Third Person's POV Nakalambitin si Dite sa ring pagkatapos nitong mag-dunk. Hindi pa rin ito bumababa kahit na nagdidiwang na ang nanalong team. Ang Dragon Empire. "Ang galing mo Kriza!" hiyaw nila Marceline habang pinagkakaguluhan si Kriza na nagawang pigilan si Dite. Nahampas ni Kriza ang bola kaya naman hindi nagawang makapuntos ng Miracle. Habang nagdidiwang ang Dragon Empire ay sya namang nagluluksa sa pagkatalo ang Miracle. Tahimik lang sila na nagpipigil ng iyak. Nilapitan ni Zandy si Dite na nakalambitin pa rin sa ring. "Dite, baba na dyan." mahinang sabi ni Zandy. Nagpapakatatag ito para sa team nila kahit na gustong gusto nya na ring umiyak. Bumaba si Dite at tumingin kay Zandy. Nakangiti ng pilit si Zandy sa kanya. "Umiyak ka kung gusto mo. Wag kang magpakatapang dyan." sa

