Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig na basag. Hindi naman mahirap tignan kung ano ang nangyari. Nakita ko si Weiland na may sabon sa kamay—mukhang naghuhugas ng plato. Nakita ko ang magulong plato na may sabon sa plato na pwedeng mahulog anytime, at ang basag sa paanan nito. "Anong ginagawa mo?" Wala sa sariling tanong ko at bumangon. "I am just trying to help," aniya. "Don't worry. I'll pay for it..." Tukoy niya sa nabasag. Inirapan ko lang ito. Aba, dapat lang! Kaunti na nga lang ang plato ko, babasagin niya pa! Nakasuot si Weiland ng simpleng white shirt at khaki pants. Bigla akong na conscious at hinawakan ang mukha. Baka may panis na laway at muta pa ako. Umagang-umaga, bakit ang aliwalas niyang tignan? Bumangon ako para sa mag-banyo--pero noong makita na wala ng laman an

