YASSZERINE POV
"Cut!" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Daddy. Hay salamat! Natapos din ang hell Time! Ugh! Bakit ba kasi tong mokong na ito ang partner ko?!
"Good Cora. That was nice" ngumiti ako kay daddy saka ko inirapan Si Job na nakangisi sa akin ngayon
" Good! Ok lang naman ngayon since na 1st meeting palang ng dalawang main characters. Pero make sure na next time dapat look of love na yan Cora ah?" Halos mapanganga naman ako sa sinabi ni daddy
Seriously? Ni makita nga lang ang mukha ng mokong na to, sira na ang araw ko, tapos gusto nila look of love pa?!
Napatingin naman ako kay Job na ngayon ay kinindatan ako. Seriously? Iniinis ba niya ako?! Well lagi naman niya akong iniinis e psh. Actually Medyo nahihiya ako kasi nga yung kanina. Di ko naman kasi alam na may allergy siya e
The heck? Yasszerine Cora mahihiya?! Kasalanan ko ba na ininom niya yun?!
Nakapagpack up na ang lahat at umalis na din si Daddy. Actually inaya niya ako na sumabay sa kanya pero tumangi ako. Pinapanood kong unti unting nagsisi alisan yung mga staff, may mga umaaya pa nga sa akin na ihatid ako pero tinanggihan ko lang. Wala ako sa mood umuwi ng bahay. Tinatamad ako, saka gusto ko muna magpalipas oras
Maya maya pa ay umuwi na silang lahat. Medyo madilim dito sa pinag setup-an namin kaya nagpunta muna ako sa companya
Malapit lang naman sa pinag setup-an namin yung Companya kaya nilakad ko nalang
Maya maya ay nakarating na ako sa Companya. Pumunta ako sa Lobby at nagpunta sa nga nakadisplay na mga Drinks
Yes Pampalipas ng oras means iinom ako ng alak. Yes I drink but di naman lagi. Gaya nga ng sabi ko, pampalipas oras.
Pinili ko ay yung Vodka, Yes We have one. Binuksan ko yun saka ko binuhos sa shot glass at diretsong ininom. Napangiwi ako sa lasa ng vodka at ramdam ko ang init sa lalamunan ko
Nagsalin agad ako ng pangalawa pero iinumin ko na sana nang may nakita akong Tao sa harapan ko
"Enjoying Yourself?" Napataas ang tingin ko sa mukha niya
"So? Anong paki mo?" mataray na tanong ko. Kilala niyo na siguro tong kaharap ko ngayon no? Walang iba kundi ang taong kinaiinisan ko sa tanang buhay ko. Si Joberson Zhames Castro!
Iinumin ko na sana yung Vodka nang bigla niya yung unagaw at ininom
"Hey!"
"Sasamahan na kita. Mamaya matumba ka pa dyan kung saan" sabi niya saka siya nag smirk. Sinusubukan niya ba ako?
"Sinusubukan mo ba ako?" Nakangising tanong ko rin sa kanya
"Just Stating the truth" sabi niya saka siya nagsalin ulet ng alak at diretsong ininom yun
"Then, let's make a deal. If I Won, You'll be my slave" Nakangising sabi ko sa kanya
"Pero kung ako ang nanalo?" tanong niya umiling ako
"Edi hindi kita slave" sabi ko saka ko inagaw yung baso sa kanya at sinalin yung alak saka ininom. I don't care about that indirect kiss
Napansin ko namang tumungin siya sa baso
"Indirect Kiss? Enjoying my saliva huh?" inirapan ko lang siya
"Then? Are you ok with the deal!" nakatagilid na ulong tanong ko sa kanya pero umiling siya
"Why?"
"Hindi kasi fair Miss Wilson. Ganito, Pag nanalo ka, fine I'll be your slave. But if natalo ka, You'll be my Girlfriend" Ahh so easy. Wait! what?!!
"What? Are you crazy!?"
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa
"I must be. Sino bang magkakagusto sa isang gaya mo?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Is he judging my looks?
"Fine! Ahm. About kahapon. Sa allergy" napatungin naman siya sa akin saka nginisian
"Concern kana sa akin ngayOn?" umirap ako sa sinabi niya. Ang hangin niya kaasar
"ok lang ako" napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin
The real one
1st time
****
"Ugh! My head!" napabangon ako sa kama na kinalalagyan ko saka ko hinilot hilot ang sentido ko
"OMG She's Awake"
"Anong nangyare sa kanila?
"OMG Ang sweet nila"
"hala gising na si Miss Yazz"
Unti unti kong minulat ang mata ko hanggang sa nakita ko ang mga mukha ng mga staff namin dito sa loob ng kwarto ko sa companya
"Good morning guys! Can you order some breakfast meal nalang?" inaantok na sabi ko.
"Ah eh Ralph! Ikaw na dali! Order kana!" pag uutos ni Ruffa kay Ralph. Kasama sa mga staff
"Teka teka heto na"
"Anong nangyayari dito? OMG! MISS YAZZ?! WHAT'S HAPPENING HERE?!" Napatingin ako kay ate Yana na Halatang litong lito ang hitsura
"Ha? Ano?" inaantok na sabi ko. Sabay sabay naman nilang tinuro ang katabi ko. Kasabay naman ang paggalaw ng katabi ko
Na Topless
"Waaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!" Malakas na Tili ko. Kaya sabay sabay na nagsialisan ang lahat ng staff. Dibale of course kay Ate Yana
"Shut up! Youre noisy" pagrereklami ng katabi ko na topless at nagtalukbong pa ng kumot
"Ahhh! Omaygosh! What's happening?!" Natatarantang sabi ko saka ko tinignan ang katawan ko
I have my clothes
Mabilis akong bumangon saka ako naghanap ng blood stains sa kama. Puti tong kama kaya makikita mo agad kung may dumi
Thank God There's none
Ibig sabihin
Hayy
Tumungin ako kay ate Yana saka ko siya nginitian at umiling. Nakita ko naman na nahimasmasan siya
"Teka kukunin ko na yung Inorder mong breakfast" Sa pagsarado ng pinto ni ate Yana ay siyang paglingon ko sa taong katabi ko ngayon
"Hoy Job! Hoy! Manyakol gumising ka!!" Inis na sabi kohabang niyuyugyog ko siya. Gago siya! Muntikan nanag mawala ang virginity ko!
"Ano ba?! Youre too loud and its disgusting!" nakapikit na bangon niya. Pero inferness si Kuya ang gwapo kahit baging gising. Tatak ang abs kasi naka topless. Kitang kita yung adams apple, malapat ang balikat, pinkish lips, matangos na ilong saka mahabang pilik mata saka~ wait what?! What Am I saying?
Get a Grip Cora! Get a grip! Ayaw mo sa kanya m******s siya!
"Hoy ikaw abnormal na mayakis ka! Sinong nagsabi sayong tumabi ka sa akin?!" Napakamot siya sa ulo niya saka niya kunuha yung damit niya at diretsong lumabas. Kasabay naman ang pagpasok ni ate Yana. Napakabastos! Bwiset ka talaga bwiset!
"Oh? Anong meron dun?" naiinis na nilingon ko si Ate Yana!
"Hayaan mo siya! Napaka m******s niya! Wala siyang kwenta!" nakayukom na kamaong sabi ko. Grrrr nakakainis talaga siya!
****
Inaantok kong kinuha isa isa ang mga gamit ko saka ako umalis
Pumasok ako kay Simshimi at pinaandar syempre saka ko agad pinatakbo papunta sa KSV Acad. Nang nasa Classroom na ako, wala pa namang tao at ako palang kaya nagpatugtog muna ako ng Music na sinasabayan ko naman
(NEVERLAND BY GFRIEND)
My boy I Open the windows and face the bright sunshine
Happy winds greet me too
When you look at me with a bright mile in your eyes
My day is a sweet perfect day
Oh my god love my boy
A world with just you and me
A small island, with just you and me
Shining moonlight and starlight, Im Ready
Kiss me baby
Teka
Bakit parang Pamilyar?
Kiss me baby?
Kiss me?
Kiss?
Kiss?!
The f**k!!
Flashback while Drinking
"Hmm! This feels good" tumaas ang kilay ko nang bigla siyang sumandal sa upuan niya. Nasa Beer house kami ngayon. Sabi niya kasi na mas maganda ang uminom sa labas. And ok! Pinagbiyan ko! Basta dapat ako ang mananalo
Hmm paano ko ba matatalo to?
Aha!
"Teka Cora! Dito ka lang CR lang ako" umasim naman ang mukha ko kasabay ang mabilis na pag alis niya
"geez! Wag mo nga akong tawaging cora!!" inis na sabi ko pero di na niya ako nilingon at tuloy tuloy na umalis
Napatingin naman ang sa bote ng beer at dalawang malaking baso at ang matapang na alak sa tabi nito.
Napangisi ako nang may naisip ako idea
An idea for him to get drunk easily
Agad kong kinuha yung isang baso at nilagyan ko ng matapang na alak. Yung maramung marami! Sabihin na nating 3/4 ng baso, yung medyo malapit nang mapuno. Saka ko nilagyan ng kaunti yung sa isang baso which happens to be mine. Tapos pinatungan ko ng beer yung dalawang baso hanggang sa mapuno yun.
I got you now Job Bwuuhahahahhahaha
Agad kong inilagay sa tapat niya yung basong may maraming matapang na alak
AUTHOR'S POV
"Excuse me" napalingon si Cora sa isang tauhan ng Beer house.
"Yes?" nakangiting tanong nito
"Pwede po ba kayong lumipat sa isang table? Sira na po kasi to e baka po kasi biglang masira" napatango si Cora at agad na umalis sa upuan at lumipat sa isa. Samantalang kinuha naman nung tauhan ng store lahat ng iinumin at pulutan nila saka inilipat
Pero di alam ni Cora na napagbaliktad nung babae ang mga drinks nila. Kaya nakuha ni Cora yung baso na may matapang na alak
Kasabay naman ang paglabas ni Job at pag upo sa bagong upuan
"Job! Start! Bottoms up!" sigaw ni Cora. Napangisi naman si Job na parang sumasangayon siya dito
"Mauna kana" Huling sabi ni Cora kasabay ang pag inom ni Job ng baso hanggang maubos at agad na sumunod si Cora
Nang pagkainom niya ay narealize niya na parang iba ang lasa ng beer kaya panandaliang nanlaki ang mata niya hanggang naubos yun
"Wow Such a Good Drinker" nakangiting sabi ni Job pagkababa ni Cora ng baso
Nahilo naman si Cora
"Hahaha! Yes I am!" kasabay ang pagbagsak ng ulo niya sa Mesa
Ilang minuto na ang nakalipas ay parehong lango na ang dalawa sa alak. Pero mas matapang kay Yazz. Pero mabilis ding nalasing si Job since di naman siya umiinom at mahina siya doon. Halos wala na ring tao sa beer house
"Cora *hik* sa tingin mo ba may kissing scene *hik* sa movie natin?" nahihilong tanong ni Job habang nakatingin kay Cora
"Aba ewan! Baka meron" matapang at diretsong sagit ni Cora pero hatang lasing paren
"Tara! Practise tayo para di tayo mapahiya sa araw ng taping!" sigaw ni Job natawa naman si Cora. Yung tawang lasing! Parang baliw
"Sigee ayokong maging mukhang tanga doon no!" Matapang na sagot naman ni Cora
Kaya Lumapit sila sa isa't isa hanggang sa
Nag
Kiss na sila
END OF FLASHBACK
YASSZERINE POV
"Ahhhhhhhhhhh~!!" Malakas na tili ko saka ko tinakpan yung labi ko. OMG! OMG! OMG!
Nagkiss kami?
Nagkiss kami?!!
"Uy Yazz" Agad akong napalingin at nakita ko naman si Yesha na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa paligid at nakita king nakatingin na pala sa akin yung iba
Eh?
"Yesha, kanina pa kayo dito?" Taning ko saka ko tinuro yung iba pa naming kaklase. Umiling naman si Yesha
"Actually nauna akong dumating nga lang mas nauna ka. Bago sila. Tinawag nga kita kaso di moko pinapansin e" nakahinga naman ako ng maluwag. Ibig sabihin di nila ako narinig na kumanta? What a relief
"Bakit? Ano bang nangyare?" tanong niya kaya automatic akong napatakip sa bibig ko. OMG! Nakalimutan ko yung Kiss! Lagot sa akin ang mayabang na lalaking yun!
"Ahhh Siya ang First?"
"Di siya ang First Kiss ko no!" nakita ko namang napangisi si Yesha. Uh oh
"I never asked about the Kiss Yazz. But I guess it's about it. Now tell me! Who is he?!" exited na tanong niya kaya napaface palm nalang ako saka ako umupo ulet sa upuan ko
"Si Job" mahina at poker face na sagot ko. Napatakip naman siya ng bibig
"OMG!! Si Jo~" Agad kong tinakpan yung bibig niya. Masyadong madaldal e -,-
"Wag kang maingay!" mahina pero diing sabi ko habang hawak ko ang bibig niya napatango naman siya kaya pinakawalan ko na siy
"Ahem ahem. So Ano bang nangyare?" malumay pero halatang kinikilig na tanong niya -,-
"It was an Accident. Im drunk, and he's drunk. End of the story" napatango tango naman niya. Saka alam naman niya na leading man ko si Job sa white e
"So 1st kiss mo?" nagpanting naman ang tenga ko sa narinig ko
"Of course not" diretsong sabi ko
"E sino bang 1st kiss mo?"
"I don't remember him. But i think, noong junior high" napatango tango naman siya
"Yazz di kaba nagugutom? Kain kaya tayo?" sabi niya. Napatingin naman ako sa wristwatch ko, well we have so much time naman e
"Sure"
JOBERSON'S POV
"Ang boringggggg" mahabang lintaya ni Vincent habang nakasubsob sa lamesa. Well oo nga e
Ang Boring
"Maglaro nalang tayo" Sabi naman ni Kierry
"Ano laro? Laro para sayo? Ano? Para tumangkad ka? Wag nalang! Di naman na mangyayari yun e!" binatukan naman ni Kierry si Raphael kaya binatukan naman siya pabalik ni Raphael
"You can't reach my height!" taas noong sabi ni Raphael kaya napatayo si Kierry at nakita namin na nag frown nang makita niya ang difference hahahha
"You can't reach my high notes!" bawi naman ni Kierry kaya nakita kong naasar doon si Raphael. Tawa naman kami ng tawa sa bangayan ng dalawang to
"You Got ni Jams" Dahil wala nang masabi si Raphael, yun nalang ang nasabi niya
"What ever, You Got ni Abs" at yun nagrambulan na ang dalawa
Mga baliw
Di nalang namin pinansin sina Kierry at Raphael na ngayon ay nagrarambulan. Napansin ko namang may Kinakapkap si Carlo sa Bag niya
"Tara laro tayo nito" aniya sabay labas ng isang chess board
"Tara!"
"Job Si Miss Yazz ba yun?" napalingon naman ako kay Ryan na may tinuro sa di kalayuan. At oo si Cora nga
So what? -,-
"O bakit?" poker face na tanong ko
"Kung makatitig sayo parang may ginawa kang masama ah. Halis patayin kana oh, ang higpit din ng hawak sa baso"
Napatitig naman ako kay Cora. Nang magtama ang paningin namin ay ang pagbasag ng baso na hawak hawak niya
"Ang lakas niya"
"Hala may sugat siya!"
"Ok lang kaya siya?"
"kanino siya nakatingin?"
"OMG Yazz!" react nung n
Kasama niya. Duguan ang kamay niya
At nakatingin siya sa akin ng masama
May ginawa ba ako?
"Grabe ang lakas niya. Job may ginawa ka bang masama?" tanong ni JC. Pero umiling lang ako saka ako tumingin kay Carlo
"Tara laro na tayo"
Ano naman kaya ang ginawa ko?
Wala akong maalala
Ang alam ko nakasing lang ako
Yun lang
Tapos nagising ako katabi ko na siya
Don ba siya nagagalit?
***
"Checkmate" napanganga ako nang nanalo na si carlo sa akin
"Hahahaha talo ka naman pala Job e! Ang yabang yabang mo! Sabi mo matatalo mo siya hahaha" Pang aasar ng pinsan kong si Vincent kaya binato ko sa kanya yung piece ng chess na king at sakto naman sa bunganga niya
"tumigil ka nga!" inis na sabi ko kay Vincent na ngayon at umuubo ubo na. Psh buti nga sa kanya
*Blag!
Nagulat kami nang may isang malakas na balibag ang yumanig sa Mesa namin saka kami napatingin sa taing gumawa nun
"Pinabibigay pala ni Daddy" kasabay ang pag alis niya at iniwan yung Isang Box
Yasszerine Cora
You're really getting into my nerves
________________
To be continued