Zaparta's POV Tinignan ko si Kanao habang nakadungaw sa dagat. Magkasama kaming tatlo nila Drew pagkatapos ng eksena kanina sa dinning area. Nasa rooftop kami ng bahay. Namumula pa rin ang pisngi nya sa sobrang lakas ba naman ng pagkasampal sa kanya ni Harriet na narinig pa namin. "Girlfriend mo ba si Harriet?" napatingin ako kay Drew na wala man lang intro. "Hindi pa." sagot naman ni Kanao. "Hindi pa? bakit hindi pa?" tanong ko naman. "Hangga't hindi nya pa daw ako natatalo ay hindi nya ako sasagutin." sabi nya. Napaubo ako dahil parehas na parehas kami ng sitwasyon. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Drew sakin. "Parehas kami ng sitwasyon ni Kanao eh." sabi ko. "Kanino naman?" takang tanong nya ulit. "Hmm...kay Kriza." sabi ko. "Oh." sagot lang ni Drew tapos tumingin kay Kanao. "

