Make over? : You're amazing the way you are

1945 Words
VINCENT POV Yo! Ako nga pala ang pinaka pogi! At pinaka pogi sa lahat! Wag na kayong komontra! Talagang pogi naman ako e. Tanungin niyo pa si otor! Bias ako nyan kaya paniguradong oo ang isasagot nyan!  Hahaha! Ang pogi ko talaga hahaha!  Kahapon nga pala ang galing nung ginawa ni Miss Yazz! Ang astig! Nabasag niya yung baso! Pero may nangyari ba sa kanila ni Job? Ang sama ng tingin niya kay Job kahapon e Hihihi may fishy naba? Maaga akong gumising at naabutan ko naman si Mama at Papa na naglalambingan sa sofa "Hazel Sundan na natin si Vince"  nagpapacute na sabi ni papa. Nga pala, maraming magsasabi na kamukhang kamukha ko daw si papa nung kabataan niya, alam niyo kung anong sagot ko? Mas pogi ako Wag na kayong eepal. Pogi naman talaga ako e So ayun nga binatukan ni Mama si Papa. Landi din kasi nitong si papa e psh! "Alis nako -,-" walang ganang sabi ko. Nakakatamad kasing tignan ang lovey dovey na to!  "O sige anak layas kana para makagawa na kami ng Vance Junior ni Mam~ aww! Eliesha.naman" buti nga sayo -,-. Binatukan ni Mama si Papa. Buti nga, ang landi kasi e -,- "Tumigil kanga Dyan Vance! Sige anak Ingat ka ha?" nakangiting sabi ni mama kaya ngumiti ako sa kanya "Yes Ma!" sabi ko saka ako tumakbo palabas ng bahay Whoo! Ako magdadrive ngayon!! ••• Tinignan ko muna yung Classroom namin saka ako pumasok. Buti naman at di na nakalock "Mahal kita mahal kita. Hindi ito bola" pagkanta ko saka ako pumunta sa upuan ko. Nang may napansin akong bag sa tabi ng upuan ko, saka 1 folder na may laman sa may tabi din ng desk ko. Wala naman usually akong katabi ah? Paanong may bag at folder dito? Binuksan ko yung folder. Hmm? Ano to? Rhian Lacy balanza? 'Ting ting ting!' Agad kong nilabas yung cellphone ko.  Sinagot ko yun syempre "Hello ma!.... Nasa school na po!...... Gwapo paren....... Wala dito si Job........ Yeah...... Alright alright di po....... Uuwi ako mamaya I promise..... H~"  "HOOOOOOOOYYYYYYY!" Bigla kong nabitawan yung cellphone ko nang may biglang sumigaw saka nagmamadaling lumapit dito na babae. Hmmm? Explain ko hitsura niya? Medyo matangkad pero mas matangkad ako syempre, pogi ko talaga! Ang haba ng bangs niya na halos tutusok na sa mata niya at nakatali pataas yung buhok na parang di niya sinusuklayan, ang haba din ng palda na niya at halos lagpas tuhod na, may makapal at bilog din siyang salamin at parang may brace din siya. In short, nerd siya! "What?!" sigaw ko pabalik!  "Ano yang ginagawa mooo?!" sigaw niya dahilan kaya napatingin ako sa hinahawakan ko Opps! Yung Papel sa folder hehe punit punit na "Ah sorry may habit kasi ako na kapag nag kokonsentrate ako, nagpupunit ako" kamot ulo kong sabi  "Lagot ako kina Leanne at milky nito" nanginginig na sabi niya dahilan kaya napatingin ako sa kanya "Sorry. Di ko talaga~" tinitigan niya ako ng masama dahilan kaya natakot ako "~Sinasadya" pabulong pagpapatuloy ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong sinampal Shit. Napatingin namn ako sa kanya ng nagtataka "Dahil sayo! Mapapahamak ako!" napahawak ako sa pisngi ko nang. Haharapin ko na sana siya pero bigla siyang nawala sa harapan ko Saan na napunta ang babaeng yun? That girl. Napahawak ako sa pisngi ko She's amazing YASSZERINE POV Nakakaasar talaga! Bakit ko ba kasi inaalala ang kiss na yun?! Teka, e siya kaya? Naaalala niya? Hinde. Imposible. Siguradong di nya naaalala, kasi kung naaalala niya, edi sana kinausap na niya ako Pero paano kung naaalala nga niya? Ugh! Stop it cora! Isipin mo nalang na di niya naaalala! Tama di niya naaalala! Hindi! "Ahm Yazz? May Problema kaba?" Napahawak ako sa dibdib ko nang magsalita tong si Yesha. Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya psh! "W-Wala tara na?" wala sa sariling napatango tong si Yesha. Balak sana naming lumibot mgayon, nakakawalang gana sa school at wala naman kaming klase dahil meeting ng mga proffesors. Nagwalk out naman ako sa canteen kahapon kasi nga nakikita ko yung mukha ng gagong yun. Napatingin naman ako sa kamay kong may benda dahil sa pagkabasag ko ng baso kahapon Sa di kalayuan ay nakakita ako ng 2 babae na pinahihirapan ang isang babae Teka sila ba yung?  Bully girls? "Move out b***h! Ang tanga tanga mo! Paano na ang project namin?!" sabi ni Leanne saka niya itinapon lahat ng laman ng bag nung babae "Yeah right! Pag kami na zero! Humanda ka!" sabi naman ni Milky saka nila sinipa ulet yung bag nung babae at umalis Sinundan ko naman ng tingin yung babae hanggang sa makalapit sila sa amin "Ohh. So si Miss oh so famous girl nandito?" sabi ni milky saka niya binuksan yung lollipop niya at kinain at tinapon niya yung wrapper nung lollipop niya "Hoy yung kalat mo! Bawal magkalat dito" sabi ni Yesha. Isa kasi siya sa SSG dito e At Auditor siya. "So what Miss Auditor? Edi ikaw na magtapon niyan" di na ako nagsalita nang hinawi kami nung dalawa saka sila naglakad "Ugh! Yung dalawa talagang yun!" Akmang susugurin na sana ni Yesha yung babae pero hinawakan ko yung kamay niya "Wag na Yesha. Tulungan muna natin siya" sabay kaming napatingin ni Yesha sa babaeng nakayuko at pinupulot yung mga gamit niya.  Agad kaming lumapit at tinulungan naman siya Napaangat siya ng tingin kaya nakita ko na ng malapitan ang mukha niya. Teka siya ba yung babae nung isang araw na pinagtutulungan nanaman nung bully girls? Ang haba ng bangs niya at halos tutusok na sa mga mata niya, marami siyang pimples, may malaki at makapal na bilog na salamin at sa tingin ko may brace siya. At for uniforms? Mahaba ang palda niya na sagad hanggang tuhod niya na dapat ay above na knee lang. Magulo na nakatali pataas ang buhok niya "Miss Yazz? Ikaw yan?" Gulat na gulat na tanong niya. Napangiti ako saka ko binilisan ang pagpulot sa mga gamit niya saka ko iniabot sa kanya Panay naman siya bow "Maraming salamat po! Salamat po talaga miss Yazz at miss Auditor!" paulet ulet na pagpapasalamat niya sa amin ni Yesha "Ok lang yun. Ano nga palang pangalan mo?" nakangiti kong sabi sa kanya at tumango naman si Yesha. Himala nga at di nagdaldal yan si Yesha e. "Rhian Lacy Balanza po." Tinignan niya ako "Idol na Idol ko po talaga kayo Miss Yazz. Pangarap ko nga pong maging gaya niyo e" sa di inaasahan ay napangiti ako ng todo "Gusto mong maging gaya ko?" nakangiting sabi ko at panay tango naman siya "Opo Miss Yazz! Gustong gusto po! Kaso po, di ako maganda gaya niyo" nakayukong sabi niya and a smirk formed in my face "Ako ang bahala sayo" naka smirk na sabi ko kasabay ang pagtingin sa akin ni Yesha na nakangiti. Mukhang alam niya ang iniisip ko "Ahm Lacy? Bakit ka nga pala nila sinasaktan kanina?" yung nakangiting mukha niya at napalitan ng lungkot at bahagya siyang yumuko "Inutusan po kasi nila akong gawaan sila ng projects. Pero nasira e. Bwiset kasi ang gagong yun!" Medyo naguluhan ako sa huling sinabi niya di ko kasi siya maintindihan e. Hinawakan ko naman siya sa balikat "Don't worry. Di kana mabubully pa" nakangiting sabi ko dahilan kaya napaangat siya ng tingin at ngumiti sa akin "Talaga po?" Tumango ako saka ko inilahad ang kamay ko "Connected ito tungkol sa pagiging gaya ko. Ano? Sama ka?" Masaya siyang tumango at agad na tianaggap ang kamay ko Let's turn it on! *** "Ahm Miss Yazz? Nasaan po tayo? Ba't niyo ko sinama dito?" tanong ni Lacy. Nakangiti ko naman siyang hinarap "Diba gusto mong maging gaya ko? At ayaw mo naman siguro na maging taga gawa ka nalang ng assignments ng mga bully na yun diba?" nakangiting taning ko. Napangiti naman siya saka tumango "Opo!" maliksing sagit niya. Good yun ang gusto ko sa kanya! Di siya maarte "Good! WAg kang mag alala lacy ma-make over-an ka namin" exited naman na sabi ni Yesha "A-ako? Di po ba gagastos kayo?" napahinto si Lacy saka niya sinabi yun Lumapit naman ako sa kanya saka ko siya hinawakan sa balikat "Ok lang yun. Wag kang mag alala, after this make over, you'll belong to this group" nakangiting sabi ko sa kanya dahilan kaya lalo siyang napangiti Agad kaming pumasok sa salon na lagi kong pinupuntahan. Kilala ko ang may ari neto syempre kasi isa si Daddy sa naging invesment ng salon nato. So lagi akong welcome na magpaganda dito..... Ng libre "Miss Yazz! It's good you're here!" nakangiting sabi ni Ate Patricia. Ngumiti naman ako "Yes Ate Pat" nakangiting sabi ko sa kanya "So? Gaya ng dati?" naka smirk na sabi niya. Well that means na papagandahin niya ako as always. Nakangiti akong umiling saka ko hinawakan sa braso si Lacy "Please... Do what you can do to her." nakangiting sabi ko saka ako iniharap sa kanya si Lacy. Kita ko namang napangiwi siya sa hitsura ni lacy Well honestly, lahat ng tao mapapangiwi sa style niya Pasimple niyang itinaas yung buhok ni lacy "Alambre" pabulong na sabi niya saka napatingin sa akin at ngumiti "I'll do my best. I'll make sure na pagkatapos ng make over niya, di niyo na siya makikilala" lalo naman akong napangiti kay ate Pat Well known kasi siya at ang salon na to dahil sa magaling na service nila Umupo kami ni Yesha sa waiting room "Yazz Sure ka ba Na gaganda yun si Lacy?" tanong ni Yesha kaya hinarap ko siya "Yes. May tiwala ako kay Ate pat" napaisip ako "And lacy's face isn't bad enough. Sa tingin ko talaga maganda siya sa likod ng salamin at pimples na yun" nakangiti kong sabi kay Yesha kaya napatango tango siya It took an hours bago natapos ang make over. Nakakapagod nga e!  Then after nun lunabas na siya Gosh I C-can't believe this I really can't! Is this the nerd we met earlier? "I thought marami siyang pimples? Paanong biglang nawala yun? Agad agad?!" nagtatakang tanong ko. Pansin kong yumuko naman si Lacy habang nakangiti lang si Ate pat "Well. That pimple? It turns to be fake" simpleng sabi niya kaya lalong nanlaki ang mga mata ko Fake? "Fake? What do you mean?" nagtatakang tanong ko  "Well wala naman talaga siyang pimples. Oily lang ang face niya kaya binigyan ko siya ng ilang facial wash but di ko lang maintindihan na nilalagyan niya ng fake pimple ang face niya." sabi ni Ate Pat causing para mapatingin ako sa hitsura ni lacy  Wala na siyang Pimples at ang ganda na ng face niya. Tinanggal din ang salamin niya at braces and I think nilagayan nila ng contact lens tong si lacy at wait there's more! Pinakulayan din ng blonde ang buhok niya She really look like a goddess now! "OMG! Lacy ang ganda mo na kesa sa akin" halos maiyak na sabi ni Yesha baliw talaga to kahit kailan Nagbow naman agad agad si Lacy "Sorry Miss Yazz. Di ko sinabi tungkol sa fake pimple ko. Ginawa ko lang naman yun kas~" nag sign ako na wag siyang magsalita "No. It's ok and Wag mo na akong tawaging 'Miss'. Did I told you na pagkatapos ng make over, kasama kana sa grupo? So don't call me miss" nakangiting sabi ko dahilan kaya napangiti siya ay nagbow pa "Salamat po! Salamat po talaga!"  "And One More thing, tara mag shopping muna tayo ng bago mong damit. Ayaw na ayaw ko na mula mgayon na magsuot ka ng mahahabang palda. Naiintindihian mo?" Nakangiti kong sabi "Opo! Salamat po talaga!" "Then Come on!" _______________________ To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD