NILAPAG ng binata ang medical clearance nito sa harap niya. Nakatingin lang siya sa mga iyon, at nahuhulaan na niya kung ano ang mangyayari. That means only one thing, hindi na siya nito kailangan. Nang magising siya na nakahiga sa kama nito ay alam na niya agad na palalayasin na siya nito. For real. Maybe she wasn't thinking straight last night. No, not at all. Gusto niyang sampal-sampalin ang sarili. Nahihiya siya. Kaya naman ay hindi siya makatingin dito nang diretso.
Umupo si Trevor sa bakanteng upuan sa harap niya. "One question," he said. "Do you remember what you did?"
Buntong-hiningang tumango siya.
"How about the consequence of what you did?"
Napalunok siya. "Alam ko na rin."
"Good. Very good." Sumandal ito sa kinauupuan. "Huwag kang mag-alala dahil nakausap ko na si mama, I've already sent a copy of my medical clearance to the hospital too. Hindi mo na rin kailangang mag-report do'n kahit hindi pa tapos ang kontrata mo. Doctor Rosete told me you can have a vacation for a job well done." Binigyang diin nito ang huling tatlong salita nito.
Tumungo siya. "Okay."
Matagal itong hindi umimik. Marahil ay naninibago ito sa pagiging submissive niya. Well, ganito talaga siya kapag aminado siyang may kasalanan siya. She's gone too far invading his privacy anyway.
"No hard feelings?"
Umiling siya. "No." Nag-angat siya ng ulo. "Mag-iempake na ako," saad niya saka tumayo at naglakad palayo.
Sumandal siya sa katawan ng pinto nang nasa loob siya ng kuwartong tinutuluyan niya. Bakit ang bigat ng dibdib niya? Hindi ba dapat masaya siya dahil sa wakas ay magkakaro'n siya ng mahaba-habang bakasyon imbes na nagtatrabaho?
You're having this feeling because you know that deep inside of you, Trevor is special. He has taken a portion of your heart and there is no point denying it, a voice within her stated. You are falling for him, and he's not there to catch you.
Berry palmed her chest, looking up, then sighed a deep sigh. "Puwede ba 'yon?" bulong na tanong niya sa kawalan. "Puwede bang mahalin ang isang taong wala namang ginagawa para mahulog ang loob mo sa kanya?" Napailing-iling siya. Pushing herself against the door, she started packing. Mas mabuti na rin siguro ang ganito nang hindi pa gano'n kalalim ang nararamdaman niya. Mas madali siyang mag-move on sa buhay.
This is real, huh? she thought as she closed the room's door. Bitbit ang dalawang maliit na maleta ay tinungo niya ang pintong palabas ng bahay. Medyo nagulat siya nang makita si Trevor nakasandal mismo sa pinto. His hands were in his jeans' pockets, looking like a model as always.
Hayun na naman ang pagkabog ng dibdib niya. Inilapag niya sa sahig ang mga maleta nang nakatayo na siya sa harap nito.
"Sir, nakaharang ka sa pinto," mahina niyang sambit.
Bumukas ang bibig nito ngunit muli ring itinikum. Parang may gusto itong sabihin pero hindi tinuloy. Still staring at her, umalis ito mula sa pagkakasandal sa pinto at binuksan iyon.
Tahimik siyang lumabas.
"Hello, ma'am," bati sa kanya nang isang lalaki na nakatayo sa tabi nang isang itim na sasakyan sa labas ng bahay ng binata. "Ako ho si Kevin, ihahatid ko na ho kayo sa bahay niyo."
Hinayaan niya nang kunin nito ang mga gamit niya. Nilingon niya si Trevor. This time, with a smile on her lips and slightly waving at him. "Bye, sir," she muttered then went into the car. "Sa Greenville ho tayo, kuya," wika niya sa driver saka pumikit.
Goodbye, Trevor...
"NICE to see you here, Berlin."
Sinuklian niya ang ngiting iyon ni Khyryu saka inilibot ang paningin sa loob ng restaurant na pagma-may ari nito. "Nice place..." puri niya.
Ngumisi naman ang binata. "Naman. Guwapo ang may-ari, eh."
Napailing siya. "Ang yabang mo."
"Totoo naman, eh." He occupied the seat across from her. "So, what brought you here?"
"I'm here to eat," simpleng sagot niya.
"Hmmm, day off?"
Tipid siyang ngumiti. "Nope."
"So it's true then?"
"Ang alin?"
"You no longer stay with Trevor?" Khyryu shook his head, clicking his tongue. "Akala ko pa man din magkaka-develop-an kayo."
Her head whipped to him from the menu. "Joke ba 'yan?"
Natawa ito. "Hindi. I'm really betting on you." Sumandal ito sa upuan at humalukipkip. "Sarah's back, alam mo ba 'yon? And I'm afraid that my poor friend will only fall on her once again." Umiling-iling ito. "Foolish love."
Ibinalik niya ang pansin sa menu para itago rito ang tunay na emosyon sa mga mata niya. "Ang bitter mo. Ano naman ang magagawa natin kung sila talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa? But I doubt it, pumayag naman si Trevor na itapon ko ang mga litrato nila ni Sarah no'ng isang araw," hayag niya.
"Really?" hindi makapaniwalang untag ni Khyryu. He even leaned a little. "That's good news!"
"Nanliligaw kana ba sa lagay na 'yan?" tanong nang biglang sulpot na si Sean.
Saan ito galing?
He took the seat beside her, giving out a smile. "Hi. Bago ko makalimutan, the pups are doing great."
"H-hi," ganting bati niya saka pasimpleng sinulyapan ang ibang tao sa paligid. Sure enough, eyes were curiously watching them.
"Diba sabi ni pareng Trevor na hindi pumapatol itong si..." Tumingin si Sean sa kanya at saka kumindat. Gosh! "Berlin sa mga singkit?"
Umayus si Khyryu ng upo. "Hindi nga ba?" tanong nito sa kanya.
"Huh? Sinabi niya iyon?" Nagpalipat-lipat ang tinhin niy sa dalawa.
"Oo."
"Itanong mo pa sa kanya."
Naitakip niya ang hawak na menu sa mukha. "Hindi ko alam na pinag-uusapan niyo pala ako."
Sean snickered, draping a hand over her shoulder. "Just once," wika nito.
"Sean, hands off..." came another male voice. This time, it was Zero. Umupo naman ito sa tabi ni Khyryu.
"Okay, okay." Sean lifted his hand in the air before dropping it to his side.
Suddenly, she's surrounded with three gorgeous men. Goodness! Medyo naiilang din siya sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Zero. Tumikhim siya upang itago ang pagkailang. "Wow, mini reunion?" biro niya na binuntutan ng mahinang tawa.
"Nah, natural na sa amin ang pumunta dito paminsan-minsan," natatawa namang sagot ni Sean. "It's just happen that you're also here. Anyway...." Nangalumbaba ito sa mesa pero itinuon ang buong atensyon sa kanya. "I heard that you don't work for Trevor anymore?"
Next topic, please…
She shifted in her seat. "Yes. Okay naman na kasi siya. He can manage on his own. At saka nagbigay na ng medical clearance ang doktor niya," paliwanag niya.
"Masaya ka ba?"
"Ha?" Nagulantang siya sa tanong na iyon ni Zero. Am I? No! She cleared her throat. "Ah...oo naman, masaya ako na gumagaling na siya. And I'm happy too that I can get a vacation." Pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga ito kahit na bumigat ang pakiramdam niya.
A huge part of her wants to go back and check on him. Pero ano naman ang magiging dahilan niya sakaling gawin niya iyon? Hindi naman siya nito kaibigan para ayus lang na mangamusta rito. For old time's sake, perhaps? Nah.
Kinuha ni Zero ang kanina pa niyang hawak na menu. Sinalubong nito ang mga mata niya. "Hindi ka masaya," wika nito na puno ng kasiguraduhan. "You like our friend."
Her mouth formed an O letter at his statement. Berry looked at Khyryu and Sean who were wearing the same expression as Zero's. Pinagkakaisahan ba siya ng mga ito? Itinikum niya ang bibig.
"How do you know?" sumusukong tanong niya.
"Your eyes are very transparent," ngumi-ngiting ani Khyryu. "Isang tingin lang sa mga mata mo ay makikita na agad, hindi na namin kailangan pang manghula."
"At walang nakakaligtas sa mga matatalas naming pakiramdam, Berlin," sabi naman ni Sean. "But that's okay. It's normal. We kind of expected it to happen."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Really?"
"Uh-huh."
She sighed. "It's okay guys... Hindi naman ako manggulo, eh. Wala akong balak. I am capable of moving on."
"Pero ayaw ka naming mag-move on," kontra ni Sean na tinanguan naman ng dalawa.
"Huh?" naguguluhan niyang tanong. "Ano'ng ibig ninyong sabihin?"
"We don't want Sarah to be back on our friend's life. Hindi siya nararapat para kay Trevor."
Tinitigan niya si Zero. "Walang puwedeng magdesisyon sa bagay na iyan kundi si Trevor lang."
"So, ayaw mong bigyan ng pagkakataon ang sarili mo para sa kanya?" nanghahamon na saad ni Sean. "We can help you, you know."
Matagal siyang walang imik. "Pinaglalaruan ba ninyo ako?"
Umiling ang tatlo. "Hindi namin paglalaruan ang buhay ng kaibigan namin."
Napalunok siya. Hindi nga mukhang nagbibiro ang mga ito. Is this really her chance? Ah, whatever!
Huminga siya ng malalim. "Okay, how will I do it?"
Sean and Khyryu grinned, giving each other a high-five, while Zero shook his head, a small smile on his lips.