PINAKATITIGAN ni Berry ang litratong nakapaloob sa picture frame na hawak. Larawan iyon nina Trevor at Sarah. In the picture, they were both grinning from ear to ear, not caring of their surroundings. 'Yong tipong ang mga ito lang tanging tao sa mundo.
It was a candid photograph. Mas bukas ang mukha at mas guwapo si Trevor kapag nakangiti. He has a smile that's very captivating and attractive. Si Sarah naman ay, well, sobrang ganda. Her smile, on the other hand, was very contagious. Nakakahawa. They really looked good together, and very much in love with each other.
Buntong-hininga niyang inipon ang mga iba't-ibang klaseng frames na may litrato nang dalawa na naka-display sa sala at kusina nito. Ayaw ba nitong mag-move on sa buhay? Hinahayaan pa kasi nitong pakalat-kalat sa pamamahay nito ang mga larawang magpapaalala sa nakaraan.
What a fool, she thought. Kinuha niya ang mga iyon saka hinanap si Trevor.
Inabutan niya ang binata sa may likod ng bahay. He was seating on his backyard, holding the same kind of frame she's about to dispose. He had a solemn expression on his face while staring at it. Mukhang malalim din ang iniisip nito.
"Sir..." she called, letting him know her presence.
"What now, Berlin?" tanong nito sa hindi nagbabagong ekspresyon.
Bigla siyang kinabahan sa gagawin niya. Mentally crossing her fingers, she showed him the frames she was holding. Kung magagalit ito sa gagawin niya at sasabihing mag-alsabalutan na siya ay maluwag niyang tatanggapin. "Magagalit ka ba kung ano..." Lumunok siya. "Itatapon ko na ang mga ito?"
Please be good to me. Please be good to me. She chanted in her mind while waiting for his wrath on her. Ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay nanatili lamang itong tahimik.
"Trevor."
"Ha?" Naguluhan siya. Ba't nito sinasabi ang pangalan?
"Tawagin mo ako sa pangalan ko simula ngayon. Naririndi na ako sa kaka-sir mo."
Hanuraw?
Itunuro niya ang hawak na mga frames. "Sige, sir... Errr, Trevor. Puwede ko na bang---"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang ihagis nito sa paanan niya ang picture frame na hawak nito. "Isama mo na 'yan," tanging saad nito.
Napaawang ang mga bibig niya. "That means, payag ka? No questions, no yelling, and no kicking me out?"
"Gusto mong paalisin kita? Believe me, I've tried that a lot. Hanggang ngayon ay nandito kapa naman. Sige na. Gawin mo na kahit anong gusto mong gawin sa mga litratong 'yan. Lukutin mo, ibasura mo o sunugin. Do it."
Matagal niyang tinitigan ito. Galit na ba ito sa lagay na 'yan? Pinulot niya ang frame at nagdesisyong huwag nang magsalita kasi baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya na hindi na naman nito magustuhan.
Damn it, magpapaalam pa pala ako! bigla niyang naalala. Tumawag ang kaibigan niya kanina na galing Canada at balak sana nilang magkita.
Niyakap niya ang mga frames. "Magde-day off pala ako ngayon, si---Trevor. Okay lang ba?"
He dismissed her with his hand, waving it in the air. Ang sarap mo din talagang kutusan! Tumalim ang mga mata niyang tumalikod dito. Gawin ko nga lahat ng sinabi mo sa mga pesteng larawang 'to!
"BAKLA! Kumusta ka na?" Tumitiling yumakap sa kanya si Justin. Ito ang kaibigan niyang isa ring nurse ngunit sa Canada na nagtatrabaho. Sa isang fast food chain nila piniling magkita. "Na-miss kita! Grabe!"
Natatawa niyang tinapik ang balikat nito. "Hoy, hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo," reklamo niya. Justin is a full blooded gay despite his fine looks. Naging kaibigan niya na ito mula pa no’ng college.
Teary eyed ito nang kumalas sa kanya. Suminghot-singhot pa ito. "I just missed you."
"Na-miss din naman kita kahit paano."
Pinalo nito ang braso niya. "So, kumusta kana? May papabels kana ba?" may ning-ning ang mga matang tanong nito.
Pinandilatan niya ito. "Really? 'Yan talaga ang itatanong mo?" naiiling na sinimulan niyang lantakan ang champ burger.
Namilog ang mga mata nito. "Wala pa rin hanggang ngayon?"
"Bakit ba kung wala pa? It's not like I'm in a hurry or anything," depensa niya sa sarili. Medyo nahihiya kasi siya sa tuwing pag-uusapan ang love life niyang zero balance naman. Minsan lang kasi siya nagkaro'n ng kasintahan noong kolehiyo at nagtagal naman 'yon ng dalawang taon. Ngunit nagmadali ang ex niya sa pag-aasawa, eh, hindi pa siya handa. Masyado pa siyang bata. So when he asked her to get married, she refused. At iyon ang naging dahilan ng break-up nila. Then after that, wala na. Ni manliligaw nga ay wala siya.
"May nanligaw na ba sa'yo?"
"Mayro'n."
"Tinaboy mo?"
"Hindi, ah! Nagpakatotoo lang ako."
Napailing ito. "Minsan kasi kailangan mo na muna silang bigyan ng pagkakataon. Malay mo magustuhan mo sila kapag nakita mo ang effort nila."
She took a big bite on her burger. "Pero unfair naman sa kanila iyon. I'm just waiting for that spark to happen, you know..." kibit-balikat niyang saad. "'Yong tipong makikita nang mga mata mo, tapos ia-absorb ng utak mo at saka tatagos sa puso mo. Alam mo 'yon?"
Just like with Trevor, a voice within her spoke. She swallowed hard.
"So you're just practically waiting for that kind of guy, huh? Paano kung gusto mo nga, pero hindi ka naman gusto? What would you do then?"
"I don't know. Kung hindi man mangyari 'yon ay siguro magmo-move on nalang ako. Gano'n naman ang buhay, 'diba? Kung hindi para sa'yo. Move on na..."
Mataman siya nitong pinagmasdan. "May pinagdadaanan ka ba, girl?"
"Who? Me?" Itinuro niya ang sarili.
Inikot naman nito ang mga mata. "Yes. You."
"Wala naman. Bakit?"
"Ang lalim ng hugot mo, eh. Parang hindi ka naman dating ganyan."
Ngumisi siya. "People do change, 'diba nga? People do mature. And I am a mature being."
"Ang g**o mo. Sigurado ka bang wala?"
She gave him a two thumbs up. "Siguradong-sigurado. Saan tayo pagkatapos nito?"
Doon na ito napangisi. "Soul hunting tayo."
"Soul hunting?"
"Oo."
"Maghahanap tayo nang kaluluwa?"
Kakaiba ang tingin nito sa kanya. "Basta. Masaya 'yon."
"Sinabi mo 'yan, ha?"
Justin gave out a wide smile. "Believe me when I say it is."