Bago pa ako tuluyang magpakulong sa init ng titig at hawak ng kamay niya sa'kin ay umiwas na ako. Ang galing-galing talaga umakto nito. Sabagay... Magaling siyang artista 'e! Pero bakit kasi kailangan ako ang pag-praktisan niya? Nagsalubong ang kilay ko. Mabilis kong hinila ang aking kamay at inirapan ang lalaki. "Umuwi na tayo. Puro ka kagaguhan," natatawang sabi ko, pero sa totoo lang ay galit na. Nanahimik ito. Hindi na lang nagsalita ang lalaki hanggang sa makauwi kami ng apartment. Tahimik pa rin kaming dalawa, pero patay malisya lang ako. Kunyari ay walang nangyari kahit ang bigat ng hangin na namamagitan sa'min. "Ito, kainin mo," I told him. "Tsaka may bumili na pala ng relo mo. Kailan ang meet up?" "Bukas siguro," aniya. "Tara, kain ka na." Tumango ako. "Okay... After lunch

