JOBERSON'S POV
"Shete! Hindi kasi ganyan! Ganito yun! Kahit kailan ang bobo mo sa Math!" inis na sabi ni Rapahel. Nandito kami sa qwadrangle. Hinihintay namin ang bell haha at pagsamantala ay tinuturuan ni Raphael si Ryan at Kierry sa Assignment namin sa math
"Raphael nagtuturo kaba oh nagbubunganga? Ang sakit sakit sa tenga yang boses mo ang bilis bilis mo ding magsalita! Para kang nag rarap! Daig mo pa nga ang nanay ko e" agad ko namang binatukan si Ryan sa sinabi niya. Oo ako lang ang tanging nakakabatok dyan kay Ryan. Subukan niya akong labanan at Isusubo ko sa bunganga niya tong cellphone na hawak ko. Ako ata ang pinaka matanda at pinakagwapo dito kaya Don't Me!
"Nahiya naman ako sa way ng pananalita mo Ryan. Di ka pa ba nagrarap sa pananalita mong yan?"nakataas kilay na sabi ko sa kanya
"Nye nye nye" Panggagaya niya sa Pananalita ko kaya Kinuha ko yung pinagbalatan na kinain kong saging at ipinasok sa bibig niya
"Yuck! Dirty Banana Clothes" Binatukan naman ni Carlo sa sinabi ni JC
"Gago! Anong Clothes ka dyan? Gago balat yun!" sigaw ni Carlo kaya nagsitawanan kaming lahat
"Tumigil na nga kayo dyan! Oy Raphel ano na ngang gagawin dito?" tanong ni kierry saka niya tinuro yung banda sa notebook nyang di niya maintindihan
"Ganito kasi yan! I plus mo dito saka mo i divide at multipl~" di ko pinansin si Raphael na tinuturuan yung dalawa at nagcellphone nalang. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanila dahil busy ako sa pag cecellphone.
Maya maya pa ay nakita ko ang pagdating ng isang Puting Ferrari
Na agad pinagkaguluhan ngga photographer at mga newscaster at mga studyante
Ano namang meron? May artista bang dumating?
Napansin kong napatayo si Carlo kaya napatingin kami sa kanya
"She's Here" Sambit niya saka siya tumingin tingin sa kotse na parang may Hinahanap
"Sino?" tanong ni Vincent habang busy paren sa paghahanap tong si Carlo
"My Sister" Ha?! May kapatid pala tong si Carlo? Sa pagkaka alam ko wala syang kapatid e
Maya maya pa ay dumating na ang mga body guards at nagbigay ng way para sa dadaan
At doon ko nakita ang isang babaeng mahaba ang buhok, Matangkad, maputi at nakasuot ng uniform at Shades
Teka siya?!
YASSZERINE POV
"Wahh! Yasszerine! Ang ganda mo pala sa personal!"
"OMG sa School natin siya mag aaral? Ang swerte natin!"
"Miss Wilson ano pong pakiramdam niyo at nakauwi na kayo sa pilipinas?"
"Miss Wilson Kamusta naman po ang WCR?"
"Miss Yazz! Notice me!"
Ilan lamang yan sa mga sinasabi ng mga reporters at mga fans ko na di ko man lamang nagawang balingan at sagutin
Agad akong kumaway kaway sa mga fans ko
Isang ngiti ang ibinigay ko sa Mga reporters at binigyan ko ng senyas si Tita Solenn na siya ding manager ko
"Sorry po dahil di masasagot ngayon si Miss Wilson lahat ng mga katanungan niyo dahil mag aaral muna siya" sabi ni Tita sa mga reporters pero walang awat ang mga reporters at kung ano ano pang binabatong tanong. hanggang sa di na sila pa pinatuloy ng mga Body guards ng school. Alam na kasi ng school na lilipat ako katya naghanda na sila ng maraming body guards para sa mga reporters na magpupunta dito. Kalat na kasi sa buong media ang pagaaral ko dito sa KeithSandra Vancelo Academy or KSV Academy para shortcut ang haba e
Napabuntong hininga ako saka ko tinangal yung shades ko. Tinanggal ko narin amg mahaba kong jacket para makita ang uniform ko
Napatingin ako sa malayo at nakita ko ang kapatid ko
"Carlo?" Nagtatakang tanong ko. Oo nga pala, dito siya mag aaral kaya di malayong di kami magkita ng kapatid kong to
Agad akong lumapit sa kanya.
"Carlo Long time" nakangiting sabi ko saka ko siya niyakap. Niyakap nama niya ako pabalik
"Hi Ate" nakangiti niyang sambit. Ganun kasi siya e kahit ilang minuto lang ang nakalipas nung maipanganak siya ay tinatawag niya paren akong ate kahit kambal kami
Nasa paligid niya naman ang mga barkada niya na halatang gulat na gulat sa pangyayari.
"Wow Carlo! Kapatid mo pala ang nagiisang Yasszerine Cora Wilson? Teka Wilson? Carlo Gio Wilson?" sabi ni Boy na Medyo maliit. I dunno pero parang mas matangkad ata ako sa kanya or not?
"Pareho silang Wilson. Pero Ang sikat na Yasszerine kapatid pala ni Carlo" sabi naman nung boy na cute. At ngumiti pa ng pa box
Pero isa sa barkada niya ang Natuonan ko ng pansin dahilan kaya halos umusok na ang tenga't ilong ko da galit
"Ikaw?!" sabay naming sambit nang makita namin ang isa't isa. Wow! After all this time nakilala pala niya ako?
"Teka Job kilala mo si Miss Yazz?" nagtatakang tanong nung lalaking medyo mahaba ang baba pero bumagay yun sa tangos ng ilong niya
"Yes!-No! Sino ba yang pasikat na babaeng yan?!" Halos mahimatay naman ang lahat ng taong nakakita sa amin. Habang ako naman at halos sumabog na sa sobrang galit. Kahit kailan talaga! Napakawala nyang modo! Thanks god at wala nang reporter at pinagbawalan din ni Tita ang paglalabas ng cellphone ngayon kaya wala akong problema
"S-si M-miss Yasszerine Cora Wlson Di Mo kilala?" nagtatakang tanong nung kasama niyang lalaki na Maputi na di naman katangkaran
Naiinis kong hinila ang kapatid ko saka kami umalis sa lugar na yun! Peste talaga! Bakit kailangan pang maging magka school mates ko amg mayabang na lalaking yun?
Binitawan ko si Carlo nang makalayo na kami sa mga kaibigan niya naiinis ko soyang ninalingan at parang sinasabing 'Who was that boy?'
"Ate sorry sa pagiging Walang modo ni Job ah" sabi niya saka napakamot ng ulo. So Job pala? Ano namang full name ng lalaking yun?
"Tell me!" inis na sabi ko alam niya an ang tinutukoy ko ay ang full name nung mayabang na lalaking yun
"Joberson Zhames Tolentino-Castro. Isa siya sa anak ng nagmamay ari ng school na to" napairap ako sa hangin. I don't care kung anong estado niya sa buhay at kung mayaman ba siya o hindi
Napabuntong hininga ako saka tinitigan nalang siya
"O sha sha! Samahan mo nalang akong kunin ang schedule ko" sabi ko at nakangiti naman siyang tumatango tango
Di namna talaga ako s*****a. Sadyang bad mood lang ako dahil sa lalaking yun shete kasi? Ang sarap isubsub sa kumukulong tubig ang mukha niya para kumupas at wala na siyang ipagmalaking kagwapuhan
Psh! Yeah! Inaamin ko na gwapo talaga siya. Pero wala yang mapapala dahil sa ugali palang ay bagsak na siya! Kung sino man ang nililigawan nun sana di siya saguten psh!
***
Narinig ko ang pag ring ng bell sakto nung pagbigay ni Carlo sa akin nung Schedule ko
Kanina pa din siya umalis siguro ay pumasok na yun sa ngayon
Napatingin ako sa Schedule ko 12 - Moon Pala ang Section ko. Wow lang ha 5 kasi ang section ng grade 12 sa school na to.
12 - Venus
12 - Jupiter
12 - Mars
12 - Mercury
12 - Moon
Marami kasing studyante ang nag aaral sa eskwelahang ito. Kaya tiba tiba sila sa pera
Nagsimula na akong hanapin ang Classroom namin
Maya maya pa ay di ko paren makita ang Classroom na papasukan ko
Anak ng tokwang inamerge naman oh!
Maya maya pa ay nagtanong nalang ako sa grupo ng mga lalaking studyante na nasa harap ng Isang Classroom mukhang napalabas ata
"Excuse me? Saan po dito ang 12 - Moon?" tanong ko nakatakip ang bibig ko ng panyo at naka shades ako mahirap na baka pagkaguluhan ulet ako e
"Ah Yun ba miss?" sabi nung lalaki at nagbulungan pa sila ng mga kabarkada niya. Aba! May sinabi ba akong magbulungan sila?
"Sa Kabilang building" Sabi nung lalaking sumagot sakin kanina. Yumuko ako at nagpasalamat. Narinig ko naman silang nagtawanan
Nagkibit balikat nalang ako saka ako pumunta sa Kabilang building at hinanap nalang doon
Maya maya pa ay nalibot ko na yung buong building pero di ko paren makita yung bulding na hinahanap ko.
Kaasar! Asan na ba kasi yun?
Maya maya pa ay may lumapit sa aking babae
"Miss May hinahanap ka ba?" Yes! Thank you lord! Save from the bell!
"Ahh oo E asan nga pala yung 12 - Moon?" tanong ko kaya nakita kong napangiti naman siya?
"Yes! Mag kaklase pala tayo e tara na!" sabi niya saka ako hinila. Wieee! Buti naman at kaklase ko siya
Maya maya pa ay nagpunta kami sa
Teka! Galing nako dito kanina ha?!
Dito yung kung saan nag iistambay yung mga lalaki kanina!
Grr! Ang galing nilang mantrip nyeta!
"Dito oh! By the way! I'm Klarissa Yeshamie Javier nga pala! But you can call me Yesha!" nakangiting sabi niya kaya napangiti ako at tinanggap yung kamay niya
"Ako nga pala si Yasszerine Cora Wilson" sabi ko saka ko tinanggal yung shades ko at panyo dahilan kaya nanlaki ang mga mata niya
"Ikaw si Miss Yazz? Yung sikat na model? OMG!" Tili niya kaya natawa ako sa kanya
"Oo ako nga. Kaya tara pasok na tayo" sabi ko at hinila siya papasok sa school
Naabutan namin na nag didisscuss yung teacher
"Ms Javier Youre late again. And oh? You must be Miss Wilson? Yung sikat na model?" sabi niya kaya napangiti ako at tango. Dinig ko naman ang pag iingay ng buong klase
"Oh My Gosh! Kaklase natin siya!"
"Yan Model? Ang cheap naman ng Companya ngayon"
"Ang ganda talaga niya"
"Nakakinggit! Sana maging friends kami!"
I can't help it! Im so famous anyway
"By the way, you can sit down Ms Javier and Ms Wilson please Introduce yourself. Although I know na marami na ang nakakakilala sayo" sabi nung teacher kaya yumuko ako at nagsalita na
"Im Yasszerine Cora Wilson. Everyone call me 'Miss Yazz' Thank you" sabi ko lalo namang umingay ang buong klase
At sa sulok napansin kong nakangiti sa akin si Carlo at kumakaway pa
Ang Oh No!
Kaklase ko siya?!
Kaklase ko ang kumag na yun?!
No f*****g way!
___________________
To be continued