Zaparta's POV "Zap! Galingan mo ulit ah?" Sabi ni Cleo. Ngumiwi ako sa kanya. Hindi ko sure dahil si Drew ang makakalaban ko ngayon. Magkaharap na kami ngayon ni Drew. Konting oras na lang magsisimula na ang laro namin. Pinagmasdan ko si Drew na kalmado lang na nakatayo tapos nakatingin sa mga kasamahan nya. Iniisip ko kung paano ko matatalo si Drew. Paano ko papantayan ang bilis nya. Pumito ang referee namin na nagsasabing mag-uumpisa na kami. Kay Drew ang bola. Lumapit ako sa kanya para bantayan sya ng mahigpit. Hindi ko sya pwedeng bigyan ng space dahil makakalusot sya sakin. Mukhang nahirapan sya sakin dahil hindi sya makaalis. Kada atras nya ay sinusundan ko agad sya. Maya maya ay ibinato nya ang bola sa ring. Alam kong hindi pasok yon kaya naman halos magkasabay kaming tumakbo pap

