akong umayos ng upo at pinahiran ang laway ko sa gilid ng labi. Nakakahiya sa kaniya dahil alam kong panget ako matulog. I drool when I sleep, it's embarrassing! God, it's really embarrassing!
"Sorry, sir. Hindi na po mauulit!" Kinusot ko ang mga mata ko, sinisiguradong wala akong muta.
"Yeah, you always say that, but you always sleep in your office." He moved away, shaking his head and buckling off his seatbelt.
"Because I don't have that much work." I pouted, "si Frances madalas ang inuutusan mo. Naiintindihan ko naman, mas matagal siyang nagtatrabaho sayo kaya siya 'yong pinagkakatiwalaan mo."
Hindi niya ako sinagot at bumaba ng kotse, tinanggal ko naman ang seatbelt ko at bubuksan na sana ang kotse pero naunahan niya ako. He opened the door for me, it was a simple gesture yet it still made me compliment him.
May tinatago rin pala itong pagka-maginoo.
I stepped out of the car while thanking him. Sinarado niya ang pinto ng kotse, nabigla ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at hilahin ako palapit sa piyer.
"Great. The yacht is gone." He sighed.
"I-is it my fault?" I worriedly asked.
He looked at me, the annoyance in his eyes is too visible. "Sino bang hindi gumising ng maaga?" He closed his eyes and let out a sigh. "Let's leave our luggage here, mauuna tayong dalawa sa isla."
"How?" Napanguso ako.
Tumuon ang atensyon niya sa mga jet ski sa nakaparada near the coast. Hinila niya ako papunta duon, nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink in sa utak ko ang plano niya.
I gasped when he pulled me to the water, nabasa ang pantalon ko dahil duon. Mabuti na lang ay hindi ako pumorma dahil mababasa lang naman pala ako. Huminto kami sa isang jet ski na nakatali sa isang kahoy. Tinanggal niya ang pagkakatali nito.
"Sayo ba 'to?" Gulat na tanong ko.
"Nope."
"Ha!?" My eyed widened. "Kung ganon, bakit mo pinapakialaman."
"We'll just borrow it and return it later." He said while opening the small compartment to get the key.
"Pero—"
Sumakay siya sa jet ski na walang kahirap-kirap, nilingon niya ako at nilahad ang kamay niya sa akin. Kinagat ko ang ibaba kong labi at nagdalawang isip kung tatanggapin pa ito o hindi. Hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakatapon na makapag-isip dahil walang paalam niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako pasakay.
Nag-struggle ako na makaakyat, nakakatakot dahil umuuga ito kapag gumagalaw ako.
Napakapit ako sa balikat nito at nasubsob ko ang mukha ko sa likod nito dahil sa kaba at takot.
"Mr. Dwyer, safe po ba 'to? Natatakot ako! First time ko 'to eh!" I cried.
"Don't worry, Sera, you're safe with me." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay sa balikat niya at bahagya itong pinisil. Giniya niya ito payakap sa bewang niya.
My brows furrowed because of what he called me but decided to just drop it.
If he keeps calling me by my name, I'll probably suffer from heart attack.
Nanatili ang kamay niya sa kamay ko at namula ang pisnge ko dahil duon. Pinigilan kong magwala ang puso ko dahil alam kong delikado. Simpleng kilos lang naman ang ginawa niya pero parang gustong magwala ng puso ko.
Sapat ba ang mga ito para magkagusto ako sa kaniya? Wala namang ugali niya na kagusto-gusto, hindi sapat ang kagwapuhan niya para magkagusto ako sa kaniya. But it's better to be sure than be sorry. Delikado ang magkagusto sa kaniya, habang maaga pa ay dapat pigilan ko ang sarili na magkagusto rito.
Pinaandar niya na ang sinasakyan namin, hindi siya nagmaneho ng mabilis tulad ng pagmamaneho niya sa kotse niya. Ramdam niya siguro ang kaba ko. Kung dahil nga sa akin ang pagmamaneho niya ng mabagal at maingat, nagpapasalamat ako sa kaniya.
After a few minutes, natanaw ko na ang magandang tanawin ng Camp Shelton.
The island is owned by the famous Ahrlo Villareal at hindi makakaila na napakaganda talaga ng isla nito.
I pouted when the ride ended. I actually enjoyed it even though I got scared at first.
He parked the jet ski near the coast, nauna siyang bumaba bago ako. I was surprised when he helped me get off and guided me. Ngayong araw ay sumosobra na ang mga magagandang ginawa niya para sa akin. Hindi ko tuloy alam kung magandang sign ba iyon o hindi.
Nang makababa ako ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko, pasimple ko itong binawi habang nakangiwi. Tinuon ko ang atensyon sa paligid, natulungan nitong ialis ang atensyon ko sa gwapong mukha ng boss ko.
May mga iba't ibang style ng sun loungers sa paligid, there are parasols covering the recliners. May mga coconut trees din sa paligid at mga ilaw na nakasabit rito. Kulay asul ang tubig at puti ng buhangin.
"Ang ganda." Namamangha kong sabi habang nililibot ang paningin sa magandang view ng place. Bumaling ako kay Mr. Dwyer, nagulat ako dahil imbis na sa magandang view siya nakatingin ay sa akin.
"S-sir?" I stuttered.
"Hmm?"
"C-can you please s-stop staring?" I can't believe I just said that! Ang gusto ko lang naman ay huwag niya ako tignan nang...ganiyan. Nakaka... s**t!
"Why? I enjoy this view better." He teased with a small smile on his lips.
I looked away, my cheeks flushing. "Good joke, sir. Mas maganda kaya 'yong tanawin dito." Nauna akong maglakad sa kaniya at umalis sa tubig. Nang makatapak ako sa sand ay agad kong hinubad ang suot kong sapatos. Good thing I brought an extra shoes.
"Sera."
There he goez again, calling me by my first name.
I looked back at him and smiled. "Yes, sir?"
"Can you please cut the sir? Wala pa tayo sa trabaho, stop being formal if we're not at work." He moved out of the water, hinubad niya rin ang sapatos niya at binitbit ito gamit ang isa niyang kamay.
"P-po?" Teka, tama ba ang pagkakarinig ko?
He just smiled a little but didn't answer me.
Pwede ko ba siyang tawagin sa una niyang pangalan? Pakiramdam ko ay maninibago ako, I've been calling him 'sir' at 'Mr. Dwyer' noong una pa lang. But I want to be close to him, right? Baka dito na magsimula ang pagiging close namin at maging magkaibigan pa kami. This is a perfect opportunity.
"I think you're very familiar of this place." He started a conversation, walking towards one of the cottages. Sinabayan ko ito sa paglalakad na may ngiti sa labi.
"Sa pictures ko lang dati nakikita 'to eh. First time ko rito." I replied, still roaming my eyes around in amazement. "Sobrang ganda rito."
"Indeed."
Bumaling ako sa kaniya at nahuli ko itong nakatitig pa rin sa akin. My heart pounded rapidly inside my chest. Nag-alala ako dahil sa naging reaksyon ng puso ko.
Normal ba ang pagbilis ng t***k ng puso ko tuwing nagsasalubong ang mga tingin namin? Baka atraksyon lang itong nararamdaman ko sa kaniya. He's handsome and very attractive so that's possible. Hindi naman siguro masamang ma-attract ka sa boss mo, pero 'diba duon nagsisimula ang pagkagusto?
Importante talaga na hindi ako magkagusto rito. Alam kong hindi ako ang babaeng magugustuhan niya, sakaling magkagusto man ako ay siguradong gagamitin niya lang ako and then he will dispose me after he's done with me. Ayokong magaya sa mga naging babae niya at takot akong mareject ng taong una kong magugustuhan. So it's important to not fall for him.
...
Huminga ako sa malambot na kama at sininghot ang mabangong amoy ng kwarto. Niyakap ko ang malambot na unan at sinubsob ang mukha ko rito.
Nasa condo kami ni Mr. Dwyer, condo niya to be exact. Buti na lang ay dalawa ang kwarto ng unit niya, hindi lang iyon, maganda at malawak pa ang magiging kwarto ko. Malambot ang kama at ang sarap yakapin ng unan, mabango rin sa silid at masarap talagang matulog.
Pinilit ko ang sarili na kumilos, naligo ako at nagsepilyo. Nagsuot ako ng black and white striped sweater and denim shorts pagkatapos. Tinaas ko ang buhok ko sa malinis na ponytail at nagliptint.
Gusto kong magpahinga sa malambot na kama pero mas nangingibabaw ang kagustuhan ko na makita ang kabuuan ng isla.
I reached for my bag and looped the strap over my shoulder. Diretso akong lumabas ng kwarto, sakto namang nasa kusina si Mr. Dwyer at nagluluto.
Hang on? He knows how to cook?
Sinarado ko ang pinto at lumapit sa kaniya. "Hey, anong ginagawa mo?"
"Cooking us lunch." He simply answered, giving me a short glance.
Tumabi ako sa kaniya, tumingkayad para makita na niluluto niya. Scrambled egg ito pero hindi ito ordinaryo sa scrambled egg. May mga sangkap itong gulay at mukhang pangsusyalin.
"Wow, marunong ka palang magluto?"
"Isn't it obvious? Nakikita mo naman, 'diba?" He asked, sarcastically.
Nawala ang pagkamangha ko, pupuriin ko pa naman sana ito pero hindi na lang. "Nagtatanong lang ako, nagsusungit ka na d'yan agad." Pinagkrus ko ang braso ko at tinalikuran siya habang umiirap. Umupo ako sa dining chair at pinatong ang bag ko sa lamesa.
Nakasimangot ako habang pinapanood siya na magluto.
"Hindi mo dapat 'yan ginagawa. Ako dapat gumagawa sayo n'yan." Turo ko sa ginagawa niya habang nakanguso. "Ako 'yong alalay mo, dapat ako ang nagseserve sayo."
"Just watch me cook, sit back and relax, Sera."
Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa pisnge ko. Dahil siguro iyon sa pagtawag niya sa pangalan ko at dahil din siguro nakangiti siya nang banggitin niya ang pangalan ko.
Jeez, ano bang meron sa pagtawag niya sa pangalan ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko?
"What's funny? Why are you smiling?"
Napabaling ako sa kaniya, tinakpan ko ang bibig ko at umiling-iling. "Nothing. Wala 'to, Mr. Dwyer—"
"I told you, kapag wala tayo sa trabaho, huwag kang maging pormal." Umiling siya. "Is it hard to say my name?"
"H-hunter pala..." tumikhim ako, "ahm, baka masunog niluluto mo oh." Tinuro ko ang niluluto niya para mawala sa akin ang atensyon niya.
Tumaas ang kilay niya sa akin, tila ba nanghihinala ito sa kinikilos ko. Mabuti na lang ay binalik niya na ang atensyon sa kaniyang niluluto. Dahil wala naman akong ginagawa ay nagdesisyon akong ayusin ang hapagkainan. Maya-maya ay nakita kong pinatay niya ang electrical stove at nilipat ang scrambled egg sa plato. Inayos niya ito sa gitna ng lamesa, inihanda niya rin ang iba niya pang niluto tulad ng pasta at fried chicken.
Yum!
"Mr. Dwyer—" Nahinto ako nang tignan niya ako ng may babala, "ahm, Hunter pala..." I cleared my throat, "bakit nagpapalipas ka ng gutom if marunong ka naman palang magluto?"
"Wala akong time." Simpleng sagot niya.
"You know...hindi ako masyadong marunong magluto. Pero pinagluluto pa rin kita. 'Yong mga niluluto ko sayo ginaya ko lang 'yon sa tutorial sa youtube." Pinauna ko muna siyang maupo bago ako. "May I know what you think of my cooking? Can you be honest, please?"
Sinulyapan niya ako. "Okay lang."
"Can you be more specific? Para if panget ang lasa, malaman ko at ayusin 'yong pagluluto ko." I clasped my hands on the table while staring at him.
"It's, ahm, it's..." he bit his lower lip, "it's bearable. Makakain naman."
My lips parted. "Hala? Talaga?" Mahina akong natawa, "panget talaga lasa?"
"I didn't say it's bad."
"Don't worry, magpapaturo akong magluto kay Mama. Niloloko lang yata ako nila Mama at Papa na masarap akong magluto, eh!" Natawa ako ulit lalo na dahil nag-assume ako na masaral ang luto ko dahil nauubos niya ito.
"Y-you're...you're not, uh, you're not insulted?" He asked, his brows furrowing. "It's not bad, I promise. It's just plain, but it's not bad."
"Thank you," I chuckled, "kapag hindi ka naging honest, baka hanggang ngayon akala ko pa rin sa luto ko ay masarap. Thank you for being honest."
Natikom ang bibig niya, pinaghain niya ang sarili niya at binaliwa ang pagte-thank you ko rito.
"Excited na akong matikman luto mo!" I commented in excitement. Pinaghain ko ang sarili ko na may malaking ngiti sa labi. Tinikman ko ang lahat ng niluto niya, mas lumalaki pa ang ngiti ko dahil hindi makakaila na masarap talaga siyang magluto.
Grabe! Perfect ang luto nya! Nakakainggit!
"Ah, Mr. Dwy— I mean, Hunter, pala... Kung hindi mo bet ang luto ko, bakit palaging mong nauubos?"
Natigilan siya sa pagkain, bumagal ang pagnguya niya at tumingin sa akin.
"For...for your effort." He answered with a smile.
I just realized that he has a dimple on his right cheek, hindi lang ganoon kalalim pero ang cute tignan. Nabawasan ang masungit niyang awra. Dapat kasi madalas siyang ngumingiti para napansin ko agad ang dimple niya.
"Infairness, ang sarap mong magluto." Lumamon ulit ako. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil parehas kaming abala sa pagkain.
Nauna akong matapos sa kaniyang kumain at take note, ako rin ang pinakamaraming kinain. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil masarap ang mga pagkain na nakahain.
"Sera."
Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya habang umiinom ng tubig. Pinatong ko ang baso sa mesa at pinunasan ang basa kong labi. I saw how his eyes dropped on my lips.
"You have something on your lips." Tinuro niya ang gilid ng labi niya para ituro sa akin kung nasaan ang something sa labi ko na tinutukoy niya.
"Dito?" I asked, wiping the left side of my lips.
"No, it's... Hang on." He stood up, he leaned forward and reached his hand to me. He wiped something off from the right side of my lips and dropped his body back on his seat.
"What was it?" I asked.
Tinignan niya ang hinlalaki niya na may pasta sauce.
"Just sauce," he answered.
But what he did next surprised me. Dinala niya ang hinlalaki niya sa labi niya at sinipsip ito. He returned to his plate after like what he just did was normal.
Napakurap-kurap ako. "A-ah, maglilibot-libot muna ako, Mr. Dwy—este—Hunter pala." Gusto kong murahin ang sarili dahil nalilimutan ko na bawal palang maging pormal kapag wala kami sa trabaho.
"Learn how to say my name normally." Pabilin niya pa bago ako hayaang umalis. "You can go, bumalik ka lang agad."
"Ah, o-okay." Nagmadali akong tumayo, dinala ang sariling pinagkainan sa lababo bago lisanin ang silid.
Shit! Why is my heart beating like this!?