Zaparta's POV "Woohoo! Magandang lugar na ang tutulugan natin!" sigaw ni Math. Nandito kami sa bahay na tinutuluyan ng mga seniors namin. Akalain mo nga naman, kami na takot at kaba ang nararanasan sa bahay na tinutuluyan namin tapos sila ay chill at relax lang dahil sa sobrang ganda at linis ng bahay nila. Unfair. Sumunod kami sa mga seniors namin na pumunta sa pangalawang palapag ng bahay. Mas malaki ang bahay nila kumpara samin. May sariling malaking kusina at dinning area ang bahay na parang cafeteria na rin ang itsura pati sala na tila lobby sa sobrang daming sofa. Ang swerte talaga ng mga seniors namin. "Tatlong araw. Tatlong araw namin ipapabantay sa inyo ang mga kwarto namin at tatlong araw kayong hayahay dito." sabi ni Stace. "Wooh!" panimula syempre ni Math na kasama si Mar

