Chapter 9

1290 Words
BERRY kept on looking at Trevor while he's eating. Silang dalawa nalang ang natira sa bahay dahil kaninang madaling araw ay umalis na ang mga kaibigan nito. Kagabi ay naikuwento sa kanya ni Sassa ang buhay pagibig nito at ng ex-fiancée. They had a very colorful relationship, and were deeply in love with each other. Hanggang paggising niya ay hindi maalis sa utak niya ang katanungan kung bakit at paano nawala ang pagmamahal ni Sarah para dito. Is it possible for someone who’s deeply in love to just fall out of love? Parang hindi naman posible iyon. Kailangang mayro'ng isang malalim na rason para mawala ang isang malalim na pagmamahal. Hindi iyong basta nalang mawawala na parang bula. There's got to be a reason. "May gusto ka bang sabihin? Kanina kapa hindi mapakali diyan sa upuan mo," puna nito na nakatingin sa kanya. Tipid siyang ngumiti at umiling. "Wala naman, sir. May iniisip lang ako." Tumaas ang kilay nito. "Ano'ng iniisip mo kung gano'n?" Really? Bakit mo pa kailangang itanong? "Nothing important." Nagdududa ang ibinigay nitong tingin. "May sinabi ba sa iyo si Sassa?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Wala, sir. Wala naman masyado," nakailing na tanggi niya saka nagsimula na ring kumain. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo. "Really?" Lumunok muna siya. "Oo sir. Ano naman ang sasabihin sa akin ni Sassa, saka wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?" "Mayro'n..." "Naman pala si---" "May tiwala akong nasabi niya na lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin at sa personal kung buhay." Nasamid siya. Inabot niya ang isang baso ng tubig at uminom. Siyet, mamamatay pa yata siya ng maaga. Napabuga siya ng hangin nang matapos uminom. Nakamata lang ito sa kanya. She meant to ignore his words by continuing her meal when he spoke again. "Now, spill it out." Lumipad ang mga mata niya pabalik dito. Trevor coolly sipped on his coffee, gesturing her to speak. Puwersa niyang nilunok ang natitira pang pagkain sa loob ng bunganga niya. "Kung hindi ka magsasalita ay mas mabuti pang mag-impake ka na at ipapasundo kita kay mang Kardo," may pagbabantang saad nito. Her heart rate went fast again. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Gaya ng sinabi ko kanina, sir, wala naman siyang masyadong nai-kuwento. She just told me your story with Sarah, your ex-fiancée. She told me that you were deeply in love with each, that you were inseperable and that you had the---" "Stop," putol nito na bahagyang dumilim ang mukha. "Tapusin mo na ang pakain at mag-impake ka pagkatapos. Aalis tayo." Nanlaki ang mga mata niya. "What, why?" Lalong dumilim ang ekspresyon nito. "Huwag ka nang magtanong. Just do it." Wala sa sariling napasubo siya. Ang aga-aga, masama na naman ang timpla nito. Wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. "Sige, sir. Sabi mo, eh." "Medyo lumulusog ka ma'am, ah," nakangiting komento ni mang Kardo habang isinasaayus nila sa likod ng sasakyan ang mga gamit nila ni Trevor. "Hiyang ka yata rito." Nanlaki ang mga mata niya. "Kuya Kardo, ha, huwag kang nagbibiro ng ganyan. Masakit sa aming mga babae ang napagsasabihan kapag lumulusog kami." Natawa ito. "Naku ma'am, hindi naman ako nagbibiro. At saka bumagay naman sa iyo, ma'am. Mas lalo ka ngang gumanda, eh." Nangingiting nailing na lang siya sa mga komento nito. "Baka magselos ang asawa mo niyan dahil may ibang babae kang pinagsasabihan niyan," wika niya. "Ayokong may bigla nalang susugod sa akin at sasabunutan ako, kuya Kardo." Mas lalo namang natawa ito sa biro niya. "Naku, wala akong asawa ma'am. Pero may isa akong anak." Magsasalita pa sana siya nang basagin ni Trevor ang magandang mood niya. "Tama na 'yan. Halika na, kuya Kardo, baka tanghaliin tayo sa daan." Umangat ang sulok ng labi niya at masama ang tinging ipinukol dito habang napailing naman si mang Kardo. Wala silang imik na sumakay sa sasakyan. Hindi nila kasama ang mga tuta dahil isinama ni Sean, ipapatingin daw sa kilala nitong doktor ng mga hayop. "Seatbelt, Berlin," paalala ng binata nang paandarin ni mang Kardo ang sasakyan. Malalim ang hiningang sinunod niya ito. Habang nakatingin sa mga nagtataasang puno sa kanilang paligid ay may bigla siyang maalala. Paano nito nakontak si mang Cardo, eh, walang signal? At wala sa check-up schedule nito ang araw na ito? She was about to ask those question but mang Kardo beat her. "Saan tayo, sir?" tanong nito kay Trevor. "Sa bahay," maikli nitong sagot bago pumikit. "Gisingin nalang ho ninyo ako kapag nando'n na tayo. Itutulog ko lang itong sakit ng ulo ko." Berry sighed, sinking on her seat. Hay, sige na nga, saka nalang niya ito tatanungin. "THIS is your house?" nakanganga niyang untag kay Trevor habang nakatingala sa mataas na bahay sa harap niya. Natatangi ang bahay nito sa lahat ng bahay sa subdibisyong iyon dahil elevated ang kinatatayuan niyon. "Oo," sagot nito bago tinungo ang pinto. Gamit pa rin nito ang saklay, ngunit nagagamit na nito ang pilay na paa. He entered the password then the huge double door opened. Namangha na naman siya. Sa mga pelikula lang niya nakikita ang gan'to, ah. Without him inviting her, she entered the house. Nakasunod si mang Kardo, bitbit ang ibang gamit nila. Bitbit na kasi niya ang iba ro'n. His living room was a wow, from the types of furniture and fixtures, carpeted floor, the chandelier, and the awesome wooden stairs that lead to the second floor. Name it. The house got it all. "Mag-isa ka lang dito, sir?" muli niyang tanong. Wala kasi siyang makitang ibang tao ro'n bukod sa kanilang tatlo. Napakatahimik din ng bahay, but nonetheless, all corners were clean. Hindi nito pinansin ang katangungan niya bagkus ay si mang Kardo ang binalingan nito. Inabot nito ang ilang piraso ng isang-libong pera. "Umuwi muna ho kayo, kuya Kardo. Si Kevin nalang ang tatawagan ko kapag nangailangan ako uli ng driver. Gamitin na rin ninyo ang sasakyan." Nagkamot ng ulo ang huli. "Sige, sir. Maraming salamat." Tumango lang si Trevor at kapwa nila pinanood ang likod ni mang Kardo habang papalayo ito hanggang sa maisara nito ang pinto. In all fairness to Trevor, ha, ipinahiram nito ang sasakyan. Hmmmm.... Puge points. "At ikaw..." baling nito sa kanya. ”Puwede ka na ring umuwi.” Tumalim ang mga mata niya. Tinungo ang hagdan at naupo sa huling pangalawang baitang niyon. Balik na naman sila sa umpisa? Where he would push her away because he thinks he doesn't need her? What a jerk! "Sir, hayan ka na naman sa pagpapaalis sa akin. Hindi mo pa rin ba naiintindihan na hindi ko nga ho sesesantehin ang sarili ko hanggat hindi ka lubusang gumagaling. Pagagalitan na nga ho ako ng nanay mo, papangit pa ang employment record ko sa ospital. Paano naman ang kinabukasan ko? Saan ako pupulitin? I need this job, sir. Ano ho ba ang ayaw mo sa akin? Am I giving you headaches? Or am I not doing my job well? Is that it?" mahaba at tuloy-tuloy niyang pahayag habang nakatingala rito. Nakatingin lang ito sa drama niya, nanatiling blangko ang mukha nito kaya hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Maya-maya ay buntong-hininga nitong inihilamos ang isang kamay sa mukha. Naging problemado yata ito dahil sa kanya. "Fine, you stay," he finally agreed. Lihim siyang napangisi. "Pero kapag mayro'n akong kahit isang hindi nagustuhan sa ginawa o sa sinabi mo, you're out, maliwanag?" seryoso nitong saad. Nangi-ngiti siyang tumayo at inilahad ang kamay dito. "Maliwanag na maliwanag, sir." Tinapunan lang nito ang kamay niyang nakalahad. "Sige na," wika lang nito bago siya tinalikuran. Sinimangutan niya ito at siya na mismo ang tumanggap sa nakalahad paring palad. Berry shook her hand, murmuring, "Very good, Berlin. Congratulations for making it this far. Kaunting tiis nalang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD