Chapter 14

1390 Words
"ATE, kahit pa magdamag kang tumitig diyan sa puno ng kalamansing iyan ay hindi ka niyan bibigyan ng solusyon sa mga suliranin mo sa buhay." Masama ang tingin na nilingon niya ang kapatid. Dumiretso siya nang uwi pagkagaling ng restaurant, at heto na nga, nakikipagtitigan sa kalamansi sa labas ng kanilang bahay. "Tigilan mo ako, Berting," pakli niya. "Ano'ng ginagawa mo rito? Mag-aral ka ro'n sa loob, hayaan mo akong mag-isa rito." Lumawak lamang ang ngiti nito saka lumapit at umupo sa bangkong inuupuan niya. "Ano ba ang iniisip mo, ate? Kung trabaho iyan ay wala akong maitutulong dahil nga sa estudyante palang ako, pero kapag tungkol naman sa lalaki iya--Aray!" reklamo nito nang kutusan niya. "Kailan ka pa naging interesado sa buhay ko?" taas ang kilay na tanong niya rito. Nagkamot ito ng ulo. "Na-excite lang ako kapag lalaki ang problema mo, ate. Isa lang ang ibig sabihin niyon, ganap ka nang dalaga. Hindi na ako magdududa sa pagkatao mo." Nakangisi itong inakbayan siya. "Ngayon, ano ba ang problema mo sa isang lalaki, ate?" Napailing nalang siya sa kapatid. Higit limang taon ang agwat nilang magkapatid. Brent ang totoo nitong pangalan ngunit mas gusto niyang tinatawag ito sa palayaw na Berting para inisin ito. Kung alam lang nito kung gaano kabigat ang problema niya sa lalaki. "Ano na, ate?" "Hindi lalaki ang iniisip ko," kaila niya. "Ow? Halata kaya." "Hindi nga." "Ate, magsisinungaling kapa ba sa akin? O, baka gusto mong si nanay ang lumapit sa'yo at magtanong? Teka, tatawagin k---" Hinila niya ito nang tangkang tatawagin ito ang nanay nila. "Fine!" nandidilat niyang asik dito. Mas matindi kasi ang nanay nila kapag ito ang nag-usisa. Aabutin sila hanggang umaga. Brent's grin only widened. "Lalaki nga?" "Oo na!" "Oh, shoot! Okay, typical story ba 'yan na kung saan ikaw na babae ay nagmamahal ng palihim, habang si lalaki ay walang pakialam sa'yo?" Alam niyang biro lang nito 'yon, pero tinamaan talaga siya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kapatid niya nang humugot siya ng isang malalim na hininga saka ibinalik sa kawalan ang kanyang tingin. "Nasubukan mo na bang magmahal?" tanong niya rito. "Desi-nuwebe kapa lang, Berting, hindi kapa puwedeng ma-inlove. Mag-aral kana muna." "Ate, hindi naman puwedeng diktahan ang puso kung kailan ang tamang panahon para magmahal, eh. Pero huwag mong ibaling sa akin ang usapan..." Tulad niya ay tumingin din ito sa kawalan. "Natutuwa akong malaman na nagmamahal ka na. Akala ko ay hindi ka na makakapag-move on sa dati mong boyfriend, eh. So, sino ang ma-suwerteng nilalang?" Napapa-ngiti siya sa litanya nito. "Ang lalim ng pinanggagalingan mo, ah." Ngumiti lang din ito. "Siyempre, matalino tayo, eh." She chuckled. "May iba siyang mahal, eh," wika niya. Isang kurot sa dibdib ang naramdaman niya nang muling sumagi sa isip niya ang nangyari kanina. "Malabo niya akong magustuhan." "Pero mahal mo?" "Oo nga." "Tapos suko ka na agad?" "Mayro'n na nga siyang mahal na iba." "Sila ba?" "Hindi na." Brent shook his head, clicking his tongue. "Hay naku, ate, hanggat mayro'n kang pagkakataon na ipakita o ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang tao, gawin mo. Maikli lang ang buhay, mas masakit ang mararamdaman mo sa huli kapag bigla nalang siyang kinuha nang nasa taas tapos wala kang ginawa para iparating sa taong iyon ang tunay na nararamdaman mo. Kung sakali mang aminin mo sa kanya ngayon ang pagsinta mo at bastedin ka niya agad. Eh, at least, hindi ka na magtatanong ng mga what ifs." Awang ang mga bibig niyang bumaling sa kapatid. "Sino ka?" tanong niya saka hinarap ito. "Hindi ikaw ang kapatid ko." "Bilib kana naman sakin, ate," nakangisi nitong sambit. "Saka tanga lang ang lalaking hindi ka magugustuhan. Ang lahi natin ang hindi dapat binabalewala. We're one of a kind, you know." Seriously, saan niya kinukuha ang mga sinasabi? "Sigurado ka bang walang sumaping ispiritu sa'yo?" "Wala, ate. Marami nang ganyan na nangyari sa totoong buhay, sa mga pelikula, sa mga nababasang istorya at marami pang iba. Matuto na tayo." Napaisip siya. Iba na rin talaga mag-isip ang mga kabataan ngayon. Minsan ay wala na rin talaga sa edad ang maturity ng isang tao. Hindi siya nagkomento at ipinagpatuloy ang pagtitig sa kawalan. Her mind wandered off to Trevor. Oo nga naman, nagsisimula palang siya sa misyon niya tapos susuko na siya agad? Wala pa ngang nangyayari. Dalawin niya kaya ito bukas? "Umamin ka nga ate," maya-maya ay saad nito. "Ano'ng aaminin ko?" "'Yong huling boss mo ba ang lalaking itinitibok na ngayon ng puso mo?" She sighed and was about to speak when their mother called out. "Pumasok na kayong magkapatid. Gabi na." Napangiti siya bago nauna nang pumasok. Bahala na ang kapatid niya kung ano ang iisipin nito. "MAY balak ka bang kumatok?" Napatalon siya sa gulat nang may magsalita sa likuran niya. Nalingunan niya si Sean, may kakaibang ngiti ito sa mga labi habang pinapa-ikot-ikot ang susi sa daliri nito. Hindi niya man lang namalayan ang pagdating nito? "Kanina kapa nakakatitig sa pintuang 'yan." Lumawig ang ngiti nito na lumapit sa kanya. "Narito ka rin ba para kumustahin siya?" Tumango siya. "Sana. Kaya lang parang nakakahiya." "Bakit naman?" Nagkibit-balikat siya. Natatawang pinindot nito ang doorbell saka kinatok ang pinto. She wonder if her finger print is still going to work. "Hindi ka dapat nahihiya. We're on a mission, right? Akala ko ba buo na ang desisyon mo?" taas ang kilay nitong tanong. "Hindi ka dapat pabago-bago ng isip." Napahugot siya ng hininga, at siya na mismo ang pumindot sa doorbell. Pagkatapos nang nangyari kagabi ay okay lang kaya si Trevor? Wala pang nakaka-alam sa mga kaibigan nito dahil hindi pa siya nagku-kuwento. Nagpapasalamat din siya dahil hindi naguusisa ang mga ito. "Ba't ka nga pala narito, Sean?" "Hmmm? Dumadalaw," he said then shrugged. "It became my habit to pay a visit to all my friends before I go to a mission." Ngumiti ito. "Huwag kang mag-alala, kahit nasa giyera ako ay sa'yo pa rin ang suporta ko." Kumindat pa ito sa kanya na ikina-iling niya. May inilabas na papel mula sa bulsa nito at inabot sa kanya. "Puwede na ninyong pick-up-in ang mga aso sa clinic na 'yan. Kompleto na rin lahat ng vaccines nila." "Okay," tango niya saka inilagay sa bag niya ang papel. "Umuwi nalang kaya ako? Mukhang hindi pa siya gising, eh." Umiling. "Nah. Baka nagtutulog-tulugan lang 'yon. Nakita niya siguro tayo sa security camera," saad nito saka tiningala ang maliit na kamera. May kamera pala ro'n? Inilabas nito ang cellphone saka tinawagan ang binata, ngunit hindi nito 'yon sinasagot. Biglang inatake ng kabog ang dibdib niya. May masama bang nangyari dito? Unconsciously, she pressed in her forefinger on the security pad and automatically, the door opened. It still recognized her finger print. "Cool," Sean muttered. They entered the house. Bumungad agad sa kanila ang magulong sala nito. Just like their first meeting, there were empty beer cans all over the floor. Mas magulo nga lang ngayon. Umawang ang mga labi niya habang si Sean naman ay napasipol nang mamataan nila si Trevor na nakahiga sa mahabang couch nito. Laylay ang isang braso nito at may hawak pang isang lata ng beer, ang isa naman ay nakapatong sa ulo at may yakap na maliit na unan. Suot pa rin nito ang damit kagabi. "Whew..." Iyon lang ang komento ni Sean habang isa-isa nitong pinulot ang mga nagkalat na lata. She, on the other hand, was only staring at his sleeping figure. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa nakikitang estado nito. "Mukhang naglunoy na naman sa alak ang isang 'yan, ah," sabi ni Sean nang maipon nito lahat ng lata sa mesa. Umiling-iling ito. They both stared at Trevor. Ang bigat ng dibdib niya habang nakatitig dito. "I will leave him to you," hayag muli ni Sean. Hawak nito ang cellphone. "Kailangan ko nang umalis." Tinapik nito ang kanang balikat niya. "Please take care of this dude," turo nito sa kaibigan. "Thank you," he mouthed before exiting the door. Ibinalik niya ang pansin sa binata pagka-alis nito. Humugot siya ng malalim na hininga bago naupo sa mesa at tumitig dito. She couldn't just leave him like that. Ayaw niya. She just sat there in silence, watching over him. Bahala na. Kung magising man ito at siya ang unang masilayan. Basta hindi niya ito iiwan. Hindi siya aalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD