"Mag-iingat po kayo diyan ha?"
Kausap ko ngayon si Mama sa kabilang linya. Hindi nila nagustuhan noong ako ay nagpadala ng pera. They are still insisting that everything is alright kahit hindi naman!
"Ikaw ang mag-iingat, Adele. Sabihan mo lang kami kung may kailangan ka pa," bilin sa'kin ni Mama.
Tumango na lang ako. Alam kong nahihiya na ang magulang ko sa'kin dahil noong una, nangako talaga ang tatay ko na siya ang magpapa-aral sa'kin, pero syempre ay hindi naman aayon sa lahat ang plano.
He is old and his body were fragile. Nang dahil sa'kin ay bumigay ang katawan nito. Kaya sa tingin ko ay sapat na ang nagawa ng aking ama. He should rest already to prolong his life.
He did his best to support me. Ngayon naman ay ako na ang bahala sa sarili ko, at suportahan siya kahit papaano pabalik.
"Balitaan niyo po ako lagi sa sitwasyon, Ma! 'Wag niyo na itago!"
"Hay nako, Adele! Pumasok ka na nga! Mag-iingat ka ha? Mahal ka namin. Lagi mong galingan!" Pag-iiba nito ng usapan, hindi sinagot ang bilin ko.
I sighed.
Sasagot pa sana ako pero binabaan niya ako ng tawag. Si Mama talaga! Akala talaga niya ay hindi ko malalaman?
Inilagay ko ang phone sa bag at naghanda na para pumasok sa eskwelahan. Na-late tuloy ako dahil sa mga kwento ni Mama! Ang dami niyang chika at nakakatuwa! She sounded very okay, at narinig ko galing sakanya na bumubuti na ang lagay ni Papa kaya ganon.
Ang hirap talaga mawalay sa pamilya. I miss them so much!
I was late for our first subject but it was okay. Iyong ganitong araw, wala kaming teacher. Hindi pa nagpapakita since the first day.
Nasa gate pa lang ako ay nakita ko na si Frances. Anong ginagawa niya diyan? Mukhang hindi siya mapakali at may hinihintay.
Nang makita ako ay mabilis siyang tumakbo papalapit sa'kin.
My eyes widened. Anong trip niya? May emergency ba?
"You bitcxh!" Nagulat ako ng sigawan ang bungad niya.
"May nangyari ba?"
"Anong may nangyari ba? Bakla, something huge happened!"
Napansin ko rin na maraming nakatitig sa'kin at nagtataka. Ayan, ang ingay kasi ni Frances!
"What? Ano ba 'yon?" Hinila ko na siya para maglakad pero huminto ito kaya napahinto rin ako.
Anong problema niya?
"Gaga ka!" Siya ang humila sa'kin. We are almost half-running!
Puro lang siya gaga! Wala naman akong naiintindihan kung anong nangyayari!
"Ano ba kasi 'yon, Frances!?" Galit na tanong ko dito.
"Si Wei!"
Nagtaka ako. Bakit naman niya binanggit ang pangalan na 'yon? Ayan! Nag-flashback tuloy sa'kin lahat ng ginawa ng halimaw na 'yon!
"Ano?" Iritadong tanong ko.
Hindi pa nga ako nakakapa-hunting job kasi gumawa ako ng activities kahapon at nagpadala ng pera. Pero ngayong araw, dapat maghanap na ako ng trabaho! Hindi pwede magsayang ng oras!
"Si Weiland nasa classroom!"
Kung ayaw ko bumagsak sa offer ni Mr. Vegas, dapat ay mag-sipag ako.
"Oh ano naman ngayon kung nasa classrom si Weiland?" Pakialam ko ba sa mokong na 'yon?
Teka?
"Ano!?" Hindi ko maiwasang isigaw. Hinila ko ang braso kay Frances. Anong ginagawa ng kupal na 'yon sa classroom!?
Humarap sa'kin si Frances, seryoso ang titig niya sa'kin.
Napaatras naman ako sa tingin niya. Damn... Kailangan ko tumakbo palayo ng classroom. Hindi naman sa pag-aassume pero pakiramdam ko ay hindi dapat ako pumasok! Bakit nandon ang kupal na 'yon sa classroom?
"Bakit daw nandon 'yong kupal?"
"Kupal?"
"I mean... 'yong artista?"
"Pinuntahan niya si Maja!"
Iyong nakabili ng jacket uniform ko kahapon? Si Maja?
Nagtalon-talon si Frances sa harapan ko. Parang naiinis na hindi mo maintindihan!
"Binigyan niya ng autograph si Maja! Tapos tinanong kung saan nakuha 'yong coat!"
Tumagilid ang ulo ko sa pagtataka.
"Paano nalaman ni Weiland na merong pirmadong coat si Maja?"
"Girl, ano pa ba? Shinare niya sa group page! Weiland commented! Hindi naman anonymous si Maja kaya madali lang napuntahan ni Weiland!"
Napalunok ako. "Sumasakit ang tiyan ko--"
"At hinahanap ka ni Weiland! Sabi ni bebe Wei, peke daw ang coat na ibinigay mo--"
"Ano!?"
"Kaya hinihingi ni Maja ang pera pabalik!" Si Frances. "Adele, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko! Sabi ni Wei hindi daw niya 'yon pirma! Kilala naman kita! Hindi ka manloloko tsaka kamukha naman talaga ng pirma ni Wei!"
My eyes widened in what she said. What the fvck is his problem!? Nanlambot ang tuhod ko at sumakit ang ulo sa nangyari. Refund!? Pinadala ko na ang pera sa magulang ko!
Ngayon, ano na lang ang tingin sa'kin ng mga kaklase ko? Magnanakaw? How dare him to ruin my reputation!?
Wala akong choice kung hindi harapin ang gagong 'yon!
Pagdating sa classroom ay pumipirma pa si Weiland sa mga kaklase ko at ngumingiti.
"Don't worry... Sa susunod ay 'wag na kayo makinig sa mga manloloko... Ms. Maja just got scammed. Ten thousand is a lot... But thanks for that! Pakiramdam ko ay sobrang halaga ng pirma ko!" Tumawa pa ang abnormal.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw?! He is obviously framing me!
"Adele!" Sinubukan pa akong pigilan ni Frances pero hindi ako nagpatinag!
Mabilis kong hinawakan ang braso ni Weiland at iniharap sa'kin.
"Anong ginagawa mong kupal ka!?"
Weiland looks very surprise. Parang hindi ako nito kilala! Ang galing mong umarte gago ka!
"Hoy, Adele! Bakit ikaw pa ang galit?! Ikaw na nga ang nang-scam sa'kin!" Pagtatanggol ni Maja sa mabaho niyang idol!
Nagsitanguan naman ang iba at nang-aasar. Habang ako naman ay hindi makapaniwala! Ah! Napaniwala na niya ang lahat!
Natawa ako... This is very horrifying!
Kinuha nito ang kamay ko at marahan na ibinaba. Napanganga ako. Wow, now he knows how to be gentle.
"Ikaw ba si Adele?" Mahinahong tanong nito.
Pakiramdam ko ay umusok ang aking ilong sa galit. Excuse me!? Ang plastic niya! Nakakairita!
"Oo. Ako si Adele! At bakit ka nagpapanggap? Bait-baitan ka? Why are you framing me? Gusto mo bang isumbong ko ang ginagawa mo sa tatay mo!?" Sigaw ko sakanya.
He lose his poise for a moment. Saglit itong napangiwi sa galit, hindi inaasahan ang sigaw ko.
Our classmates started to whisper. Nagbubulungan ang mga ito kung close kami o ano ang relasyon namin.
Ilang saglit lang ay ngumiti si Weiland. I smiled back too.
"Ano? Sa tingin mo talaga hahayaan kitang sirain ang buhay ko?" Hamon ko sakanya.
He hide his anger by smiling widely.
"I didn't expect that," bulong niya at ngumiti.
Inilapit nito ang mukha sa tenga ko, hindi naman ako nagpatinag sa ginawa nito. I acted unbothered.
"Let's talk later..." Aniya.
Maya-maya ay umalis ito sa harapan ko at natawa. Balik na naman siya sa pagiging plastik niya!
"I think that signature is original..." Bawi nito.
Natawa ako. Sabay bawi! Masyadong takot sa tatay niya! Tatay lang pala nito ang magandang pang-tapat!
"Hindi ko alam na siya pala 'yong estyudyante na nagmakaawa sa'kin kahapon... Iyong humingi ng pirma habang nasa club ako... Ikaw pala 'yon, Adele!" Halakhak niya at tinapik ang balikat ko.
Ang kapal ng mukha! Hindi ako makapaniwala sa adlib niyang kasinungalingan!
Tango lang ang nagawa ng mga kaklase ko sa pinagsasasabi ni Weiland. Wow, the power he holds! My classmates are blindly following his words! Halata namang nagsisinungaling ang kupal na 'to!
"Ang gago--"
"Aalis na ako. I think you're subject teacher is here..."
Gusto ko pang sumagot! Ang dami kong gusto isigaw, isiwalat at sabihin! Pero nabitin iyon dahil dumating na ang second subject namin!
Nakakainis! Pakiramdam ko ay ako pa rin ang na-agrabyado ng sobrang laki!
Buong mag-hapon ata ay tulala lang ako sa nangyari. Ang mga kaklase ko ay todo tanong sa'kin ng mga bagay na konektado sa gagong 'yon!
"Anong club pinupuntahan niya?"
"Ayan ha? Bakit mo sinundan sa club? Gagapangin mo 'no?"
"Lasing ba siya? Oh my!"
"Bakit close kayo? Grabe 'yong kilig ko nong lumapit siya sa'yo ha!"
"Tsaka bakit kilala mo ang Papa ni Weiland?" si Maja at pinaningkitan ako ng mata. "May relasyon ba kayo?"
Puta!
"Ano ba!?" Singhal ko sakanilang lahat at tumayo. "Bakit ba baliw na baliw kayo sa bobong 'yon!?" I asked them.
Mabilis akong sinamaan ng tingin nang mga kaklase.
"Maka-bobo ka naman! Hindi lang nakakapag-focus si bebe boy dahil sa acting career niya!"
Natawa na lang ako sa mga pinagsasasabi nila! They are really defending that jerk! Hindi ko na lang sila sinagot at hinila ang bag ko. Tutal naman ay wala na kaming sa last subject ay aalis na ako!
Wala silang bukang bibig kung hindi ang aswang na 'yon! Relasyon? Ako? Weiland?
Eh ang baho-baho nga ng ugali noon! Walang manners, mapanira, mapagpanggap, at bastos! Kaya siguro hindi sumisikat dahil kahit anong tago niya, sisingaw at sisingaw pa rin ang mabaho niyang ugali!
Napahinto ako sa paglabas ng campus noong maalala na thursday pala ngayon. I need to give back a book to library. Hays! Gusto ko na sanang umuwi! Parang nakaka-drain ang araw ngayon!
Tapos naalala ko na... magj-job hunting pala ako ngayon! Mas pinatunayan sa'kin ng tadhana na dapat hindi ko maka-trabaho ang psychopath na 'yon!
Mabilis akong pumunta sa library at ibinalik ang libro. Sunod ay sinuyod ko ang ibang bookshelf. Now, I need something new to read!
"Here you are..."
Napaatras ako ng makita si Weiland sa harapan. Anong trip nitong kupal na 'to!?
"Ano na naman?" Ibinalik ko ang libro sa bookshelf at hinarap ang lalaki.
"Anong ano na naman?" Sarkastikong tanong nito sa'kin. "Nananadya ka ba?"
Natawa ako at pumameywang sa harapan niya.
"Nananadya? Ano bang ginawa ko sa'yo? You're the one who is bothering me..." I told him. Inirapan ko ang lalaki at hinila ang isang libro.
Aalis pa sana ako pero hinila ni Weiland ang braso ko.
"No one should know that you know my father," aniya habang masama ang tingin sa'kin.
"You're the one who started anyway! Sino ba ang nauna?" Madiin ngunit mahina kong sinabi sakanya.
Tumiim ang bagang ni Weiland na nakapag-depina ng bagang niya. I checked his face.
He have a hawk-eye like eyes. Malalim. Matapang. Makapal din ang kilay nito at halos walang pores.
Maybe it's an artista thing. His high cheek bones and proud nose made his face more like a foreign look.
For the finishing touch, his plump red lips makes his face more intersting.
Kulot din ang buhok nito. Now, I remember-- mukha siyang modern cupid.
Kung wala lang siyang saltik, baka pwede pa niya ako maging fan. Sayang talaga... Tsk!
Tinignan ko ang mata nito at nakita ko rin siyang nakatingin sa'kin pabalik. I was flustered for a moment.
Bakit siya nakatingin!? I glared on him.
"Anong tinitingin-tingin mo sa'kin?" Irap ko dito at umayos ng tayo.
Gosh, did he notice that I was looking at him intently? Baka mag-assume siya dahil sa ginawa ko!
Feeling pa naman ang kupal na 'to!
Inirapan lang niya ako.
"Do you like me? Bakit ka tumitig sa'kin ng ganon?" Malagkit na ngisi nito at lumapit pahakbang.
Napaatras naman ako sa itsura niya. Mukhang manyak!
"Hindi. Mukha bang gusto kita? Saltikin ka kaya," diretsong sabi ko sakanya.
Napanganga naman ito at tumawa.
"You are really something," he looks amaze--mukhang namimilosopo.
"Thank you. I will take that as a compliment," I casually told him then smiled. "So if you will excuse me, aalis na ako."
Kakaalis ko pa lang pero hinila nito ang kamay ko papunta sakanya! Ang kulit!
"Ano ba!?" Hindi ko maiwasang sigawan ito dahil sa kulit. Ano bang gusto niya!?
Gusto ba talaga niya sirain ang buong araw ko?
"You are really trying to get my attention. Nagpapansin ka I get it," tawa niya.
Tinawanan ko lang ito.
Hindi ako makapaniwala. Grabe, sa tingin niya talaga ay umiikot sakanya ang lahat! Nakakasuya!
I smiled on him. "Think what you want. Wala akong pakialam sa iisipin mo."
Tinalikuran ko ito. Gosh, I still need to find a work.
Napapikit na lang ako ng muli na naman niyang hilahin. Seryoso ba siya?!
"Why are you so full of yourself? Akala ko ba ay kailangan mo ng trabaho sa'min?" His jaw clench. Galit na galit na ito.
"At hindi ko pa tinatanggap ang trabaho na 'yon. Kaya pwede ba? H'wag mo muna ako yabangan... I have no time for you. Kung hinahangaan ka lahat ng tao... ibahin mo ako."
Ngumisi ito sa'kin at muli na naman ginawa ang favorite hobby niya. Iyon ay ang ilapit sa'kin ang pagmumukha niya.
I didn't even flinch. Tinitigan ko siya pabalik.
"Tignan natin kung hindi ka talaga interesado sa'kin," aniya at hinila ang beywang ko.
I was shocked for a moment. Pero mabilis akong nakabawi at sinubukan siyang itulak palayo, but no can do!
He is more stronger than me!
"Duda talaga ako sa'yo Adele," aniya at inabot ang mukha ko upang halikan.