Zaparta's POV "Ngayon ang gagawin natin ay maglaro." sabi ni Stace. Nagdiwang naman kami dahil sa wakas makakahawak na din kami ng bola sa loob ng dalawang buwan namin pagtraining dito. "Four on four, kami ang mamimili ng team ninyo pero bago yan, kailangan ninyong tumakbo ng ten laps." sabi ni Rian. "Mula dito paikot sa red team tapos dito." sabi nya habang tinuturo ang daan. "Ang dami pa din nating tatakbuhin." sabi ni Delta. "Ten laps pa." "Okay girls. Start na tayo. Zap on the lead." sabi ni Stace kaya naman pumunta ako sa unahan. "By the way girls, kapag nasa Red team na kayo kailangan ninyong sumigaw ng malakas. Ang sasabihin ninyo ay ang panget ninyo red team." sabi ni Sakuno. "Ano?!" sigaw naming lahat. Gusto nya ba kaming pag-awayin? "Biro lang." natatawang sabi nya. "Sisig

