Kriza's POV "Ang bandot mong sumayaw Sakura!" Sigaw ni Stace. Marami pa akong naririnig na kung ano anong tukso kay Sakura pero feel na feel ni Sakura na sumayaw at hindi pinapansin ang mga sinasabi sa kanya. Tumingin ako sa gawi ni Zaparta. Kanina wala itong kasama pero ngayon ay kasama nya na si Tita Alicia. Lahat kami ay napansin na magkahawig silang dalawa. Tila sila pinagbiyak na buko. Tinanong ko si Mama kung kilala nya si Tita Alicia at sinabi nya na ngayon lang sila nagkakilala. Parehas lang kami ng iniisip ni Mama pero ayaw namin pangunahan ang lahat, hindi rin naman kami sure sa iniisip namin pero may malaking posibilidad na tama kami. "Gusto ko 'to!" Sigaw ni Sakura na ikatingin ko sa kanya. "Bibinyagan agad natin 'to. Lesley!" Sumandal ako sa upuan ko pagkarinig ko sa pangal

