Zoe's POV "Linnett my friend!" salubong ko sa dating miyembro ng Miracle nung panahon ko at bestfriend ng asawa ko. "Zoe my friend!" salubong din nya sakin. Nagyakapan kaming dalawa. "Nasaan si Alexa?" "Nagpra-practice pa. Mamaya pang ala singko uwi non." sabi ko. "Tara muna sa loob." aya ko dito. Nauna akong pumasok sa bahay namin. "Grabe naman yon ayaw tumigil sa paglalaro parang si Steph." sabi ni Linnett. Natawa naman ako don. "Nasaan pala yung asawa mong yon?" tanong ko. Nakita ko ang bunso kong anak na nag-viviloin. "Baby Alex, dito na Tita Linnett mo." sabi ko. Napatigil ang anak ko at tumingin samin. "Tita!" sigaw ni Alex at nilapitan si Linnett. Paboritong Tita ni Alex si Linnett dahil sya palagi ang nagkwe-kwento kay Alex tungkol kay Alexa. Gustong gusto ng mga anak ko mari

