“Alam ko na hindi kita dapat tanggihan katulad ng usapan natin, pero hindi ko magawang umalis talaga. Sorry, kung tinaasan pa kita ng boses, nadala lang ako ng emosyon ko.” Si Aryan na ang humingi ng tawad. Bumuntong hininga si Alejandro. “Nadala lang din ako ng emosyon,” ani Alejandro na isinuko na ang sarili, gusto pa sana niyang mag-usap sila pero parang hindi naman na dapat. Akala ni Aryan ay hahalikan siya nito pero tumabi lang ito sa kanya. “Matutulog ka bang katabi ako?” “Hindi naman siguro ako kaagad hahanapin dahil paniguradong mahimbing na tulog ng mga kasama ko.” “Lasing na siya kanina, saan napunta ‘yong lasing niya?” tanong ni Aryan sa sarili. Naramdaman niyang hinawakan nito ang bahagi ng tiyan niya para mahiga silang dalawa. Mukhang wala itong plano dahil yumakap la

