“Mr. President, can you please stop watching? Puwede pa ‘yan mamaya,” pilit ang ngiti ni Calix sa kanyang boss na nanonood ng live para sa elimination round sa camp training. “Naghihintay na ang mga kasama mo sa meeting.” “Bakit napakabagal ng programang ‘to? Siguraduhin mo na magkakaroon ako ng meeting sa kanila.” Nagkibit-balikat lamang si Calix. Tumayo naman ang boss niya na nagpupuyos pa sa iritasyon. Hindi nito kailangan ang meeting, buka lang iyon ng bibig nito kaya hindi niya seseryosohin. Kaninang umaga pa ‘to wala sa huwisyo dahil lamang kay Aryan. Naiwanan siya sa labas ng meeting room dahil private ang usapan at iyon ang palaging request ng mga kasama nitong matataas katulad nito. Naglakad-lakad siya hanggang makarating malapit sa malaking screen kung saan nagaganap ang elimi

