JHAIRHIE POV
"Officer wala paren ba kayong lead?" Halos maiyak na tanong ko sa Pulis na nasa harapan ko ngayon
"Sorry Mrs Castro. Pero hanggang ngayon wala pa" Nakayukong sabi nila. Napaupo ako sa sahig saka ako umiyak ng umiyak. Bakit pa kasi kilangang humantong sa ganito?
"Sandra Please makakasama sayo. Kumalma ka" Sabi ni Jin na inalalayan akong itayo
"Paano ako kakalma Jin?! 17 years nang Nawawala ang anak natin! Nawawala si Jairomie" Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni Jin. Pero wala paren akong magawa kundi umiyak.
Kasalanan ko to, kung binantayan ko lang sana ng maigi si Jairomie noon
***
YASSZERINE POV
Pinunasan ko ang nagkalat na luha sa mga mata ko. Oo umiyak ako
Kasi
Kasi
Huhuhuhu iniwan na ako ni LhiRel! Huhu ang mahal kong bestfriend iniwan ako!
'Gaga! Umalis lang di pa namatay!'
Gagong Konsensya ka ren ano? Dapat damayan mo naman ako
'Ang OA kasi. Akala naman pretty'
Haller! I'm so pretty kaya!
Di ko nalang pinansin yung konsensya ko. Naglagay ako ng pulbos at lip tint para naman maging mukhang maaliwalas ang mukha ko. Ayoko naman kasing magmukhang addict sa mga fans ko diba?
Saka ugh! Kahit ayaw ko! May Taping nanaman kami mamaya!
Agad kong pinarking sa parking lot syempre si Shimshimi. Si Shimshimi nga pala ang Favorite Car ko. Isa siyang White Ferrari! Actually di lang naman yan ang car ko, marami ako nyan! Kaso lang si Shimshimi lang talaga ang Pinaka paborito ko!
Bago ako bumaba, Nagsuot muna ako ng shades. Alam niyo na. Andyan na ang mga reporters e.
Humugot muna ako ng malalim na hininga saka ako lumabas at nakipagsapalaran sa mga fans at reporters
"Miss Yazz! Kamusta ang inyong Klase kahapon?!"
"Totoo bang dito din nagaaral amg kambal niyo?!"
"Kahapon ay Narelease na ang White! Ano png masasabi niyo doon?"
"Ano pong Relasyon niyo sa Leading man ng White na si Spontaneous or commonly known as Joberson Castro are you dating?"
Saglit akong napahinto sa huling narinig ko. Agad kong hinarap yung reporter na nagsabi ng mga katagang yun
Isa siyang babae, straight ang buhok, naka formal suit at maganda
Pero masyadong pakialamera! I guess that's what reporters are?
"Excuse me Miss Reporter, I don't Have any relationship about my leading man on our new movie entitled White. And Hindi kami nun Close" mabilis kong inirapan yung reporter saka ako mabilis na umalis
"Di kayo close? Paano yun?"
"Magkaaway ba kayo Miss Yazz?"
"Teka Miss Yazz!"
Mabilis king tinakbuhan ang mga reporters na sumusunod sa akin. Mabilis akong tumakbo para malayuan sila. Good thing, I have a long legs, ang bilis ko silang maiwasan
Nakarating naman ako ng ligtas sa classroom. Thank Goodness! Dali dali kong binuksan yung mineral ko at agad na ininom yun hanggang maubos yun
Aish! Pawis na pawis tuloy ako!
"Ang Ganda talaga niya kahit pawisan"
"Sana maging Gf ko siya"
"Ulol asa kapa"
"Malay mo magkatotoo"
Umiling nalang ako saka ako naghabol ng hininga. Bwiset na mga reporter yun! Sa dami dami ng itatanong yun pa? Anak ka mg tokwa naman oo!
JOBERSON'S POV
HINDI BA NAPAPAGOD ANG MGA MATA, REPORTERS, AT CAMERA SA KAKASUNOD SA KANYA?
Nakaka asar lang kasi na puro camera dito sa school. I hate cameras Yes! Pinilit lang naman ako ni Daddy sa Movie e. Kailangan daw para di mawala ang pagiging business partners nila nung Mr Conrado Wilson Psh!
Di naman sa naiingit ako sa kanya ano? Pero nakaka asar lang kasi! Nandito naman ako ah! Ang gwapo gwapo ko para sa camera! Hmp! Makikita niyo! Pag ako sumikat, di ko kayo hahayaang picturan ako
Ayt may mga nag pi-picture din pala sa akin. Sikat kasi ako sa school na to. And sadly, sa school lang
'Ghe iyaq na'
Paepal talaga si konsensya〒_〒
Sabay sabay kaming napaupo nung dumating na yung prof namin na mahilig sa K-Pop at K-Drama. Oo! May ganun! At sobrang addict ng Prof namin na si Alysa. Halos na ata lahat ng kpop ay kilala niya at may tigiisang bias siya. Hay naku! Pero BTS daw ang paborito niyan! At ang bias niya ay Si V at Jin daw. At Gfriend naman daw ay si Yerin. Pano ko nalaman? Aish! Lagi niyang isinasama sa topic namin ang mga kpop na yan ano! Puro V, Jin, Yerin, BTS, at Gfriend siya. nakakasawa na nga e psh
"Ok Good Morning Class" sabay sabay naman kaming tunayo at sabay bow
"Good Morning din po Teacher-Nim" Odiba? May Nim at sabay bow pa yan. Feeling koreana din tong si Ms Alysa e. Kaya wala pang lovelife kasi puro siya BTS at Gfriend. Ay meron pala siyang nagustuhan noon si Sir Phil! Siya yung dating teacher namin noong Grade 11 kami sa section Apple
Naku! Yun ata ang 1st love ni Maam Alysa kaso lang
Sadlyf talaga! May Gf na nga siya.
"Siguro. May mangilan ngilan sa inyo ang nakapanood ng K-Drama na 'Go Back Couple' diba?'" Halos mapairap nalang ako kay Prof Alysa. K-Drama nanaman
"Ang ginawa ng Prof nila doon, ay nagbigay siya ng Coupon. Pls destribute this Ms Cababaro" sabi ni Maam. Kasabay ang pagbigay sa akin ng isang coupon na may drawing ng ulo ng tao at ang utak niya may may 5 Bilog
"Sa Loob ng utak ng tao, may mga nakatago sa atin na Salita o words na ayaw nating mailabas. Ganito ang ginawa nung Prof nila sa Go back couple. So Isusulat niyo sa 5 bilog na yan kung ang nasa utak niyo, nilalaman at gusto niyong sabihin sa kapwa niyo. Either it's Positive or negative. Lagyan niyo ng name kung kanino niyo ibibigay but don't put your name inside it. Understand?" mahabang speech ni prof sa mechaniks ng Activity namin
"Yes maam!" sabay sabay na sagot naming lahat
Napatingin ako doon sa coupon at nagisip ako ng magandang isusulat at kung kanino ito ibibigay. Hanggamg sa nadako ang paningin ko kay Ms PaPeymus na nakangisi sa akin
Ahh. I get her
Alam ko na ang iniisip niya. Ok! Bring it on
"Bring it on" nakangising sabi ko sa kanya. Ngumisi din siya at nagsimulang magsulat sa papel niya
Feeling!
Maarte!
Papeymus
Panget
Di ka bagay maging model!
Yan ang mga nilagay ko sa 5 bilog saka ko nilagay ang pangalan niya sa itaas.
Isa isa naming pinasa sa harap ang mga papel na hawak namin
Hanggang sa time na ng bigayan.
I, Vincent, Raphael, Ryan, JC, Kierrry, and Carlo recieved so many Coupons. Ang dami.
Napatingin ako kay Cora at mapanganga ako na halos kalahati ng buong coupon ng klase ay nasa Desk niya
This girls is really amazing
Napailing nalang ako saka ko binasa ang mga papel na hawak ko
Matalino
Talented
Cute
Gwapo
Gwapo
I smiled secretly. I love it when someone's calling me Gwapo
Binasa ko lahat ng papel na hawak ko at halos pare-pareho lang naman sila ng mga sinasabi. Napatingin ako kay Cora at nakita kong last na yung binabasa niya. I think, that's mine
Yung nakangiting mukha niya ay napalitan ng inis. Bigla siyang tumayo kaya napatingin kaming lahat sa kanya
"Maam may I Go out Just a Bit seconds?" I blink Twice, no Thrice nung sabihin niya yun. Dahang dahang napatango si maam kaya lumabas ng classroom si Cora
Nang nakalabas na siya
"Ahhhhhhhhhhhhh!! Bwiset ka talaga!!!" I smiled secretly nang marimig ko ang boses niya. Sa sobrang lakas kasi halos dinig na ng school campus ʕ•ﻌ•ʔ
Maya maya pa ay Seryoso na ang mukha niyang pumasok sa room. Lahat ng studyante ay nakatingin sa kanya Pfft! Mukha siyang namumulang kamatis!
Nakangisi din akong tumingin sa Desk ko at napansin kong may isang papel pa pala akong di nababasa
Kanino naman to?
Mayabang!
Manyak!
Panget
Panget
PANGET!!!!
"Ma'am May I go out too?"
Walang sabi sabi ay bigla din akong lumabas ng kwarto saka ako sumigaw ng lagkalakas lakas. Sinuntok ko rin yung poste. Dahilan kaya magdugo yung kamay ko
Damn! Sino siya para sabihan akong Panget?!
YASSZERINE POV
Nalulungkot at naiinis akong umupo sa isang vacant seat sa canteen. Nasabi ko na ba sa inyo na kagabi pa umalis si LhiRel? Hayy! Namimiss ko na agad siya huhu
"Yan? Model yan? Such an ew!" Nagpanting ang temga ko sa 2 Babaeng naguusap sa tabi ng table ko. Ako ba ang pinaguusapan nila?
"Kaya nga e. Alam mo girl, mas maganda ka pa nga dyan e. Tignan mo yang ilong niya, retokada haha!" kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. Ako? Retokada? Excuse me! Di ako nagpaparetoke!
"Nabalitaan ko Anak siya Ng sikat na Mr Conrado Wilson"
"Ah kaya pala. Kaya siguro naging model yan dahil sa tatay niya. Siguro pag Nagpa audition siya sa ibang companya, ire-reject agad yan Hahahahaha" niyukom ko ang kamao ko at tatayo na sana ako para sugudin sila nang may isang maliit na babae ang tumayo sa harapan nila
"Excuse me? Si Miss Yazz ba ang pinauusapan niyo?! For your Information, Nung nag audition siya sa WCR noon, di siya nakilala as anak ng May ari ng WCR. Wala kasing nakaka alam na anak siya ng Ceo noon pero natanggap paren siya. Saka di ba kayo marunong tumingin ng maganda? E hamak na mas maganda nga siya sa inyo e! At alam niyo ba? Paa ka lang niya Milky! At lalong Pwet ka lang niya Leanne. So Chupi!" nagulat nalang ako sa babeng to. Ang liit niya pero ang tapang niya
"Sino yan? Pakialamera. Iwan na nga natin Pareho kasi silang cheap e! Loser!" nagsign na ng loser yung walang bangs na si Milky(?) umirap naman yung may bangs na si Leanne(?) saka sila nag walk out
"OMG! Ok ka lang Miss Yazz? Huwang kang makinig sa kanila ah? Alam mo namang di totoo ang sinasabi nila diba? Alam ko naman kasi na maganda ka at idol na idol kita? Insecure lang sila kaya ganun" ayt! Di lang pala maliit, madaldal din. Ang dami niyang nasabi ah
"Ah eh Ok lang" nakangiti kong sabi kaya ngumiti siya. Hmm medyo pamilyar siya
"OMG! Di mo ako nakikilala?" umiling ako sa sinabi niya. Kilala ba niya ako? Of course sikat ako e
"Ako to Si Yesha! Klarissa Yeshamie Javier! Yung kahapon" napatango tango naman ako sa kanya. So siya pala yun?
"Hmm may kasama ka?" umiling ako saka ngumiti sa kanya. Lalo namang lumaki ang ngiti niya. Ang cute din ng batang to ano? Ang taba ng pisngi ang sarap kurutin!
"Tara! Kape tayo sa Starbucks! Ayoko ng kape dito sa canteen e" sabi niya saka niya ako hinila palabas ng canteen. Di naman ako nakaimik
Ang daldal! Di ako makasingit ng maayos!
"Teka teka. Wag mo na akong hilain, sasama na ako" nakangiting sabi ko sa kanya. Well i guess she will be a good friend
"OMG! Tara!" nakangiting sabi niya saka siya naunang maglakas. Ang childish niya pero ang cute tignan
Nakangiti akong sinusundan siya. Pero habang naglalakad, may narinig akong ingay
"May pera ka?" napalingon ako sa 2 babae na may pinagtutulungang babae. Teka sila ba yung nasa canteen kanina? Umiling yung nasa likuran nila
"Oh Come on Ugly Nerd! Paano ka ba nakapasok dito? Such a loser!" sabi Leanne saka tinapon ni Milky ang lahat ng laman ng bag nung babae saka sila umalis
Napatingin ako sa babaeng na halos maiyak na habang pinupulot yung mga gamit niya na nagkalat sa sahig
May Bangs siya, maraming pimples, may salamin, at may mahabang palda di gaya ng sa amin
Yan yung nakikita ko sa kanya
"Na-bully nanaman si Lacy" napalingon ako kay Yesha
"Sino yung dalawang babae kanina?" tanong ko sa kanya
"Si Leanne Rich Jacinto at si Milly Angel Bancejo. Isa sila sa sikat na bully dito sa School. Wala silang nilalampasan, kahit mga lalaki ay kaya nilang paiyakin sa ilang segundo lang" Napatingin ako kay Lacy. Kung aalisin mo yung pimple niya at glass, maganda siya. Maganda naman talaga siya. Tumayo siya saka siya ngumiti na parang walang nagyare, at doon ko napansin ang eye smile niya
Maganda siya
Alam ko yun
***
Hinihingal kong tinanggal ang shades ko. Nakaka asar talagang mga reporter yun! Kahit saan ako magpunta, sinusundan paren ako! Huminga ako ng malalim saka ako nag insert ng Coins sa Veding machine at pinindot ang Cobra in Can
Kukunin ko na sana amg inumin ko nang may ibang kamay ang kumuha nun
What The Heck?!
Walang ano ano ay binuksan niya yun at ininom. Magsasalita na sana ko nang makita kong nanlaki ang mata niya at inilayo sa kanya ang iniinom niya
"Gago ka ba? I nambu-bwiset lang?" nakataas kilay kong tanong sa taong nasa harapan ko ngayon. Gumaganti ba siya dahil sinabi kong di kami close? E di naman talaga kami close ah?! Oo! Si Job nga tong nasa harapan ko ngayon! Sino pa mga bang nambu-bwiset sakin? Diba siya? Napansin ko naman yung benda sa kamay niya. Nakuha ba niya yun kanina nung sinuntok niya yung pader?
"Bakit to ang binili mo?" aba? Nababaliw na ba siya?
"Syempre binili ko yan para inumin ko! At hindi para inumin mo!" Naiinis na sabi ko. Mabilis naman siyang naglabas ng mga barya at naghulog doon saka niya pinindot ang bottled water. Nang lunabas yun at agad niyang binuksan yun at mabilis na ininom
The f**k?
Ang bilis nun
"Ba-Bakit y-yin ang binili m-mo?" nanghihinang tanong niya. Namumula siya at nanghihinang nakatingin sa akin
"S-syempre yun ang gusto kong inumin" nagaalanganing tanong ko. Hahawakan ko na sana siya pero tinabig niya lang ang kamay ko
"Job!" napalingon ako at nakita ko si Boy Ngiti na papalapit sa amin
"V-vincent G-gamot ko" Vincent? Vincent ang pangalan niya?
"Allergy.... Allergy!!" sigaw ni Vincent saka siya may kinuha sa bag ni Job at may pinainom sa kanyang gamot
Maya maya pa ay hingal na hingal siya pero agad na nahimasmasan
"Bakit ka ba kasi Uminom ng Cobra? Nakalimutan mo na bang may allergy ka?" Sabi ni Vincent saka niya inakay si Job.
Allergy?
"Oh Hi Miss Yazz" nakangiting sabi ni Vincent saka niya inakay papalayo si Job
May allergy siya sa Cobra?
________________________________
To be continued