Zaparta's POV "Zap." tumingin ako kay Marceline. Sya ang katabi ko ngayon dito sa eroplano. Saglit ko lang sya tinignan at tumingin sa labas ng bintana. Narinig ko syang bumuntong hininga. Hindi ko sya masisisi, kahit na okay na kami ni Kriza nang dahil ulit sa kanya, dumistansya ako kay Kriza. Hindi ko gusto na si Marceline ang nagiging dahilan nagpakaayos namin, umaasa ako na magkukusa si Kriza para magkaayos man lang kami dahil gusto nya ako pero masyado syang malamig. Pero hindi lang yon ang dahilan kaya ako dumistansya kay Kriza, dumistansya ako para hindi ako masyadong masaktan. Hindi na nga ako nagulat na si Faith ay bantay sarado na kay Kriza dahil kay Lesley na pinapakita na ang pagkagusto kay Kriza. Ang dalawang yon ang palaging kasama ni Kriza ngayon. Sa kwarto naman ay late

