Third Person's POV Pumasok si Dite sa indoor court nila sa mansion ng mga De Vera at nakita nya don ang kanina nya pang hinahanap na kapatid. Naglalaro ito ng mag-isa. "Aero." tawag nya dito at nilapitan. Napatingin sa kanya ang kapatid. Tumingin si Dite sa kaliwang kamay ni Aero tapos sa mukha nito. "Kailan ka natutong tumira ng bola sa kaliwang kamay?" tanong nito. "Nung nag-umpisa akong maglaro. Sinabay ko ang kaliwang kamay ko matutong tumira ng bola." sagot ni Aero. "Bakit mo pala natanong?" tanong nito. "Gusto kong matuto." simpleng sagot ni Dite na ikinataka ni Aero. "Akala ko ba tumigil ka na sa basketball? 'di ba nga ilang araw na lang ay aalis na para sa soccer camp?" takang tanong nito. "Yun ang alam ninyo." sagot ni Dite at kinuha ang bola kay Aero. "Umalis lang ako sa te

