Tinignan ko ang oras sa pamamagitan ng pagtingin sa wirst watch ko. I found out that it's already 10:00 PM and it's very late. Hinintay ko pa kasing dumating si Mr. Dwyer galing sa meeting niya sa Bulacan. Hindi niya ako sinama dahil hindi niya raw kaylangan ng tulong ko, asikasuhin ko na lang daw muna ang mga trabaho sa opisina niya habang wala siya.
Inayos ko ang mga papeles na pina-print ko, pinasok ko lahat sa folder at tinago ito sa drawer. Dinampot ko ang bag ko at linisan ang office ko.
"Sir, aalis na po ako." I cooly said without stuttering in nervousness. Hindi na ako nagulat nang baliwalain niya ako. Nagkibit-balikat lang ako at umalis sa opisina niya.
Sanay na ako sa pakikitungo niya sa akin. Tatlong Linggo na rin akong nagtatrabaho bilang PA niya at sa tatlong Linggo na 'yon ay kadalasang binabaliwala niya lang ako at hindi ako kinakausap. He'll just talk to me when ordering me which he seldom does. Most of the times, nakatunganga lang ako sa opisina niya. Ang mga ginagawa ko lang ay ayusin ang mga papeles niya, make him coffee and review some useless papers.
Ngayon lang siguro ako nakatikim ng mabigat na trabaho. Naiwan sa akin lahat ng trabaho niya rito sa opisina dahil wala sila ni Frances. Ang hirap pala maging CEO, mababaliw ka sa dami ng trabaho.
At least, he still makes me do things. He didn't make a move to me, so I figured that he's not going to play me. I just hope that he'll not do to me what he did to his ex-PAs before.
But his rude and cold treatment to me remains and I'm already used to it. Nasobrahan din ang pagka-snob niya. Kung snob siya dati, mas snob pa siya ngayon lalo na sa akin.
I stopped walking when I ran into Frances. Sa tatlong Linggo ay mas nagiging close kami ni Frances, kapag walang ginagawa ay tumatambay ako sa opisina nito. I learned that mas marami pa pala siyang trabaho kumpara sa akin. Siya ang kadalasan na inuutusan ni Mr. Dwyer, dahil siguro malaki ang tiwala niya rito. Sometimes, I feel so useless here.
"Hi," I waved my hand at her.
"Oh? Sera, hey! Uuwi ka na?" A wide smile appeared on her lips.
"Yeah, it's already late, ayokong pag-alalahin ang mga magulang ko."
"It must be really nice to have a parent of your own." She smiled but it wasn't genuine like the usual.
"Don't you have any?" My brows fell into one line.
"No, they died in a car accident when I was seven years old." Malungkot niyang sagot, huminga siya ng malalim at tumawa. "Pero matagal na 'yon, okay na ako, so don't feel sorry for me."
Tumango ako habang kagat-kagat ang labi.
"Buti na lang talaga ay dumating ang asawa ko sa buhay ko. He helped me a lot." Nakangiti niyang sabi, iyong usual smile niya na totoo. "Sige na, hinihintay ka na siguro ng mga magulang mo. Mamaya pa ako, hihintayin ko pang sunduin ako ng asawa ko."
"Okay, I'll see you tommorow. Bye!" Pagpapaalam ko.
Lumisan ako ng building, binilisan ko ang pagmamaneho ko sa scooter dahil humihilab na ang tiyan ko sa gutom. Hindi pa ako nakakapag-dinner dahil sa paghihintay kay Mr. Dwyer, hindi niya man lang sinabi na late siyang makakauwi.
Nakakain na kaya siya? He looked tired when he arrived...
Frances was right that Mr. Dwyer rarely has time for himself. Mas inuuna niya ang trabaho at hindi talaga kakain kung hindi mo pagsasabihan o paalahanan. Nag-alala ako para sa kalusugan niya kaya kahit hindi niya inuutos ay ginagawan ko siya ng pagkain. Mabuti na lang ay pinapagamit na niya na ako ng kitchenette niya sa kaniyang opisina.
At first, akala ko ay pagagalitan niya ako dahil gumawa na naman ako ng bagay na hindi niya inuutos, pero mali pala ako. Tumahimik lang siya at siguradong nagustuhan niya ang luto ko kahit hindi niya sabihin. Palagi niyang nauubos ang mga niluluto ko eh.
Nawalan ako ng time para lutuan siya ngayon, masyado akong naging busy at nawala sa isipan ko. I just hope na nakakain siya bago bumalik dito sa kumpanya.
Tahimik ang bahay at madilim. Nakatulog yata sila Mama at Papa sa kakahintay sa akin.
May nakahain nang pagkain sa lamesa. Fried chicken ang ulam kaya't natakam ako. Basta mga prito ang mga ulam ay may gana talaga akong kumain, ayoko kasi ng mga gulay. Mama knows me very well.
Pagkatapos kong kumain ay ginawa ko ang night routine ko tulad ng pagligo at pagsisipilyo. Pumunta ako sa kwarto nila Mama at Papa para mag-good night kahit na tulog na ang mga ito at saka bumalik sa kwarto ko para matulog.
I was disturbed in my peaceful slumber when my phone rang. I groaned in annnoyamce with my face buried on my pillow. I lazily picked up my phone on the nightstand and answered the caller without looking at the caller ID.
"Miss Leir."
Namulat ang mga mata ko, napabalikwas ko ng bangon dahil sa pamilyar na boses. Tinignan ko ang caller para tignan kung ang boss ko nga ito. Nang makumpirma ay agad-agad ko itong sinagot.
"Sir! Ahm, may kaylangan po kayo? Bakit po kayo napatawag sa ganitong oras." Madilim pa rin sa labas nang silipin ko ang bintana.
"I need you to pack your things." His voice sounded powerful and full ou authority even when speaking through phone.
Hinawakan ko ang itaas kong labi nang walang malay. "B-bakit po? "
"We're going to Camp Shelton." He answered.
Camp Shelton? Alam alam ko ay ang Camp Shelton ay isang isla na maraming mga resorts. Maraming mga foreigners na dumadayo duon dahil sa ganda ng lugar.
"Oh..." Ano kayang gagawin namin duon? It's a surprise that he decided to bring me with him. "Ilang araw po ba tayo mags-stay duon para makapag-impake po ako ng tama?"
"Two weeks."
Napakagat labi ako at naisip sila Mama at Papa. Ayokong mawalay sa kanila kahit na sandaling panahon lang. Hindi ako sanay na hindi nila nakikita araw-araw. And I'm sure they feel the same way.
"Is there someting wrong?" Ako lang ba 'to o totoo ngang may pag-aalala sa boses niya nang tanungin niya iyon.
"W-wala po, okay lang ako. Ano po bang dapat kong dalhin?" Sumandal ako sa headboard at humikab.
"Kung ano sa tingin mo ang kakaylanganin mo. I'll fetch you in your house at exact 5:00 AM."
Lumuwa ang mata ko dahil sa naging sagot niya.
Exact 5:00 AM? Eh mga 7:00 AM na yata ako nagigising eh! Hindi ko kaya gumising ng ganoon kaaga, hindi iyon kaya ng katawan ko. Goodness!
"I'll see you tommorow, Sera." He said and ended the call.
Nakagat ko ang ibaba kong labi, kahit na tapos na ang tawag ay nanatili pa rin ang cellphone sa tenga ko. I still couldn't get over the fact that he called me by my name. There's a reason why I want him to stop calling me by my first name. Whenever he calls me by my name, I always end up thinking about the kiss we shared. It makes my heart jump everytime he calls me by my name which he seldom does.
I let out a shaky breath, I held my phone with my both hands and pressed it on my chest.
Gwapo siya, siya nga siguro ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko. Alagang-alaga rin ang katawan nito, he has muscles on right places. Pero ang ugali na lang talaga ang kulang sa kaniya. Minsan hindi ko maiwasang isipin na baka may tinatago lang itong kabaitan.
I shook my head to stop myself to go deeper into thoughts, nag-impake ako ng mga gamit na sa tingin ko ay kakaylanganin ko bago bumalik sa pagtulog.
...
"Seraphina! Bumangon ka dyan! Ano ka bang bata ka!?" Nagising ako dahil sa malakas na pagyugyog ni Mama sa katawan ko. Napaungol ako sa inis at tinakpan ang mukha ko ng unan. "Sera, kanina pa naghihintay ang boss mo sa baba! Bumangon ka na d'yan!"
Natagalan bago rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Nahagis ko ang unan na nakatabon sa mukha ko at mabilis na bumangon. Masama ang tingin sa akin ni Mama pero hindi ako natakot duon. Mas natakot ako sa boss ko na naghihintay sa baba.
Tinignan ko ang oras sa wall clock. It's already 6:00 PM! Kanina pa ba siya naghihintay?
"Hindi mo sinabing aalis ka, Sera." Umiling-iling siya at halatang hindi gusto ang ginawa ko. "Kanina pa naghihintay sa baba ang boss mo! The only reason why I didn't wake you up is because he told me not to!"
"I'm sorry, Mama. Kagabi lang po kasi niya sinabi, ayoko naman pong gisingin kayo eh. But can you entertain him, please? Maliligo at mag-aayos pa 'ko ng sarili, Ma!"
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot, dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo.
Nakalimutan kong mag-alarm kagabi dahil antok na antok na ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos kagabi!
Ito na yata ang pinakamabilis na pagligo na ginawa ko, hindi man lang ako nakapagsepilyo dahil sa pagmamadali at nagmumog na lang. Sinuot ko ang pinakaunang damit na nakita ko sa closet ko. It was just a plain white T-shirt and blue jeans. Then I hurried downstairs with my luggage, I witnessed my parents and boss talking comfortably in the living room.
Sabay silang lahat na lumingon sa gawi ko, kinagat ko ang ibabang labi ko nang magtama ang paningin namin ni Mr. Dwyer.
"Ahm..." Ano bang dapat kong sabihin? Think, Sera!
He looked at me, his soft expression on his face for my parents disappeared. Masama niya akong tinignan na para bang kakainin niya ako. Literally. I swallowed nervously and looked away.
"Mrs. And Mr. Leir, I think it's time for us to go." Marespeto niyang pagpapaaalam.
Wow. He's actually talking nicely and softly to my parents! I'm not imagining things!
"Pasensya na sa inasal ng anak namin, Mr. Dwyer. Hayaan mo, pagsasabihan namin 'yan sa sunod." Mama apologized while glaring at me.
Sumimangot ako, "s-sorry."
"Miss Leir." He called me, I immediately lifted my eyes to meet his eyes. "Let's go?"
Once again, he bid goodbye to my parents and left the house. I sighed and approached my parents, I hugged them both tightly without a warning.
"I'm sorry, Mama. Hindi na po mauulit, magpapaalam na po ako agad sa sunod. I will miss you both."
"Sinabi na sa amin ni Mr. Dwyer kung bakit kayo aalis kaya okay lang, anak. Mami-miss ka rin namin." Mabuti naman ay nawala ang galit ni Mama sa akin dahil lang sa yakap at pagdadrama ko.
"Mag-iingat ka duon, anak. Palagi mo kaming tawagan, ha?" Si Papa naman ang nagdrama, sa kaniya rin ang pinakamahigpit na yakap. Mas madrama siya kumpara kay Mama at siya pa 'yang iiyak. Ganoon siya ka-OA.
Sandali pa kaming nagyakapan, binilinan nila ako ng mga kung ano-ano bago ako pakawalan. Dala-dala ko ang bagahe ko nang lumabas, nakayuko lang ako sa takot na magkita ang mga mata namin ni Mr. Dwyer.
Pasimple ko siyang sinulyapan. Gamit-gamit niya ang Bugatti Veyron niya na sasakyan, nakasandal siya duon habang hinihintay ako. Kinamot ko ang batok ko at naglakad papunta sa kaniya.
"I'm really sorry, sir. Hindi na talaga mauulit, pasensya na po talaga." Paulit-ulit akong nag-sorry sa kaniya.
"It's okay. I enjoyed your parents' company." He sighed. "We're late, get inside."
I nodded with a smile. My eyes roamed around his body, I can't help but compliment how he looks right now. His clothes are perfectly hugging his strong and muscular body. He's wearing an hawaiin-styled buttoned shirt and white shorts. Nakabukas ang tatlong butones niya sa itaas kaya't kitang-kita mo ang dibdib nito.
Kahit anong isuot niya ay bumabagay sa kaniya. I'm sure girls will fall in line when they see him.
That makes me realize that I haven't seen him flirt with other women in work sa loob ng tatlong linggo kong pagtatrabaho sa kaniya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, pinasalamatan ko siya bago pumasok. He carefully closed the door then put my luggage in the back compartment. Sumakay siya sa sasakyan, sinaksak niya ang susi at pinaandar ang makina.
Humawak ang isa niyang kamay sa manibela, tumuon ang atensyon niya sa akin at saka umiling ito. Then he suddenly leaned towards me, I gasped because of how close we were. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Bumaba ang mata niya sa mga labi ko. Nakita ko kung paano nagtaas-baba ang lalamunan niya at mas lumapit pa sa akin. Napaiwas ako ng mukha, tumama ang ilong niya sa pisnge ko dahil sa pag-iwas ko.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalayo na siya sa akin at nalamang ikinabit niya lang pala ang seatbelt sa akin kaya lumapit siya nang ganoon kalapiy. But does he have to be that close to me? He made my heart crazy inside my chest, throbbing in excitement.
Maayos siyang umupo sa upuan niya, tumikhim siya bago paandarin ang sasakyan. As usual ay mabilis ang pagmamaneho niya na para bang may humahabol sa kaniya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasakay ako sa sasakyan niya. Nakakatakot. Pero habang tumatagal ay nasasanay na rin and when my heart finally eased, I realized how much we're both stiff, awkward and quiet.
Matagal pa ang biyahe namin, ito na siguro ang time para maging close naman kami. Ayokong ganitong awkward kami sa isa't isa palagi, ayoko sa pakiramdam. It seemed impossible to befriend him, but I'll try. A girl can hope.
"So ahm..." I broke the silence and played with my fingers, "bakit nga po ulit tayo pupunta sa Camp Shelton, sir?"
"For work."
Napasimangot ako sa higsi ng tanong niya. "Sir?"
"Bakit po ba ang snob niyo?" Walang hiyang tanong ko. Kinapalan ko na ang mukha ko.
"None of your business."
I sighed in defeat. He's hopeless.
"You know, we should be close. I'm your PA and you're my boss, we should be close and talking to each other."
"I"ll fire you then."
Napabaling ako sa kaniya na malaki ang mga mata, kumunot ang noo ko dahil nakita kong nakataas ang sulok ng labi nito.
"Sir! Don't be like that, I'm just lightening up the mood. Ang awkward lang po kasi eh." I folded my arms over my chest and rolled my eyes at him while he's still not looking.
"I saw that, Miss Leir." He said which made me froze.
I looked at the rear view mirror, nagsalubong ang mga mata namin duon. That's why...
"Do that again, I'll definitely fire you." Ang sabi niya ngunit nakataas pa rin ang sulok ng labi.
I pouted, "are you teasing me, Mr. Dwyer?"
"Why would I do that?" He raised an eyebrow but his smirk remained.
"You look more handsome when you're like this." I teased back.
His smirk fell, he shook his head and looked away from me. Kinain kami muli ng katahimikan at muli naman akong napairap dahil duon.
"You're fired."
I froze once again, napatingin ako sa kaniya sa gilid ko. Nakangisi na siya ulit at napapailing, para bang may nakakatuwa siyang nakita.
"You're kidding, right?" I asked in worry.
"You guess." He took a short glance at me, not through the rear view mirror.
"You are teasing me!" I accused. "Stop it, Mr. Dwyer, it's not funny! You're giving me a heart attack!" Sinalo ko ang puso ko at nagkunwaring inaatake sa puso.
"You're dramatic, it doesn't suit you." He tsked.
"Then stop telling me that I'm fired!"
"I will when you stop rolling your eyes at me. Hindi rin bagay sayo." Nilingon niya muli ako pero sandali lang, pero mas naging matagal ito kumpara kanina.
I secretly smiled. Well, I guess he's not really hopeless afterall.