Nagsisimula na ring malasing ang mga nasa mesa, sa kaso ni Aryan hindi siya nakakarami gaano ng inom kapag napupuna lang pero sapat na rin para mahilo siya. Isama pa na hindi niya ma-enjoy dahil nga kay Alejandro na sigurado siyang napaparami na. Nagulat si Aryan na abala sa pag-iisip no’ng may bumagsak na ulo sa kanyang balikat. Si Paulo ‘yon na lasing na pero tumatawa pa. Hindi lang naman ito ang tawa nang tawa. “Kayong dalawa masyado kayong malapit kay Aryan, baka naman may gusto talaga kayong tunay,” pang-aasar ni coach Angel. “Bakit coach hindi pa ba halata?” tanong ni Kevin na biglang tumawa. Sa isipan ni Aryan, hindi totoo ang iniisip ng mga ito. Magagaling lang ang dalawang kaibigan sa fan service. “Kung sa an service, panalong-panalo ang mga ‘to, wala lang kung magdikitan!” s

