Hindi ko alam ang gagawin pagkagising. Parang tuod lang ako sa yakap ni Wei. Talaga bang... nangyari iyong kagabi!? Hindi lang isang beses! Pumangalawa pa si Wei sa CR! Kung wala nga lang akong pasok ngayon, mukhang hindi niya ako tatantanan kagabi! "Hey..." Mula sa likod ay isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. Lalo akong nanigas at nagkunyari na tulog. "Gumising ka na... Alam kong gising ka na," aniya at masuyo akong binibigyan ng maliit na halik sa batok. Mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo sa CR. Walang good morning o kahit ano. Deja vu 'yon! Ganon din siya kagabi. Pahalik-halik lang... Tapos mamaya ay nasa ibabaw ko na! Tawa lang ang narinig ko sa lalaki noong makapasok ako ng banyo. Tuwang-tuwa ang kupal sa ginawa niya. Hmp! Medyo nahihirapan ako sa paggalaw dahil nga ang

