Chapter Seventeen: Shock Of The Sudden Respond

2098 Words
"Thank you." Saad ko habang tinatanggal ang seatbelt ko. Masyadong nakakaagaw atensyon ang famous Bugatti Veyron niya sa harapan ng hospital, tila nahihiya akong lumabas at ipakita ang sarili ko lalo na't alam kong hindi ako nababagay rito. "You are always welcome." He winked at me before exiting from his own car, he walked around to reach my door and open it for me. "You're becoming cheesy." I smiled at him, I stepped out of the car with my head down so that my hair will cover my face. "I'll see you tommorow, tell your father that I said goodbye." "Okay, I'll see you tommorow. Sabi ko kay Papa sandali lang ako, medyo nagtagal tayo. Siguradong hinahanap niya na ako." "Bye, hon." He pulled me by the hand and kissed the tip of my nose, I bit my lower lip to prevent myself on smiling. He shook my chin and kissed my nose again. Tumango na lamang ako, baka magtagal pa kami kung ibuka ko pa ang bibig ko, baka humaba lang ang usapan namin. I decided to walk away without looking back to him, I might just lose control and run back to him. I went straight to Mama's room, my eyes widened when I caught her awake and happily talking with Papa. "Mama." I muttered her name but loud enough for them to hear. I smiled, my eyes watering in joy, I ran towards her and hugged her tightly. "Anak, aray naman! Hindi ako makahinga!" Reklamo niya kaya naalerto ako at hinila ang sarili palayo sa kaniya. "Ma, huwag mo na po ulit kaming tatakutin nang ganon, please lang." Hinaplos ko ang pisnge niya habang naluluha. "Ano ka ba, Sera? Hindi na naman bago ito, okay na ako oh, kaya huwag ka ng mag-alala." She rolled his eyes and waved her hand like what happened to her wasn't a big deal at all "Anyway, I heard from your Papa that your boss visited." Napailing ako sa kaniya, pinahiran ko ang luha sa pisnge ko at suminghot. "O-opo, bumisita siya. P-pero okay na po ba talaga kayo?" "Oo nga 'diba? Ang gusto kong malaman ay kung ano ba ang tunay na relasyon mo sa boss mo. Alam mo naman kung anong pinapasok mo 'diba?" May tono ng pangangaral sa boses niya, hindi ko malaman kung galit ba ito o hindi. Tuwing magkausap kasi kami sa cellphone ay parang pinagtutulakan niya pa ako kay Hunter. "M-ma... Our relationship is professional—" "Don't lie to me now, Sera. Alam ko kapag nagsisinungaling ka." Napalunok ako, binaba ko ang kamay ko na ginagalaw ang labi ko tulad ng palagi kong ginagawa tuwing kinakabahan at balisa. "Nakita ko kayong magkayakap. Hindi nagyayakap nang ganoon ang mag-boss." Pagsingit ni Papa sa usapan. "Mama, Pa..." "Are you dating your boss, Sera?" Kinagat ko ang ibaba kong labi, sandali kong pinikit ang mga mata ko bago bumuntong hininga. "Do you really not care about yourself, Mama? Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin imbis na ang kalagayan mo, ha? Sobra mo kaming pinag-alala ni Papa, Ma! Bakit po ba ang tigas-tigas ng ulo niyo? Dapat sumusunod kayo kay Papa pero imbis na iyon ang gawin mo eh ginagawa mo pa ang mga bawal sayo!" Hindi ko maiwasang taasan ito ng boses dahil sa frustrasyon. "Seraphina, Mama mo ang sinisigawan mo!" Tumayo si Papa mula sa kinauupuan niya at halata ang pagkadi-gusto sa mukha niya. Because I was still annoyed, I just decided just leave the room. I'm way too irritated and annoyed to talk nicely to them. Mama is always like that, parang wala siyang pakialam sa kalusugan niya. Hindi niya ba alam na kapag may nangyayaring masama sa kaniya ay sobra kaming mag-aalala ni Papa? Hindi ko lubos na maisip na sa paggising niya ay iyon ang pag-uusapan namin imbis na ang nangyari sa kaniya. Sumandal ako sa pinto at pinikit ang mga mata. I took a long deep breath, I was about to go back inside to apologize because of the way I acted, when suddenly a good looking man came into my view. "Excuse me." Tumingin ako sa likod ko para makasiguro na ako nga ba ang kausap nito. Sino ba naman kasing gwapong kakausap sa akin? Baka mapahiya lang ako kapag sumagot ako pero hindi naman pala ako ang tinatawag. "Yes, I'm talking to you, Miss." He said. "O-oh," I faced him and cleared my throat, "sorry." He looked so familiar, it's almost like I've seen him before. Maybe on TV or magazine, imposibleng makaka-encounter ng lalaking sobrang gwapo bukod kay Hunter at sa mga katrabaho niya. Mukha foreigner ang kagwapuhan niya, mukha siyang may lahi sa features ng mukha niya. Tumaas ang kilay niya sa akin, bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya na para bang may nakakatawa sa akin. "A-ano 'yon?" Pasimple akong napanguso, medyo na-offend. "Do you know Dra. Alisa Dela Pedra?" His english accent sounds so good, his voice is very romantic-like. Naku, kung wala lang talaga akong Hunter. Pero charot lang, hindi ko kayang ipagpalit si Hunter nu. Hindi ako malandi! Tila ba nakalimutan ko na kung paano mag-english, nakakainggit ang maganda niyang accent. "I'm his fiance." He added. "O-oh, fiance ka pala ni Dra. Alisa?" I asked, my lips forming into an 'o' shape. Hindi na rin masyadong nakakagulat dahil napakaganda rin namang babae ni Doktora. "Oo, kilala ko siya because she's my mother's doctor. B-but, ahm, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon eh. But I think she will come to check on my mother soon, baka darating na siya mamaya-maya." "Is that so?" He raised an eyebrow. "Thank you, maghihintay na lang ako." Wow, fluent niya rin sa tagalog! Tinanguan niya lang ako at saka ay umupo sa waiting chairs. Napagdesisyonan ko na hayaan na lang ito at isipin ang sarili kong problema. Hindi ko dapat sinigawan si Mama, ang panget ng inakto ko. Kaylangan kong humingi ng tawad sa inasal ko. My phone rang suddenly, my brows furrowed and checked the caller. A smile formed my lips when I saw Hunter's name on the screen. Walang pag-aalinlangan ko itong sinagot at sumamdal ulit sa pinto. "Hey, hon. Kumusta ka d'yan?" Aniya sa kabilang linya. "Okay lang naman, nagising na si Mama at maayos na siya." The smile on my lips never left, I'm so happy and glad to hear his voice. Gumaan ang loob ko dahil lang narinig ko ang kaniyang boses. "That's good. What about you? Okay ka lang ba?" "Dahil tumawag ka, syempre okay na 'ko." Biro ko na may halong katotohanan din naman. Natahimik ito sa kabilang linya na pinagtaka ko, tinignan ko pa ang screen para siguraduhing hindi naputol ang linya. Nag-alala tuloy ako na baka na-corny-han siya sa banat ko. "Don't say that, honey, you're making me blush." I don't know if that suppose to be a joke or not, but I hope it's not. I want to see the famous Hunter Dwyer, blushing. I chuckled. "Kinikilig pala ang isang Hunter Dwyer?" Pang-aasar ko sa kaniya. "Pati pala lalaki ngayon ay kinikilig na?" "Ha-ha, keep making fun of me. Sigurado naman akong napapakilig din kita, so we're fair." "Hunter, honey, normal lang sa babae ang kilig kaya hindi iyon fair. Ang pagkakakilala ko kasi kay Hunter Dwyer ay masungit, ruthless, cruel, strikto, babaero at seryoso. Mahirap kang imagine-nin na nagba-blush." "Excuse me, I've changed my philandering ways. I'm only yours, honey, but I am still that ruthless and cruel man you're talking about. I'm only sweet and romantic to my honey." He tsked. I laughed. "At kaylan ka naging romantic, ha? Sweet ka lang pero hindi romantic. You haven't even invited me on a date yet, hoy!" "Tommorow." My forehead wrinkled in confusion. "What?" "Tommorow, magde-date tayo." "I'm joking! Hindi mo na kaylangan gawin 'yon, Hunter, at saka hindi pa namin alam kung kaylan ang labas ni Mama." "I'm pretty sure that your parents won't mind if I borrow you tommorow." Sinapo ko ang dibdib kong malakas at mabilis ang t***k. Tinakpan ko ang mukha ko, nakakahiya ang sobra kong pagngiti, baka ang ang creepy kong tignan. Sobra niya akong pinapakilig at pinapasaya, sana naman maghinay-hinay siya kasi baka mamaya n'yan atakihin na rin ako sa puso. "Okay." Sagot ko pagkatapos kong tumahimik. "Really? Good, good! I'll text you the time—" Naputol ang sasabihin niya. "What the hell are you doing here?" Kumunot ang noo ko nang bigla itong nagtaas ng boses, for a second there, I thought he's referring to me. I heard someone's voice on the background but it wasn't loud and clear enough for me to hear. "Leave me alone, Dad! I don't want to talk to you!" Kalmado pero may halong galit ang tono ng pananalita niya. "I'm talking to my girlfriend so please, Dad, just leave me alone. Ayokong makausap ka." There was a loud shuffle from the other line, after a long silence, his voice came back and he returned talking to me. "Hon, uhm, did you hear everything?" He sighed. "I'm sorry, you weren't suppose to hear all of that." "That was so mean of you, hon. Hindi mo dapat kinakausap ng ganon ang Papa mo." Umiling-iling ako. "You don't understand, Sera..." "Pero tatay mo pa rin siya, hindi mo siya dapat kinakausap ng ganon. Hindi ko alam kung ano man 'yang pagtatalo niyo pero dapat gawan niyo ng paraan para magkaayos kayo." "You don't know anything." He said before ending the call himself. He didn't even bid a proper goodbye to me, pagkatapos niya akong pakiligin. "You were talking to Hunter Dwyer?" I was startled by the foreigner guy. I looked at him with my arched eyebrows. He knows Hunter? "Kilala mo siya?" Tanong ko, sinisigurado. "A friend of mine. I guessing you're his girlfriend? Had an argument?" I shook my head and stared on the phone. "No, ahm, binabaan niya ako..." "It was about his Dad, let me guess?" He shrugged. "He hates his father so much, he must have a good reason why he hates his dad, don't you think?" Hindi ako nakasagot sa kaniya, ginalaw ko ang ibaba kong labi at inalala ang mga sinabi ko bago niya ako babaan. Dahil ba iyon sa mga sinabi ko? I acted like I know his problem with his Dad when I really don't. I shouldn't have... Lumayo ako sa lalaki at sinubukang tawagan si Hunter ngunit hindi siya sumasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit wala talaga. Sa panghuli kong pagsubok ay sumagot ito ngunit hindi nagsalita, nanatili lang siyang tahimik sa kabilang linya. Pero sapat na ang pagsagot niya sa tawag ko, gusto ko lang namang makahingi ng tawad at mapakinggan niya. "Hunter..." kinagat ko ang ibaba kong labi, pinikit ko ang mga mata ko. "I'm sorry, Hunter." I heard him sighed from the other line. "No... sorry I ended the call without saying goodbye. I'm sorry." "No, alam kong galit sa akin, I understand. Wala akong alam at wala akong karapatan, sorry talaga, makakaasa kang hindi na mauulit iyon. I only care about you, Hunt. Pero, promise, ano mang desisyon mo ay susuportahan na lang kita." "You don't have to do that, you have your own opinion and I respect that. We will talk this out tommorow, okay? On our date." Ngumiti ako at nakahinga ng maluwag. "Gabi ba ang date natin bukas?" "Yes, I'll text you the time, okay?" Tumango-tango ako. "I will wait for you, I will see you tommorow. Bye, I love you." Hinintay ko ang sagot niya pero natahimik na naman ito. Hinintay ko siyang sumagot habang inaalala ang mga sinabi ko para matahimik siya nang ganito. Oh my goodness! "Hunter—!" "I love you." He cut me off, after saying those three words, he ended the call and left me staring into distance because of shock. Namilog na lang ang mga mata ko dahil sa tatlong words na sinabi niyang iyon. Nanghina ang tuhod ko, hindi ko alam kung bakit nanunubig ang mga mata ko. Hindi ko inasahan na sasagutin niya ako. He said he loved me too. He loves me back. I forced myself to walk back to Mama's room, thinking about the three magic words that sent havoc in my system. I don't know if it's because of shock but my head began spinning, I held onto the nearest wall for support but my head kept spinning and spinning until I lost conscious of my surroundings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD