Hindi na ako nagulat ng maging sikat si Weiland through internet. Patuloy lang kami sa pag-photoshoot at may mga lumalapit na small business para i-endorse siya. Marami pa ring kinikilig sa lalaki... At ma-swerte ako kasi ako ang pinapakilig niya. "Adele naman! May asawa ka ba para umuwi lagi ng maaga?" Inis na tanong ni Yasmin. Naging kaibigan ko na dahil magkatabi kami ng upuan. Natawa ako sa tanong niya. Yasmin is literally a party goer. Akalain mo nga naman na ginugutom niya ang sarili para lang makabayad sa club! At asawa? Parang ganon na nga! Tinulak ko siya palayo, "Sorry 'te. Busy talaga ako sa bahay..." Tanggi ko ulit sa babae. Ngumuso lang ito at wala ng nagawa. Ang college life ko... ay literal na boring. Sabagay, hindi ko naman kailangan magsaya. Ang gawin ko lang a

