Kabanata 4: Attitude

2062 Words
Nagkatinginan kami ni Mr. Vegas. Napailing na lang 'to sa ginawa ng anak. "Fix yourself!" Sita ni Mr. Vegas at muling tinignan ang mga kasambahay. "Gamutin niyo ang anak ko!" Utos nito. Akmang hahawakan na ng mga kasambahay si Weiland pero mabilis itong umiwas. Kita mo, may attitude talaga! Masama pa rin ang tingin sa'kin nitong Weiland. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Ano? Akala ba niya ay hindi ko siya papalagan? "But Dad! This girl! Nabali 'ata ang ilong ko!" Sigaw nito sa harapan ko. Kung makangawa, parang bata! I glared on him. Walang manners! Dito pa talaga sumigaw sa harap ko! I sighed. Kalma, Adele. Papalagpasin natin ito... Humarap ako kay Mr. Vegas at yumuko. Kailangan ko pa rin ng trabaho 'no... Pero hindi ako sure kay Weiland—but I need a back up! "Hindi ko po talaga sinasadya—" I heard him gritted his teeth. Nagulat ako ng hilahin nito ang braso ko at iniharap sakanya. My eyes widened. Anong gagawin niya? Sasaktan ba niya ako!? Hindi ba talaga siya nahihiya sa tatay niya?! Nakatiim ang bagang nito at mukhang nanggigigil din sa'kin! Aba? Anong gagawin niya? Sasaktan ako? Subukan lang niya! I gritted my teeth. "Bitawan mo ako." Madiin na bulong ko. Naningkit ang mata nito. "At bakit ko naman gagawin 'yon? Papansin ka talaga 'no?" "Weiland!" Mr. Vegas voice thundered. Tumayo ito. "Bitawan mo ang bisita natin!" Oh tignan mo nga naman! Mukhang hindi talaga kinukunsinti ni Mr. Vegas ang sungay ng anak nito! Hindi ko maiwasang ngumisi kay Weiland. "Bitawan mo daw ako." Mas lalong nainis ang itsura ni Weiland. Bukod sa mayabang mukhang may hangin din siya sa utak! Anong kalaki-laking tao, kailangan ng tutor? Damulag! "Hindi mo nakikita ang ginawa mo—" "Edi sorry! Hindi ko nga sinasadya!" Inis na sigaw ko sa lalaki. "Anong hindi mo sinasadya!? Ano? Kusang tumalon lang 'yang kamay mo sa mukha ko!?" Sigaw niya sa'kin at dinuro-duro ako. Galit na galit? Siya nga itong lapit ng lapit at binaboy ang uniporme ko! "Wag mo nga ako duru-duruin, hindi pa ako nagt-trabaho sainyo!" Madiin na bulong ko dito at dinuro din siya! Sarkastikong tumawa ang lalaki. I sighed... Parang bata. Tinignan ko si Mr. Vegas na umiiling. Kung wala lang talaga kami sa harap ang tatay niya! Nilapitan ulit siya ng mga maid na may hawak na first aid kit pero tinatabig niya iyon. Nanatili ang galit at nagtitimping mukha ni Weiland sa'kin. Ano, sasapakin mo ba ako? Nginitian ko pa ito para lalong inisin. "Mukhang wala ka talagang utak... Hindi ka rin marunong makinig." He gritted his teeth. Mas lalong humigpit ang hawak nito sa braso ko. Masakit ha! "You're so feisty. Nagpapansin ka talaga ano?" Natawa ako. Hindi ako makapaniwala! He is so full of himself at sa tingin niya, umiikot talaga sakanya lahat! Sinubukan kong hilahin ang braso ko, pero ayaw talaga niya bitawan! "Bingi ka ba?" Mahinang bulong ko. "You're pissing me off..." "Ako rin, naiinis na sa'yo! Bitawan mo ako!" Hindi ko maiwasang isigaw. "Weiland Vegas! I said, that's enough!" Sigaw ng ama nito. "I will seriously ban you from different entertainment!" Weiland bit his lip. Mukhang natauhan sa sinabi ng tatay niya. Ban him from different entertainment? Ano? Artista talaga siya? Tinignan ko ulit si Weiland at napangiwi. Artista talaga ang lalaking 'to? Marahas nitong binitawan ang braso ko habang ako naman ay napaatras. "Gamutin niyo ako sa kwarto!" Sigaw ni Weiland at tinalikuran kaming lahat. Puta talaga! "Weiland!" Sita ni Mr. Vegas bago ako daluhan. "Are you okay, Adele?" Tanong nito. Umiling ako. I don't feel okay! "You should go home... Let's talk. I hope you can consider my offer. I can raise your salary too..." Tumango ako. Kailangan ko pag-isipan ng mabuti! May saltik ang anak niya sa utak! Baka mamaya sasakin lang ako ng ballpen habang nagtuturo! Inalalayan ako ng isang maid para lumabas. Pero bago iyon ay nilingon ko si Weiland. Nahuli ko itong nakatingin sa'kin ng masama. I smirked. Pagka-uwi ay itinapon ko ang sarili sa sofa at tinignan ang uniporme. Parang gago ang lalaking iyon! Ang mahal ng uniform sa school na 'yon! Teka, may pasok bukas! Wala akong coat! Iisa lang 'to dahil nga mahal! "Ah! Puta kang Weiland ka!" Sigaw ko sa kwarto. Bago matulog ay kinamusta ko ang lagay ng pamilya sa probinsya. My family is just telling me that they are okay. I need to find work... Pero kung tutuusin, kung sa Weiland ako magt-trabaho—pwede na nga ako mag-resign sa iba kong part time. Kaya lang baka patayin talaga ako noon. May sayad sa utak! I sighed. Paano ba 'to? Try ko muna maghanap ng ibang trabaho. Tinignan ko ang coat kung nasaan ang pirma niya. I cannot even wash this now... Paano ko ito susuotin?may striktong teacher kami bukas! Gusto noon ay complete uniform! Bahala na nga! Kinabukasan ay bitbit ko lang ang coat sa bag. Mahirap na at masita ako sa dumi! Gago kasing Weiland 'yon. Pirma? Gago ba siya? Nakakailang gago na ako ngayong umaga! Nang makapasok sa room, as usual—maingay at magulo. Umupo lang ako at hinila ang notes. May quiz pala kami ngayon... "Adele!" Lumapit si Frances sa'kin, bitbit na naman ang phone niya. Pinakita ko sakanya ang libro ko. "Wala ka bang exam?" Hindi ko alam, minsan kung sino pa ang pinalad na makapag-aral—sila pa ang tinatamad. How lucky of them. "May bago kasing labas na episode! Tignan mo ang pogi ni Weiland—" "Ano?!" Napatayo ako sa sinabi nito. Weiland?! Episode? Artista?! Inagaw ko ang cellphone sakanya—at natulala ako ng makita iyong abnormal na nakita ko. "Hoy!" Frances snatch her phone away from me. "Akala ko ba aayaw-ayaw ka ba kay Weiland? Ano 'yang nakikita ko? Tulalang-tulala ka sa bebe ko!" Natawa ako. Hindi ako makapaniwala! Talagang artista pala siya! Kaya pala pamilyar ang mukha! "Ano? Game ka na ba maging fan—" Natawa ako. "Fan? Mukha namang pangit ang ugali niyan!" "Tsk! Akala mo talaga nakilala mo na si Weiland!" Ngumisi lang ako sakanya. Kung siya siguro ang nakakilala kay Weiland—baka manindig ang balahibo niya sa galit! "Tsaka alam mo ba? Tiga dito lang 'yan sa school natin—" Nawala ang ngiti ko. What? "Ano?!" Sigaw ko. Galit na galit. Sa dinami-dami ng private schools—dito pa talaga? "Oo, HUMSS ang strand... Why are you over reacting girl? Ayan ha," aniya. Napangiwi ako at sinabunutan ang buhok. HUMSS... Malayo siya sa'kin. Good. "Halatang hindi ka nakikinig 'no? Tsaka dumadaan 'yan dito!" "So bakit hindi ko alam?" Dalawang taon na ako sa school na 'to—alam kong may mga artista dito... Pero! Bakit nandito ang abno na 'yon? Namutla ako ng maalala ang pag-pirma niya sa coat ko. Paano kung nalaman niyang same school kami? Ano naman? Siguro hindi naman niya ako gagantihan sa school 'no? He will not stoop that low! And he will not bother to look at me! "Ms. Ferrer? Nasaan na ang coat mo?" Ayoko talagang ilabas 'yon! Halos lahat ng kaklase ko, mukhang kilala si Weiland! Ang laki-laki ba naman ng pirma noong gago! "Nasaan na? Hindi maganda tignan na walang coat!" Sita pa nito. "Tandaan niyo, graduating na kayo ng Senior high! Ayusin niyo kung ayaw magka-problema!" Tumango-tango ako. Kulang lang ng uniform, ang daming sinasabi! My teacher glared at us... Mabilis naman akong kumilos para hilahin ang naka-tuping coat sa bag. Napalunok ako... Tinanggal ko ang tali sa buhok bago isuot ang coat. Sinigurado ko na natakpan ang pirma noong Weiland bano gamit ng buhok ko. "Oh, dala naman pala 'eh! Kayo, ang mahal ng uniporme niyo—ayaw niyo isuot! Let's go back to the lesson!" Nakakainis. The uniform is so suffocating for the first time! Hindi rin ako naggagagalaw masyado dahil baka mawala ang takip. Siguro hindi talaga sikat sa ibang lugar ang hayop na 'yon—pero malamang makikilala ng kaklase ko ang pirma na 'to! Will they? Argh. Mas okay 'to. Just to be safe. Pagkatapos ng klase ay mabilis kong hinila ang aking coat paalis sa katawan. Pero hinila ito ng kaklase ko. Si Kloe! "Sinasabi ko na nga ba! Pirma ito ni Weiland!" Tili niya sa'kin. "Girl, legit ba 'to?!" Namutla ako. Hindi alam ang isasagot. "Fan ka rin pala ni Wei, Adele! Hindi halata!" Komento pa nito. Nginitian ko si Kloe at sinubukang hilahin ang nag-iisa kong coat—pero mahigpit ang hawak niya doon! "Ikaw!" Napahawak ako sa braso ko ng hampasin iyon ni Frances. Nakanguso siya. "Ikaw, alam mo traydor ka! Paano mo nakuha ang pirma ni Weiland?!" Marami ng kaklase ang naki-usisa sa'min at pinagkakaguluhan ang pirma ni abnormal sa coat ko. "Ang swerte mo naman!" Iyan lang ang naririnig ko sakanila. Ako? Swerte? Kung alam lang nila! Medyo nagulat ako dahil big deal talaga ang pirma ni kupal. Woah. Parang naluluha naman ang mga kaklase ko sa pirma noon. Ang OA! "Ikaw Adele ha! Akala ko ba 'di ka fan!?" Si Frances. Napalingon naman ang lahat sa'kin. Nagtataka kung bakit may pirma ako ni Wei tapos hindi fan? Ngumiti lang ako. "Hindi naman talaga ako fan... Pero alam niyo 'yon—" "Akin na lang 'to, Adele!" Si Andrea at hinila ang coat kay Kloe. "Hindi ka naman fan 'eh..." Uh-oh... Mukhang magkakaroon pa ng away dito. Ang sama ng tingin ni Kloe kay Andrea! Napangiwi ako... Pag-aawayan talaga nila yan? "Iisa na lang 'yan kasi—" "Babayaran ko 'yong coat!" Sigaw ni Andrea. "Three thousand!" Teka! Makakabili na ako ng bagong coat noon! Two thousand? "Ako! Three thousand at itong coat ko ngayon!" Laban ni Frances at hinubad ang suot niya. She really knows me! Suminghal si Kloe. "Five thousand, plus itong coat ko!" Kloe fired. Napanganga ako. Teka, are they bidding my jacket!? "Six!" "Six-five!" My eyes widened. Ayos ha, mukhang hindi naman pala sayang ang pirma noong kupal na 'yon! "Ten thousand!" Sigaw ni Maja! Napasipol ang kaklase ko. "Oh, may tataas pa ba sa ten thousand!?" Hyper na hyper ang mga lalaki kong kaklase dahil sa bidding na nagaganap. Sila Andrea, Frances at Kloe ay natahimik na. Samantalang si Maja ay tinalon na ang coat ko! "Yours na po, Ms. Maja!" Grabe, kakaiba 'to ha! Pagka-uwi ay hindi na masama! Hindi ko inaasahan na aambunan ako ng ten thousand, at coat ng kaklase ko. Grabe, mga baliw... Hindi nila alam ay nagsasayang lang sila ng pera sa lalaking 'yon. "Adele naman 'eh! Bakit hindi mo sinabi na may pirma ka ni Wei!? Paano mo nakuha 'yon?!" Panggigisa sa'kin ni Frances. "Ewan... Hindi ko rin alam." Naningkit ang mata ng kaibigan ko. "Ikaw ha? May 'di ka ba sinasabi?!" Natawa ako, nagkukunwari. "Ano naman ang hindi ko sasabihin?" Kanina pa 'to si Frances! Determinado talaga siyang makakuha ng sagot kasi hindi nga siya sumakay sa kotse niya—nakasunod lang sa'min ang sasakyan nito! Paulit-ulit lang din ang tanong niya, kaya ganon pa rin ang sagot ko. I cannot believe that he is doing this just for one guy with terrible and horrible manners! "Ano ba 'yan Adele! Para naman akong others!" "Wala nga! Nakuha ko lang yan doon sa maraming nagpapa-pirma... Ano..." "Huh? Nagpapapirma?" Kailangan ko na ng palusot para tantanan na niya ako! "Oo, noong isang araw nagpapa-pirma 'yong idol niyo... Kaya naisipan ko maki-pirma para ibenta..." "Ganon?! Bakit parang wala naman akong nabalitaan na—" Tumawa ako at inakbayan siya. "Baka kasi hindi ka nakikinig? Next time try mo!" "Meron ba talaga? Parang wala akong nabalitaan!" Nguso nito. Piningot ko ang ilong niya. "Meron nga," I convinced her. Frances finally stopped asking me. We bid our goodbyes before parting our ways. Hindi na rin masama. May napala ako sa nangyari. Akala ko ay inalipusta lang ako ng pangit na 'yon... Pero tignan mo nga naman! Easy ten thousand! Para lang sa pirma! May pang-bayad na ako sa upahin at padala sa magulang! Kulang pa, pero at least meron! Should I really work there? Tapos gagatasan ko ng pirma si Weiland para yumaman ako lalo? Ipa-bid ko ang pirma niya? Natawa ako sa idea. I should think first. Mukhang magaling mag-panggap sa iba kaya maraming fans! Nako, delikado pa naman talaga ang mga lalaking magpag-kunyare. Usually sila ang mga serial killers sa palabas! Baka in real life, ganon din ang bano na 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD