Zaparta's POV Sawakas! dumating na din ang huling araw namin dito sa Empire Island. Simula nung laban namin ni Blysse nung nakaraan ay hindi na ako makapaghintay na makabalik sa camp at magpatulong kay coach Ella. Sobrang excited na akong mag-training ulit kay coach Ella dahil alam ko na ang mga kahinaan ko. Hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko na talagang mag-training ulit. Pagkatapos kasi ng event nung nakaraan ay pinagpahinga na nila kami. Gusto ko ngang mag-training kahapon kaso pinagbawalan ako ni Marceline at Kriza na mag-training at gusto nilang magpahinga na lang ako dahil napagod daw ako sa laban namin nung nakaraan. Pagod ako pero gusto ko pa rin mag-training pero hindi ako pinayagan ng dalawa at binantayan talaga nila ako. Parang mga ewan lang. At dahil huling araw na nami

