Zaparta's POV Dahil dalawa lang ang court ng gym, inuna ganapin ang shootout at dunk contest. Naunang simula ang shoot out kaya si Justin muna ang pinanood ko lalo na sya ang una. Free throw at three point shot ang gagawin sa shootout contest. Dito sa Empire Tournament, elimination round ang nangyayari. Pinakamababang score ay syang matatanggal kada round. Kapag nag-tie naman ay may isang shot sila para may matanggal hanggang sa may matirang isa. Sa free throw ay walang oras pero sa three point shot ay may isang minuto para maka-shoot ng madami. Unang ginawa ang free throw. Naghiwayan kami nung walang palya ang mga tira ni Justin kaya safe na sya sa round na ito, unless lahat sila ay maka-perfect. "Zap, mag-uumpisa na sila Kriza." sabi sakin ni Marceline kaya naman nilingon ko ang kabi

