“So, bakit nauwi tayo sa kape?” tanong ni Paulo na hindi maiwasan ang pagngiti. “Nahihiya naman akong ilibre ka lang ng lugaw, magsilog na lang tayo,” sabi ni Aryan habang abala sa pagtingin sa menu ng Sky Café. “Paano mo pala nalaman ‘to? Maganda rito, hindi ako mahilig pumunta kung saan-saan kaya hindi ko alam ang mga lugar na ‘to. “No’ng college ako mahilig kumain ang mga kasama ko kaya kung saan-saan ako nakarating, iba’t ibang pagkain na rin nga ang nakain ko. May mga masasarap talaga, at may masasarap lang din tingnan. Dito masarap talaga at sulit, iyon lang kailangan mo talaga ng sariling sasakyan kapag pupunta rito dahil masyadong mataas. Puwede ka naman sumakay sa tricycle kaso malaki masyado singil dahil nga bukod sa mataas ay paikot-ikot pa.” “Kaya pala, oo nga masyado ‘tong

