“Boy’s love movie?” ulit ni Kevin sa sinabi ng kanyang manager. Naroon sila sa area ng mga coaches pero dahil malaki iyon ay hindi naman sila naririnig ng mga ito na nasa kabilang bahagi at may ibang diskusyon na nagaganap. Sa kanilang mesa, naroon din ang writer at producer na mukhang may magandang samahan. Ang writer na si Betty ay nasa edad dalawampu pa lamang habang ang producer ay nasa tatalumpu’t lima. Tunog lalaki ang producer pero silahis ito, at loud and proud naman ito noon pa. “Sinabi ko na hindi ko muna kayo iistorbohin pero dahil itong movie ay kinakailangan ng assurance at hahanap sila ng iba kung hindi ka papayag kaya dinala ko na sila rito,” sabi ng kanyang manager. “May time ka pa para pag-isipan. Ibinigay namin sa ‘yo ang book para mabasa mo dahil iyan ang susundan nam

