I took a deep sigh while pressing my hand on my chest. I gathered all of my things and put all inside my bag. Pinagmasdan ko ang opisina ko. It's big but not as big as Mr. Dwyer's office. Hindi ako masyadong komportable dahil glass wall lang ang nakapagitna sa amin. Wala akong privacy, lahat ng kilos ko ay malaya niyang matatanaw.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatanaw sa mala-demonyo kong boss. Busy siya sa paper works niya habang ako ay nakaupo lang. Hindi niya man lang ako inutusan o kaya naman pinatulong sa kung ano mang ginagawa niya. Buong araw lang akong nakatambay sa loob ng opisina ko at nakakabagot na.
8:00 PM came so soon. All I did for him was to bring him coffee and nothing more. Nakakailan ba siyang kape sa isang araw?
I stood up and cleaned my table, making sure that it's well organized. Mr. Dwyer and I's office are connected which means we only have one exit door at nasa silid niya iyon. It'll be more easier kung may exit door din 'tong opisina ko.
Nevermind, para na rin makapagpaalam sa kaniya.
I'm just glad that I lasted one day, the rumors about him is making me a bit worried to be honest.
"Good evening, sir. I figured there's no much work to do here and mukha naman pong ayaw niyong magpatulong sa ginagawa niyo, pwede po ba akong makauwi ng maaga?" I asked politely with a smile on my lips. I don't like the vibe of him, I feel very uneasy whenever I'm in a room with him.
Nanatili lang siyang tutok sa binabasa niyang papeles, hindi man lang siya nag-abalang sumagot sa akin.
"Sir?" I tried to grab his attention.
"Just leave." Ang sungit, pasalamat talaga siya mabait ako at mapagpasensya. Gusto ko talaga siyang tulungan pero mukhang ayaw niya namang magpatulong.
Napabuntong nalang ako sa ugali ng boss ko.
"Anyway, sir. Salamat sa paghire sa akin sa trabaho, kaylangan na kaylangan ko po talaga ng trabaho para sa pamilya ko." Tulad kanina ay hindi niya ako sinagot. Pinagkibit balikat ko na lang ito. "I'll see you tommorow, Mr. Dwyer."
Nang malisan ko na ang silid ay nakahinga ako ng maluwag
...
Napangiti ako nang maabutan ko sila Mama at Papa na naglalambingan sa kusina. Nakayakap si Papa kay Mama habang si Mama naman ay abala sa kaniyang niluluto. Parehas silang nakangiti habang nag-uusap. Nakakainggit ang ka-sweetan ng mga magulang ko, daig pa nila mga teenagers.
"Nakauwi na po ako." Kinuha ko ang atensyon nilang dalawa.
Maliit lang ang bahay namin, pagpasok mo sa pinto ay makikita mo ang lahat pati na ang kusina. Kung tutuusin nga ay maganda na para sa akin ang bahay. Dati ay nakatira lang kami sa isang bahay na sa kahoy at sa yero lang ang gawa
Malaki ang sweldo ko dati sa DS company, itong bahay na ito ang patunay niyon. But when my team got picked to do a project to present in front of the CEO, hindi ito nagustuhan ni Mr. Dwyer at sinesante ang buong team ko. After that, my life became a mess. Naging mahirap sa akin na makahanap ng trabaho na babagay sa akin, kaya bumagsak ako sa pagiging waitress sa isang cafe.
"Nakauwi na pala ang pinakamaganda naming anak!" Humiwalay si Papa kay Mama, lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko tulad ng palagi niyang ginagawa
"Pa, ako lang naman po 'yong nag-iisa niyong anak!"
"Oh, kamusta ang trabaho? Grabe 'yong tuwa namin ng Mama mo pagkatext mo sa aming natanggao ka sa trabaho. Kamusta ang first day mo, anak? Mabait ba ang boss mo? Hindi ka ba sinusungitan?"
"Okay lang naman po," napabuntong hininga ako habang inaalala ang mga nangyari buong araw. "Sabi ko naman po sa inyo na matatanggap ako. Sinong matinong boss ang hindi tatanggap sa babaeng tulad ko?" Pagmamayabang ko habang madramang pinapagpag ang magkabilang balikat kom
He chuckled, shaking his head at me in amusement. "Nagluluto ang Mama mo, dinner will be serve soon."
"Wow, mukhang masarao ang ulam natin ah?" Bumagsak ako sa couch, tinanggal ko ang sapatos ko at ang blazer ko. Pagkatalos.ay pinuntahan ko si Mama sa kusina at sinugod siya ng yakap.
"Good evening, Ma!" Masayang bati ko at hinalikan siya sa pisnge.
"Magandang gabi rin, 'nak. Kamusta ang interview? Paano ka natanggap?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Ngumiti ako pabalik. "Sino namang tatanggi sa akin, Mama? Matalino ako, maganda, talented, mabait at masipag. Hindi na siya makakahanap ng PA na katulad ko."
"Tama ka, nasayo na kaya yata ang lahat?" She patted my cheek. "Sabi mo lalaki 'yong magiging boss mo. Naku, kapag binastos ka talaga niya, makakatikim sa akin 'yon!"
"Chill ka lang, 'Ma. Hindi niya naman po ako pinansin buong araw, masyadong busy 'yon para mapansin ang kagandahan ko. At saka Mama, hindi ako papatol duon, no! Hindi ko siya type!" Pagbibiro ko pa. "Sige na po, magbibihis lang po ako. Pakitawag na lang po ako kapag kakain na!"
Tumakbo ako paakyat ng hagdanan at dumiretso sa kwarto ko para maligo, nagbihis sa komportableng kasuotan pagkatapos. Habang ginagawa ang night routine ko ay pumasok sa isip ko ang mga pinagagawa at pinagsasabi ni Mr. Dwyer kanina. Nalilito ako kung bakit niya ako nilapitan nang ganoon kalapit, hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Pero pagkatapos ng insidenteng iyon ay binaliwala niya na lang ako bigla.
I let out a frustrated sigh, I laid on my bed and stared at the ceiling. Nagiging lutang ako dahil sa lalaking iyon, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinayaan ko siyang lapitan ako nang ganoon. Hinayaan ko siyang hawakan ako.
Tama ba 'tong pinasok ko? Bahala na. Para naman kina Mama at Papa ang mga ginagawa ko. Hindi na dapat ako magdalawang isip pa, dapat maging masaya na lang ako dahil nagkaroon ako ng matinong trabaho na nababagay sa akin at may malaki ring sweldo.
Maya-maya pa ay tinawag na ako nila Mama at Papa para kumain. Masaya akong nakisalo sa kanila sa hapagkainan.
...
Today's another day! I smiled at reflection in the mirror. Naglagay ako ng lipgloss at powder sa mukha ko. Nagsuot ako ng puting blouse at itim na pencil-cut na nagtatapos sa ibaba ng tuhod ko. Nagsuot ako ng two inches heels para naman komportable kahit papaano. Gusto ko sanang mag-sandals na lang kaso may katangkaran si sir at ayokong maging duwende sa paningin niya, isa pa ay hindi bagay ang sandals sa outfit ko.
Hindi dapat ako malate. Alam kong isa iyon sa mga rules ni Mr. Dwyer. Dapat ay maaga akong umalis, baka maabutan na naman ako ng traffic ngayon at malate sa trabaho.
Bumaba ako ng hagdanan habang suot ang shoulder bag ko. Tapos na ring kumain sina Mama at Papa, nanonood sila ng TV nang magkasama. Nakaakbay si Papa kay Mama, si Mama naman ay nakahilig sa balikat ni Papa. Seriously, daig pa nila ang mga teenage couples.
Pangarap kong makahanap ako ng lalaki na katulad ni Papa. But I have no time to worry about that, mas importante ang mga magulang ko sa ngayon kaysa s amga jowa-jowa na 'yan. Wala akong time para d'yan.
"Ma, Pa, aalis na po ako." Lumapit ako sa kanila at hinalikan silang dalawa sa pisnge.
"Nakakain ka na ba?" Mama asked immediately.
"Yep, I ate before you guys. I don't want to be late for work."
"Mag-iingat ka, ha? Always bring your pepper spray with you." Bilin ni Papa.
"Opo." I smiled to assure him. "Have fun, you guys."
Kinuha ko ang helmet ko na nakalagay sa glass table sa salaks lumabas na ng bahay. Sinalubong ako ng amoy ng sariwang hangin. Pinuntahan ko ang scooter ko at sumakay rito habang sinusuot sabay ang helmet ko. Sinigurado ko munang kumpleto ang mga dala ko bago tuluyang umalis.
Nagmaneho ako papunta sa DS Company building. Medyo naging ma-traffic pero siguradong makakaabot naman ako. Mabuti na lang ay maaga akong umalis hindi tulad kahapon.
Pinarada ko ang scooter ko sa parking lot ng building. Tinanggal ko ang helmet ko at sinabit ito sa handle ng scooter ko. I walked towards the entrance of the building, I greeted the guards before entering. I entered the elevator and pressed my designated floor. After a few minutes, the elevator door opened and I exited immediately. Dumiretso ako sa office ni Mr. Dwyer, kumatok muna sa pinto bago pumasok.
"Good morning, sir!" I greeted with a smile. He didn't gave me any attention, not a surprise there. His attention stayed on the screen of his laptop, and just like yesterday, he was topless.
Palihim akong umirap sa kaniya. "Tutuloy na po ako, sir. "
Yumuko ako at tangkang papasok sa opisina ko ngunit natigilan ako nang magsalita siya bigla.
"You're late. "
"P-po?" I turned my attention to him in confusion. How am I late?
"You're one minute late, Miss Leir." He repeated.
Tumayo ito at duon ko lang napansin na kakatapos niya pa lang maligo dahil sa basa niyang buhok at nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba niya.
Hindi ba siya umuwi? Don't tell me dito siya natulog at dito rin siya naligo. His office seem to have it all.
But hang on, I'm one minute late?
Tinignan ko ang oras. Naningkit ang mata ko nang makita kong 10:01 AM na nga.
Kumunot ang noo ko. "Isang minuto lang naman, sir." I reasoned.
"I forgot to tlee you that when you break one of the rules, you will receive a punishment. Nasa kontrata 'yon, hindi mo ba nabasa?" Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako, nagfa-flashback sa utak ko ang insidenteng nangyari kahapon na ayoko ng maulit pa.
"B-but it's only one minute—"
"I want you to be exact and be professional, Miss Leir. You already broke the same rule yesterday, just be thankful that I let you pass. And you broke a rule again."
Hindi ko sadyang makita ang magandang hubog ng katawan niya. I never seen such a body before in real life, sa mga magazine at TV lang ako nakakakita ng eight pack abs at defined v-line.
Like yesterday, he managed to come close to me had me pinned against the glass wall of his office. I was trapped between his arms yet again.
"Ano po ba 'yong magiging parusa ko, hindi ko na po uulitin sa sunod." Bumubungad sa ilong ko ang mabangong amoy na ginamit niya sabon at shampoo.
God, am I really pinned against the wall by a naked man?
"Do you really want to know?" He asked, his breath fanning on my forehead.
Lumapit ang mukha niya sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Wala sa sarili akong napatitig sa mga labi niya. Parang huminto ang oras at naging mabagal ang lahat. Kabaliktaran naman iyon ng puso kong bumilis ang pagtibok.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Napalunok ako habang nakatitig sa mga labi niya na ilang pulagada na lang ang layo sa akin.
Oh god, is he trying to kiss me!?
I opened my mouth to speak which turned out to be a bad move. Saktong pagbukas ko ng bibig ay hinalikan niya ako.
Hindi ako nakagalaw agad, mas lalo akong nagdeliryo, at bukod sa nerbyos at kaba, may kakaiba pa akong naramdaman dahil sa paglapat ng labi siya sa akin. Hindi ako makagalaw at nanatili lang na nakatayo, lutang at nakatulala sa kawalan.
His lips moved against mine. Ramdam na ramdam ko ang init ng labi niya at ang lambot nito. Ang paggalaw ng labi niya ay mas nagpapahibang sa akin. Imbis na gawin ito ay natagpuan ko ang sarili na tumutugon dito, pero agad ko ring narealize ang ginawa ko.
I placed my hand on his chest and pushed him away.
"Stop!" Nagtangka akong umalis sa harapan niya. Mas lalong kinagulat ko nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa table niya.
He pushed me to his table and trapped me between his arms. He leaned forward to kiss me again but the door bursting open made him stop midway.
"Mr. Dwyer, your father is calling for you" Isa itong lalaki na nakasalamin.
Mr. Dwyer pulled away, he closed his eyes in irritation. Binitawan niya ako at inis na hinarap ang lalaki. "Don't you know how to f*****g knock?"
"Sorry, sir, but it's urgent." That guy said calmly.
He sighed, massaging his temple. "I'll be there. Leave before I decide to fire you." Walang emosyon nitong utos.
Tumango ang lalaki at umalis. Napalunok ako at napatingin ulit kay Mr. Dwyer, napaigtad ako nang mahuling nakatingin na rin ito sa akin.
Natataranta akong umalis ng table at lumayo sa kaniya. I didn't realize I was pinching my lower lip unconsciously.
"You have a bad habbit," He stated the obvious.
"I... I..." hindi ko na talaga siya matignan. Pagkatapos ng mga nangyari!
His lips was tugged upwards in amusement.
"I'm not done with you yet." He said before entering one of the rooms in his office. I don't know, maybe he's just realized that a towel isn't the best outfit to wear on meeting his father.