KINAKABAHANG inayos ni Berry ang pagkakatakip ng menu sa kalahating bahagi nang kanyang mukha. Stay focus! Iyon ang inuulit-ulit niyang paalala sa sarili habang tutok ang mga mata at pandinig kina Trevor at Sarah. Narito sila ngayon sa isang marangya at sikat na restaurant sa siyudad na halos tanging mga mayayaman lang ang madalas makitang kumakain doon. Nalula nga siya nang makita ang presyo nang mga pagkain. Susme! Isang putahe lang, eh, nagkakahalaga na nang mahigit o kumulang isang libo? No thanks!
Ayon kay Khyryu ay dito raw balak mag-dinner date nang dalawa. Halos tatlong lingo rin siyang hindi nakibalita tungkol sa binata. Kahit na pumayag kasi siya sa Opersayon, kailangan ma-inlove si Trevor kay Berlin, hindi niya paring maiwasang mahulog sa malalim na pagiisip ng nakauwi na siya. She thought about it a lot, taking many things into consideration.
Tama ba itong gagawin niya?
Wala nga bang ibang madadamay at masasaktan?
At handa ba siya sakaling masaktan siya sa huli?
She's afraid, she won't deny it and put on a brave face. But it's worth the risk. Trevor's worth the risk.
Kaya rumisponde agad siya nang ipaalam sa kanya ni Khyryu ang planong pakikipagkita ni Trevor kay Sarah sa gabing ito. Gayun na lamang ang lakas nang kabog ng dibdib niya nang makita si Trevor na papasok sa restaurant. He looked very masculine in his semi-casual outfit. Nakakalakad na rin ito nang maayos. And of course, there's the very beautiful Sarah on his side. Ang ganda-ganda nito sa suot na bistidang kulay krema na bahagyang umabot sa mga tuhod nito. It really complemented her fair skin.
Hindi naman niya maiwasang ikumpara ang sarili rito. She is not much a dress person, mas komportable para sa kanya ang pantalon at shorts, unless a certain occasion calls for it. Mas matangkad din ito sa kanya nang ilang pulgada. Pagdating sa pisikal na itsura ay, hindi na siya aarte pa, dehado talaga siya.
Nanigas siya kanina sa kinauupuan ng sa unahang mesa kung saan naro'n siya piniling ukupain ng dalawa.
Did Khyryu also know their reserved table? Bilib na rin siya sa isang ‘yun.
Nakamata lang siya sa likod ni Trevor, si Sarah naman ang nakaharap sa gawi niya. Sana lang ay hindi nito mapansin ang pagtingin-tingin niya. Hinintay muna nang mga ito ang pagkain bago nagsimulang mag-usap.
"Kumusta kana?" Sarah asked Trevor, smiling a little. "Hindi ko alam na naaksidente ka pala."
Berry senses some awkwardness in the air. Hindi niya mahulaan kung ano ang reaksyon ni Trevor dahil nakatalikod ito sa kanya kaya naghintay nalang siya nang sagot mula rito.
"I'm doing well. Ikaw, kumusta ka?" There was no distinct emotion in Trevor's voice, it sounded like he was just having a casual meet-up with one of his clients.
Ikinatuwa nang puso niya ang bagay na 'yon. Hindi na ito apektado sa presensya nang ex-fiancée nito. Ibinaba niya ang menu saka uminom ng in-order na inumin. Bakit pa ba siya kailangang magtago, eh, hindi naman siya nito nakikita? Tanga din talaga siya minsan, eh.
Iniangat ni Sarah ang kamay at dinala sa leeg at pinaglaruan ng mga daliri ang kuwintas na suot. Is she nervous? Well, she should be.
"Trevor..." simula nito. Her eyes dropped on the table, then bit her lip. Bahagya ring nanginig ang bibig nito. "I-I'm s-sorry," nauutal at mahina nitong sambit. Naikuyom ang palad na nasa ibabaw mesa.
"For what, Sarah?" Bahagya nang tumigas ang boses ng binata. Hindi halos ito gumagalaw at nanatiling nakatuon ang atensyon sa dalaga. They haven't even touched the food yet.
Medyo natakam siya sa mga pagkaing nasa harapan ng mga ito.
"For choosing him over me?" Galit na ngayon ang boses nito. "Sabihin mo, bakit ka bumalik? Nasaan ang lalaking iyon? Bakit ka mag-isa na narito sa Pilipinas?"
Ramdam niya ang pait sa bawat bitaw ni Trevor ng mga salita. Hindi man iyon malakas ngunit may diin at punong-puno nang emosyon. Emosyon na matagal na naimbak sa kalooban nito.
Humigpit ang hawak niya sa kanyang baso dahil sa namumuong tensyon.
Nanatili lamang si Sarah na nakatungo. "H-hindi ako nagmahal ng iba, Trevor..."
Nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Sarah. No man involved? What?
"Ano'ng gusto mong palabasin?" malamig na tanong ng binata.
Nag-angat si Sarah ng mukha. "Will you listen to what I have to say?"
"I'm already listening, Sarah. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin dahil pagkatapos ng gabing ito ay tapos na tayo. Napagbigyan na kita sa gusto mong mangyari. This is the only chance you can get."
Kumibot-kibot ang mga labi ni Sarah at mukhang paiyak na ang mga mata nito. Berry couldn't help but to admire her control over her tears. Kung siya siguro ito ay baka kanina pa siya umiiyak.
"I did not fall in love with somebody, Trevor. Beiron Gray is a friend from Germany, not my lover or anything." Bumigat ang paghinga nito. "I-it started in one evening, naalala mo no'ng nagpaalam akong magkakaro'n kaming magkakaibigan ng tatlong araw na bakasyon sa Costa Alexia? On our second night there, nagkayayaan kaming magkaro'n ng inuman. We did..." Sarah paused, wiping the lone tear that escaped from her eyes. "We got d-drunk, really drunk. Then there was this guy who kept on insisting to know me better. Pero hindi ko na pinansin, Trevor. P-pero dahil sobra akong nalasing ng gabing iyon ay wala ako sa tamang huwisyo nang pumayag ako sa walang kuwentang dare na sinimulan ni Brenda." Muli itong tumigil dahil sinisinok na ito sa pagpipigil na maiyak.
Sarah put her two hands on the table, clamping them together. "Patawarin mo ako, Trevor... But I gave in to that dare."
"What was the dare?" Trevor asked with so much venom in his voice.
"I-I gave him a l-lap dance, then I did not have enough strength to fight him when he took me to his hotel room that night..." Namalisbis ang mga luhang kanina pa nito pinipigil sa mga pisngi. "W-we did it... I'm sorry, Trevor." Ilang ulit na inulit ni Sarah ang paghingi nang patawad kay Trevor habang ilang beses din nitong pinupunasan ang mga luha.
Habang siya naman ay hindi makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya rin mapigilan ang sariling maramdaman ang sakit na nararamdaman nito. So that was it, the real reason why she broke off the wedding. It was because she shared a bed with another man.
"I was saving myself for you, alam mo 'yan... Ang tanga ko dahil pumayag ako kahit na lasing ako. I was ashamed of myself, of you. Ang tanging nararamdaman ko lang noon ay hindi na ako nararapat pa para sa'yo. At sa sobrang kahihiyan ko ay nagdesisyon na akong huwag ng ituloy ang kasal at magpakalayo-layo nalang..." Humigpit ang pagkakabuhol ng mga kamay nito. "I was so guilty and ashamed, Trevor... I can't even look at you in the eye that time."
Matagal na walang umimik sa dalawa nang matapos magsalita si Sarah. Trevor's body posture is very rigid in his seat, she could see his body shaking. Ang isang kamay ay nakalaylay sa gilid nito ay mahigpit ang pagkakakuyom. Anger absolutely radiates off of him.
"Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi ang mga ito?"
"I owe it to you. Hindi ako matahimik hanggat hindi ko nasasabi sa'yo. We both need closure."
Matagal na hindi umimik ang binata. "What happened to the guy?" tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.
Umiling si Sarah. "Hindi ko alam. Hindi ko na siya muli pang nakita pagkatapos ng gabing iyon."
Binalot muli ng katahimikan ang dalawa. Ilang sandali ang nakalipas bago nagsalita ang binata.
"The outcome might have been different, Sarah. Sana ay sinabi mo sa akin ang tunay na dahilan o ang tunay na nangyari bago ka nagdesisyong tapusin ang lahat sa atin. But you didn't have faith in me, hindi ka nagtiwala sa pagmamahal ko sa'yo. Paano kung tinanggap pa rin kita noon?"
Umiling si Sarah. A bitter smile appeared across her lips. "Even if I told you the truth, pipiliin ko pa rin na palayain ka. I was guilty, Trevor, and I still am. You deserve someone better."
"Lasing ka no'n!" Trevor hissed. "You weren't in contr---"
"But I knew what was happening! I even remember everything!"
Hindi na kinaya ni Berry ang takbo nang usapan. Nagmadali siyang um-exit ng restaurant saka pumara nang taxi. She's done under-covering. Nahahati ang puso at utak niya. Mayro'ng bahagi ng damdamin niya ang nakakaramdam ng awa para sa dalawa. They were both victims by an unfortunate incident.
Pumikit siya. Why does it have to be like this? Her heart contracted to the question. Nasasaktan siya. Bakit? Dahil kung kailan niya inamin sa sariling mahal na niya ang binata ay saka naman puwedeng magkaro'n ng pangalawang pagkakataon ang reslasyon ng dalawa.
Dahil maski siya ay walang pag-aalinlangan na hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Sarah dahil bawat salita nito ay ramdam niya ang sinsiredad.
This is it? Hindi pa man nagsisimula ang kanyang pakikibaka para sa pagibig ng binata ay talo na agad siya? Na sa umpisa palang ay wala na siyang pag-asa?
Ah, kailangan kong uminom.